Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

OPEN UNIVERSITY SYSTEM

Pagpapalawak ng Financial Literacy sa mga Kabataang Pilipino Gamit ang Epektibong

Komunikasyon sa Social Media: Isang Hakbang Tungo sa Pambansang Pag-unlad

Pinal na Papel sa Asignaturang

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Ipinasa kay:

Isinulat ni:

February 2024
I. Panimula

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pinansya ay isang kritikal na aspeto ng buhay

sa kasalukuyan. Sa kasamaang palad, marami pa ring kailangang gawin upang

makamit ang antas ng kaalaman sa pinansya na ating nilalayon. Ayon sa

pandaigdigang pag-aaral ng S&P Global Ratings, ang Pilipinas ay nasa

pinakamababang 30 sa 144 na bansa sa aspeto ng financial literacy. At ayon naman sa

pag-aaral na sinuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2021, 63% ng mga

sambahayang pilipino ay walang ipon at karamihan sa kanila ang suweldo ay sapat na

lamang sa kanilang pangangailangan sa pang araw-araw.

Ang tatalakayin sa pag-aaral na ito ay isang hakbang tungo sa pambansang pag-

unlad ng ating bayang sinilangan—Pilipinas na mahal—sa pamamaraang pagbibigay

kaalaman at impormasyon tungkol sa financial literacy sa mga kabataang pilipino. Ang

gagamiting pakikiugnayan sa mga indibidual ay ang epektibong komunikasyon hango

sa SPEAKING ni Dell Hymes at sa pamamagitan ng plataporma na social dedia

marketing.

II. Deskripsyon

Ang mga indibidwal na may kaalaman sa pananalapi ay makakatulong sa

paglago at pagkakatatag ng ekonomiya, dahil mas malamang silang magsimula at

palaguin ang maliit na negosyo, mag-invest sa stock market, at mag-ipon para sa

pagreretiro. Ang financial literacy ay isang pundasyon para sa tagumpay at kaunlaran

hindi lamang ng indibidwal kundi maging ng buong lipunan.


Sa pagkamit ang financial literacy, ang edukasyong pang pinansyal ay

makakatulong sa mga indibidwal na maunawaan ang kahalagahan ng pagpaplano sa

pananalapi, pagbabadyet, pag-iimpok, at para sa mas maayos na pagpaplano ng

kanilang kinabukasan. Kapag ang isang kabataan ay maalam sa tamang pag-iimpok,

pamumuhunan, at pagbabadyet, mas magiging handa silang harapin ang mga

pangangailangan at oportunidad sa hinaharap.

Nang dumating ang pandemya, naging mas madalas ang pag gamit ng social

media sa Pilipinas sa lahat ng edad at antas. Ayon sa resercher na si Cristina E.B.

(2022), ang Pilipinas ay Top 2 sa buong mundo sa pag gamit ng social media sa edad

16 to 64 na may 10 na oras at 27 minuto sa pang araw-araw na average.

Marami ang kalamangan at kahinaan ang naidulot nito. Malaki ang ginampanan

ng social media sa paglinang ng kaalaman at kamulatan ng mga tao tungo sa

katotohanan. Maari din makahanap ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan na

makukuhanan ng mga valid na inpormasyon. Pero ang mga gumagamit nito ay dapat

marunong magsala kung ano ang totoo at ano ang fake news, magiging malaking

pakinabang ang paggamit ng social media at internet sa mga tao.

At ang mga estudyante ay naging maalam sa mga online meeting dahil ang

buong mundo ay lumipat ng online learning galing sa peys-to-peys na klase. Bukod sa

online classes, naging isang epektibo na plataporme ang social media para sa mga

online seminar, kung saan ay nagbibigay inpormasyon ang mga speakers sa mga

dadalo na tinatawag ngayong ‘webinar’.

Sa kabilang banda, para sa epektib na komunikasyon, binuo ni Dell Hymes ang

SPEAKING na framework upang makatulong kung paano mauunawaan at


magkakaintindihan ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga salita at kilos.

Binubuo ito ng mga akronym na S (Settings and Scene) P (Participants) E (Ends) A (Act

Sequence) K (Key) I (Instrumentalities) N (Norms) G (Genre).

III. Layon at Saklaw

Layon:

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin at maunawaan kung paano mapalawak ang

kaalaman sa pinansya at makamit ang financial literacy sa mga kabataang pinoy gamit

ang mga gadyet sa kanilang tahanan. Tatalakayin dito ang pamamaraan at estratehiya

sa paggamit ng social media at SPEAKING ni Dell Hymes upang maipamahagi ang

kahalagahan ng financial literacy kahit nasa murang edad palamang ay hindi ito

nililimitahan ang mga kabataang pilipino na matututo sa usaping pang pinansyal.

Saklaw:

Ang saklaw ng pag-aaral ay maglilimita sa mga kabataang edad na 13-24 at

pamamaraan sa komunikasyon sa paggamit ng social media marketing at SPEAKING

ni Dell Hymes upang maipahayag at maipamahagi ang mga konsepto ng financial

literacy.

IV. Planong Balangkas

1. Komunikayon gamit ang SPEAKING ni Dell Hymes – Bilang ang Tagalog o

Filipino ang ginagamit na wika ng nakakarami dito sa bansa, mairal na ito ang

pangunahing lengwaheng gagamit upang mas maunawaan ito ng mga kabataan.

Ngunit sa framework na ginawa ni Dell Hymes na SPEAKING, maari ding


gumamit ng iba pang wika sa pakikipagusap sa mga kabataang pinoy na

dedepende sa kanilang mga pinanggalingang kultura. Kagaya na lamang, kung

ang participant ay mga kabataang galing Ateneo or La Salle, mairal na Ingles or

Taglish ang gagamiting salita. Habang kung ang participante naman ay galing sa

mga public schools at state universities, ay mairal na gamitin ang ating

pambansang wika na Tagalog. Hikayatin din ang mga edukator na pasimplehin at

huwag gawin komplikado o teknical masyado ang mga gagamiting salita upang

lubusang maunawaan ng mga kabataan ang inihahatid na inpormasyon sakanila.

2. Social Media – Ayon sa statistics na ipinablish ni Howe, S. (2023), ang mga

kabataang edad 13-24 ay nasa 40.2% sa 84.45 milyong pinoy na gumagamit ng

social media. Itong plataporme na ito ay maaring gamitin sa pag promote ng

edukasyon at awareness bilang ito ay aksesibol sa mga kabataang pinoy.

a. Webinars – Ang mga seminars ay naging aksesibol kahit na naka-lock

down ang buong mundo dahil noong pandemya. Ang mga peys-to-

peys na seminars ay ginawa nilang online na tinatawag ngayong

webinar. Ang webinar ay nagpapahintulot sa mga participante sa iba't

ibang lugar upang makita at makapakinig sa mga presenter o

edukator, at makapag tanong live.

b. Social Media Campaigns – Ang paggamit ng mga social media

platform tulad ng Facebook, Tiktok, Instagram, at Twitter ay maaaring

maging epektibong paraan upang iparating ang mga impormasyon

tungkol sa financial literacy. Maaaring mag-post ng mga infographics,


maiikling bidyeo, at nagbibigay-kaalaman na artikulo or journal tungkol

sa pag-iimpok, pamumuhunan, at pagbabadyet.

c. Content Marketing: Lumikha ng pang-edukasyon na content tulad ng

mga blog posts, podcasts, at mga downloadable guides tungkol sa

mga konsepto ng financial literacy. Gamitin ang mga epektib na

keywords upang mas madaling mahanap ng mga kabataan ang mga

ito sa Google o kung ano mang search engine sa online.

d. Partnerships with Influencers: Makipagtulungan sa mga influencer na

may malaking follower base sa social media upang iparating ang

mensahe ng financial literacy. Maaaring mag-request ng paglikha ng

mga educational content o mga endorsement mula sa kanila.

3. Paghikayat magtayo ng negosyo o mag-invest sa stocks - Ang paghikayat sa

mga kabataan na magtayo ng negosyo o mag-invest sa stocks ay nagbibigay

hindi lamang ng mga oportunidad sa kanilang personal na pag-unlad at

tagumpay, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa sa

pangkalahatan.

4. Pag-promote ng kahalagahan ng Life Insurance – Ayon sa survey na isinagawa

ng Insurance Commission noong 2017, 16.8% lamang ng mga Pilipino ang may

life insurance coverage. Ibig sabihin, sa 110 milyong populasyon ng Pilipinas,

nasa 18.5 milyon lamang ang may life insurance. Ang mga pilipino ay may

stigma pag narinig ang insurance dahil sa mga nagsarang ng 180 sa 200 na pre-

need companies noong 2013. Kailangan maipaintindi sa mga kabataang pinoy

ang kahalagahan ng Life Insurance dahil ito ang retirement savings ng isang
indibidwal. Ito rin ang magbibigay proteksyon at seguridad para sa mga kanilang

pamilya at magkaroon ng ‘peace of mind’ kapag dumating na ang iyong

panahon.

Isang pangunahing solusyon sa pagtuldok sa mga suliraning ito, ipamulat sa mga

kabataan na isapuso ang edukasyon at ano ang kahalagahan ng pagtatapos ng

kolehiyo. Sa pamamagitan nito, hindi lamang natin makakamit ang pansariling

pangarap, kundi makakatulong pa tayo sa pag-unlad ng bansa.

V. Kahalagahan sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay napalaki ng positibong epekto sa ekonomiya at pag-

unlad ng bansa. Kung sa murang edad pa lamang ay matutunan na ang importansya

ng financial literacy, magiging likas sa mga kabataan ang pagiging maalam sa usaping

pinansyal gaya na lamang kung paano naging likas sa bawa't Pilipino ang pagsabi ng

'Po at Opo' at ang pagmamano sa mga matatanda.

Ang mga kabataan ang tutuldok sa suliranin na kakulangang kaalaman sa

pinansya, dahil ang mga kabataan ang mga susunod na henerasyon na kayang mag-

ambag at gumawa ng positibong epek sa ekonomya ng bansa.

Kung ipagpapatuloy itong kalingangan na itong, ay pupwede itong ikabagsak ng

ekonomiya Pilipinas, kung kaya ang katagang ‘Start them young’ ay ang pangunahing

pangagailangan sa pag-aaral na ito, dahil ang mga kabataan magiging tulay sa pag-
puno ng agwat ng kakulangan ng kaalamang pinansya sa Pilipinas, dahil sila ang may

kapangyarihan na baguhin ito.

VI. Konklusyon

Sa pag-aaral na ito na may paksang “Pagpapalawak ng Financial Literacy sa

mga Kabataang Pilipino Gamit ang Epektibong Komunikasyon sa Social Media: Isang

Hakbang Tungo sa Pambansang Pag-unlad” ay mapapakita at kayang mapatunayan

ang sinabi ni Gat Jose Rizal, na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang mga

kabataan ang ating kinabukasan at may kapangyarihan sa pagbabagong ninanais ng

ating bansa.

Ang mga kabataan ay dapat may sapat na pinag-aralan ukol sa financial literacy

dahil pagdating ng araw sila na ang aasahan ng bayan at papalit sa mga matatandang

mamayan at tutulong na palaguin ang bansa. At para itong mga kaalaman na ito ay

maipasa pa nila sa mga susunod pang henerasyon.

Naniniwala ako na kung maipatuloy ang pag-aaral na ito, ay hindi malayong

mapabuti sa maikling panahon pagkakalagay ng Pilipinas sa mga statistics at survey na

isinasagawa sa buong mundo pagdating sa kaalamang pinansyal.

Ang mga kabataan ang ating kinabukasan at may kapangyarihan sa

pagbabagong ninanais ng ating bansa.


VII. Sanggunian

Almeda, C. B. (2014). Samu’t Saring Sambit: Pagsusuri Tungo sa Pagpapayabong ng

Wikang Filipino, Polytechnic University of the Philippines

Soriano, G. A. (2018). Financial Management Practices on Savings of Young Urban

Professionals in the National Capital Region, Polytechnic University of the

Philippines

Rizal, J. (1879). A la Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)

Crismundo, K. (2023). BSP bridges financial literacy gap among Filipinos

B.L.T. (Brighter Life Team). (2023). Bright tips for hardworking Filipinos to spend income

wisely

S.I.F. (Skills Improvement Foundation). (2023). Importance of financial literacy in

achieving financial stability

Howe, S. (2023). Social Media Statistics in the Philippines [Updated 2023]

Chen, J., Connolly, A.T., Corrales, E., Ke, D. (2014). Logit regression based bankruptcy

prediction of Philippine pre-need companies from 2000-2013, De La Salle

University of the Philippines

Marbida, J. (2023). Filipinos do not get life Insurance, so why not?

You might also like