Esp7 Quarter 4 Week 2 Las 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DEVELOPED BY SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO

Pangalan: Baitang at Pangkat: 7- Iskor:


Paaralan: Guro: Asignatura: ESP 7
Manunulat: Imelda M. Sabod Tagasuri: Lorelie C. Salinas / Romar L. Mending Paksa:
SMARTA. Q4-W2-LAS#1
Layunin: Nailalarawan ang kahulugan ng SMARTA. EsP7PB-IVd-14.3
Sanggunian: Miranda, A., et. Al. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 – Mga Modyul para sa Mag-aaral.
Makati City, Philippines: FEP Printing Corporation, pp. 276-279

Nilalaman:
Ang Kahulugan ng SMARTA
Specific (Tiyak). Alam mo kung ano ang gusto mong gawin at sigurado ka sa mga hakbang na gagawin para rito.
Measurable (Nasusukat). Nasusukat ang iyong pag-unlad sa pagdaan ng panahon. Dapat masukat mo kung magpapatuloy ka at
kung gaano ka kalapit sa iyong pangarap.
Attainable (Abot-kaya). Dapat mong siguruhin na ito ay praktikal at nakabatay sa katotohanan. Ang pangarap ay ginawa upang
matupad ang isang bagay at hindi upang magbigay ng kabiguan.
Relevant (Angkop). Mahalagang makita ang kaangkupan ng gawain sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa at timbangin kung
ito ay higit na makakabuti.
Time-bound (Takdang Panahon). Bawat layunin ay may tinatakdang panahon upang tuparin. Mayroon itong “deadline” upang
magpursige kang gawin ito.
Action-Oriented (Kayang Isakatuparan). Sa pagsasaad ng iyong mga layunin, gagamit ng mga aktibong pandiwa (hal.
magkakaroon, magpapagawa, mag-iipon). Ang mga ito ay nagpapakita na talagang may gagawin ka. Iwasan ang mga layuning
nagpapahiwatig sa gusto mo lamang.
Halimbawa:
Pagsasatupad ng Mithiin
Specific (Tiyak) Makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at magkaroon ng
trabaho.
Measurable (Nasusukat) Mag-iipon ako ng isang libong piso bago ang kaarawan ng
aking ina sa susunod na buwan.

Attainable (Abot-kaya) Makalipas ang limang taong pagtatrabaho at pag- iipon,


magpapagawa ako ng bahay.
Relevant (Angkop) Maging mahusay na guro matapos ang sampung taon na pag-
aaral.

Time-bound (Takdang Panahon) Magtatapos ako sa kolehiyo sa loob nang apat na taon.
Action-Oriented (Kayang Isakatuparan) Magtatapos ako sa kursong inhinyero

GAWAIN:

A. PAGKIKILALA

Panuto: Basahin at tukuying mabuti ang mga sitwasyon. Isulat ang letrang S kung ito ay Tiyak, M kung ito ay Nasusukat, A
kung ito ay Abot-kaya, R kung ito ay Angkop, T kung ito ay Takdang Panahon at AO naman kung ito ay Kayang
Isakatuparan.

1. Gustong makakuha ng 98 na marka ni Lisa sa asignaturang ESP sa susunod na makahan.


2. Nais matutong magluto ni Angela ng menudo sa loob ng isang araw.

3. Magpapagawa ako ng magandang bahay para sa aking mga magulang pagkatapos ng limang taong
pagtatrabaho.

4. Si Ana at ang kanyang mga kaibigan ay nagtuturo sa mga batang kalye na bumasa, kaya naman nais
niyang maging guro balang araw.

5. Magtatapos ako sa kursong medisina.

You might also like