Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

4th Q.

LINGGO 4
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng mga sumusunod na kabanata.
Paalala: May isang araw na nakalaan upang basahin ang buod ng mga sumusunod na kabanata.
Paksa: El Filibusterismo (Kabanata XI: Los Baños at Kabanata XII: Placido Penitente)

Halina’t Matuto!

 Kabanata 11: LOS BAÑOS


Nagtungo ang Kapitan Heneral ng Pilipinas sa Bosuboso kasama ang banda ng musiko, mga kawani,
matataas na tao at mga prayle upang mangaso at pagkatapos ay agad silang bumalik sa Los Baños.
Nang mga huling araw ng Disyembre ang kapitan heneral kasama sina Padre Irene, Padre Sybila at
Padre Camorra ay matatagpuang naglalaro ng baraha. Naiinis naman si Padre Camorra dahil lagi siyang talo.
Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro.
Ayon kay Padre Irene, maaaring magamit ni Simoun na pantaya ang kanyang mga alahas. Sumang-ayon naman
rito si Simoun at pagkatapos ay inilahad ni Simoun kung ano-ano ang mga maaaring itaya ng mga
manlalaro. Ayon sa kanya, sina Padre Sibyla at Padre Irene ay magpapakasama sa loob ng limang araw sa
pamamagitan ng pagtanggi sa kahirapan, pagkamababang-loob, pagkamasunurin, pagtitimpi
sa sarili at iba pa. Para naman sa kapitan-heneral, hiniling ni Simoun na siya’y bigyan ng kapangyarihan
na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin. Ang mga kondisyong ito ay
hiniling ni Simoun upang maging malinis ang bayan at tanggalin na lahat ng masasamang damo. Iniisip
ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni Simoun ay dahil sa pagkakaharang sa
kanya ng mga tulisan. Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at
mga bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral at sinabing marami raw baril ang mga tulisan.
Ayon kay Simoun, ang mga tulisan ang mga pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan. Sila
lamang ang napapagod para sa araw-araw nilang pagkain. Ayon kay Simoun, ang suliranin ay hindi ang
pagkakaroon ng mga tulisan sa bundok kung hindi ang pagkakaroon ng mga tulisan sa mga bayan. Dagdag pa
niya, lahat sila na nandoon ay mga tulisan rin hindi nga lamang nakikilala. Sa oras raw na sila’y mamundok na
at doo’y manirahan, mapapayapa na ang bayang ito.
Hindi na naiibigan ng kanyang kamahalan ang kinapupuntahan ng usapan kaya iniutos niya na ihinto na
ang paglalaro at pag-usapan na ang mga mahahalahang bagay. Unang tinalakay ang patungkol sa mahihinang
kalibreng sandata. Pinagpasyahan ng kapitan-heneral na ipagbawal ang pagkakaroon nito ngunit hindi sang-
ayon rito ang mga matataas na kawani. Natapos lamang ang pagtatalo nang ibigay ni Simoun ang kanyang
suwestyon na gawing legal ang pagbibili ng mga sandatang walang anim na milimetro ang kalibre. Sumang-
ayon lahat kay Simoun maliban sa mataas na kawani na bumulong kay Padre Fernandez na ang ganitong
pagpapasya ay hindi pormal at hindi matatawag na maayos na pamamahala.
Sumunod namang pinag-usapan ang patungkol sa isang guro sa Tiani na humihingi ng higit na maayos
na paaralan sapagkat ito ay wala ng bubong. Dahil dito, nababasa raw ang kanyang biniling mga mapa at
larawan mula sa sarili niyang bulsa. Ayon sa kapitan-heneral, marami siyang natatanggap na reklamo sa guro na
ito kaya napagdesisyunan niyang suspendihin ang ito. Nahabag naman ang mataas na kawani sa sinapit ng guro
na imbes na tulungan ay inalisan pa ng hanapbuhay.
“Isang kamalian sa isang guro na humingi ng paaralan gayong ang kanyang mga kababayan ay ni
walang sapat na pagkain. Kalabisan ang humingi ng mahigit na mabuting kalagayan kaysa sa Inang Bayan, ang
Espanya,” sambit ng kapitan-heneral. “Mula ngayon, sinumang umangal ay masususpinde,” dagdag ng kapitan-
heneral.
Sumunod na pinag-usapan ay ang paraalan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don Custodio na gawing paaralan
ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa isang linggo na tinutulan ng karamihan. Ayon kay Padre Camorra,
hindi ito makatarungan para sa mga may-ari ng sabungan na nagbabayad ng buwis sa pamahalaan sapagkat may
mga pagkakataon na hindi lamang Sabado at Linggo ginagamit ang sabungan. Ayon naman sa Kapitan Heneral,
hanggang siya ang nanunungkulan, hindi mangyayari na ipasara ang paaralan dahil lamang sa pagsasabong.
Ang sunod na tinalakay ay ang kahilingan ng mga mag-aaral na magkaroon ng akademya ng wikang
Kastila. Binanggit ng kalihim na ang kahilingang ito ay pinangunahan ng isang kabataan na pinaghihinalaang
humihingi ng sobrang pagbabago. Ilan sa mga kabataang ito ay sina Isagani, Makaraig, at Basilio. Ang ilang
mga sa pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y makakaepekto sa karapatan, isang tahimik na
paghihimagsik at dapat raw ay hindi nag-aaral ang mga Indiyo. Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y
kahina-hinala. Kaya naman pinutol na ng Heneral ang usapin at sinabing pag-iisipan niya ang mga bagay na
iyon.
 Kabanata 12: PLACIDO PENITENTE
Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat
ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa dalawang sulat niya sa
ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.
Nasa ikaapat na taon na siya.

Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang


mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni
Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang
pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi. Nagulat pa si
Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Santo Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa
balikat. Si Palaez ay mahangin at paborito ng mga guro.

Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa
Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila
napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng
katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noon lamang papasok ang kuba. Pulos walang
pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon.
Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa.
Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez. Nanghingi ng abuloy para sa
monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng
Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Nang marating nila ang
Unibersidad ay makikita ang mga mag-aaral na masayang nag-uumpukan habang hinihintay ang kanilang
propesor. Naroon si Isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Isang kapwa mag-aaral naman ang lumabas ng
simbahan na nababakas sa mukha ang debosyon sa pagdarasal sa Birhen upang gawing maliwanag ang leksyon
sa araw na iyon. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag-aaral at magtinginan sa
isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si
Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa
paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit
nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.

Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si
Placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Makaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang siyang
panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa
isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente. Pumasok
pa rin si Placido. Pumapasok sila sa klase hindi upang matuto kung hindi upang magsaulo ng leksyon, magbasa
ng aklat at sumagot ng isa o dalawang tanong mula sa propesor. Naalala ni Placido na malapit na ang kanilang
pagsusulit ngunit hindi pa rin siya natatawag ng kanyang guro.

GAWAIN 3
Pangalan: ________________________________________ Marka: _______________
Seksyon: ________________ Petsa: ________________

Gawain: Sukatin ang iyong natutuhan!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong
sagutang papel. (1/4 sheet of paper)

1. Papaano inilarawan ni Simoun ang mga tulisan?


A. ang mga tulisan ang pinakamatapat na mamamayan C. masasamang tao
B. ang mga tulisan ay salot sa lipunan D. walang utang na loob

2. Makatarungan ba ang naging pagpapasya ng Kapitan Heneral na suspindihin ang guro?


A. Oo, sapagkat labis ang hinihingi nito sa pamahalaan
B. Oo, sapagkat iniisip lamang niya ang kanyang sariling kapakanan
C. Hindi, sapagkat iniisip lamang niya ang kabutihan na maidudulot nito sa mga mag-aaral
D. Hindi, sapagkat ang guro at ang Kapitan Heneral ay magkaibigan

3. Ano ang naging reaksyon ng Kapitan Heneral patungkol sa naging suwestiyon na gamiting paaralan ang
sabungan?
A. Ito ay kanyang sinang-ayunan C. Hindi siya makapagpasya
B. Hindi siya sumasang-ayon rito D. Ang suwestiyong ito ay hindi niya pinansin
4. Bakit marami ang tumututol sa adhikain ng mga kabataan na magtayo ng Akademya ng wikang Kastila?
A. Hindi dapat nag-aaral ang mga Indyo C. Ito’y isang tahimik na paghihimagsik
B. Ito’y makaaapekto sa karapatan D. Lahat ng nabanggit

5. Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang usapin na tinalakay ng Kapitan Heneral maliban sa ______?
A. Mahihinang kalibreng sandata C. Mag-aaral na si Placido
B. Pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila D. Guro sa Tiani

6. Bakit nawalan ng gana si Placido sa pag-aaral?


A. Sapagkat hindi niya nagugustuhan ang hindi pantay na pagtingin ng mga guro sa mga mag-aaral
B. Sapagkat hindi siya masaya sa kursong kanyang napili
C. Sapagkat hindi niya nagugustuhan ang kanyang mga hambog na kaklase
D. Lahat ng nabanggit

7. “Isang kapwa mag-aaral ang lumabas sa simbahan na mababakas sa mukha ang debosyon sa pagdarasal sa
Birhen upang maging maliwanag ang leksyon sa araw na iyon.” Anong kaisipan ang mahihinuha mula sa
pahayag na ito?
A. Pagmamahal sa kapwa C. Kahalagahan ng edukasyon
B. Pagmamahal sa diyos D. Paggamit ng kapangyarihan

8. Bakit hindi lumagda si Placido sa isang kasulatan na pinapalagda sa kanya?


A. sapagkat isa siya sa mga nagnanais na magkaroon ng akademya ng wikang Kastila
B. sapagkat hindi niya nagugustuhan ang taong nagpalagda sa kanya nito
C. sapagkat naalala niya ang nagging karanasan ng kanyang amain
D. sapagkat ayaw niyang madamay sa kaguluhan na maaaring maidulot nito

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na paglalarawan sa katangiang taglay ni Placido Penitente?
A. Siya ang pinakamatalino sa paaralan ni Padre Valerio C. Siya ay makasarili
B. Siya ay isang sugarol D. Siya ay mabait

10. Bakit ipinagpapatuloy pa rin ni Placido ang pag-aaral gayong ayaw na niyang pumasok sa paaralan?
A. sapagkat siya’y may lihim na pagtingin kay Juanito Pelaez
B. sapagkat siya’y pinakiusapan ng kanyang ina na ipagpatuloy na lamang ang pag-aaral
C. sapagkat siya ay may paboritong guro
D. sapagkat siya’y maraming kaibigan sa kanyang pinapasukang paaralan

You might also like