Banghay Aralin Sa Filipino 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino 3

Petsa:
Oras: 5:00 – 8:00 pm
Baitang/Pangkat: 3 - ROSE

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan
(F3PT-lllci-3.1)

a. Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita.


b. Nakikilala ang mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan.
c. Nakabubuo at nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga tambalang salita na di
ganap.

II. Paksa: Tambalang Salita


Sanggunian: https://youtu.be/QxkbTDgUJh0
Values Integration: Ang mapalawak ang kaalaman at lubos na maunawan pa ang
tambalang salita.
Paggamit ng teknolohiya: Gagamit ng laptop/cellphone at internet connection sa
pananaliksik ng paksa.
Kagamitan: Laptop, cellphone, kartolina, bondpaper at internet connection

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagsasaayos ng silid-aralan
c. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
d. Pampasiglang bilang

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:

Panuto:

a. Ang klase ay magkakaroon ng pagbabalik-aral sa pamamagitan ng mga


tanong patungkol sa tinalakay kahapon.
b. Magpapakita rin ng simbolong like ang mga mag aaral kung talagang
naintindihan na nila ang nakaraang paksa.
c. Bilang panimula sa bagong paksa, ang guro ay mgkakaroon ng ilang
katanungan base sa kanyang ipapakitang larawan at ang mga mag-aaral ay
sasagot base sa kanilang obserbasyon.
C. Presentasyon ng paksa

Ang Tambalang-Salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa na


may kahulugan. Ito ay binubuo ng dalawang salitang payak upang makabuo ng
bagong salita.

Mayroon tayong dalawang uri ng tambalang-salita.


1. TAMBALANG GANAP
 Salitang pinagsama at nagkakaroon ng panibagong kahulugan.

Halimbawa:
 Bahaghari

Bahag + Hari
=

Halimbawa:
 Abotlangit

Abot +

Langit =

Halimbawa:
 Pusongmamon

Puso +

Mamon =

Iba pang Halimbawa ng tambalang ganap


 Anakpawis – anak ng mahirap
 Baboydamo -
 Matanglawin
 Bungangaraw
 Bukaspalad

2. TAMBALANG DI – GANAP
 Morpemang tambalan na nanatili ang kahulugan sa pinagtambal na
mga salita

Halimbawa:
 “asal – hayop “
Asal – ito ay isang kilos o gawi.

Hayop – isang pangunahing grupo ng mga organismo sa buong


mundo.

Asal – hayop – kilos,gawi o ugali na parang hayop.

Halimbawa:
 “lakbay – aral “

Lakbay – ito ay biyahe


Aral – ito ay turo,
payo o mga leksyon na natutunan ng isang tao.

Lakbay – aral – biyahe sa ibang lugar para makakuha ng aral o


impormasyon

Halimbawa:
 Bahay – ampunan

Bahay – tahanan

Ampunan – asilo o tirahan ng mga ulila.


Bahay – ampunan – tahanan o tirahan ng mga ulila.

Iba pang Halimbawa ng tambalang di – ganap

 balat – sibuyas – Iyakin.


 sirang – plaka – paulit-ulit ang sinasabi.
 lakad – pagong – mabagal lumakad.
 bukang – liwayway – mag uuumaga, pagitan ng umaga at madaling
araw.
 Agaw – pansin – madaling makakuha ng pansin o atensyon.

D. Paglalahat
 Magkakaroon ng tanong at sagot sa mga mag-aaral
o Tungkol saan na nga ang ating tinalakay?
o Ano na nga ang tambalang ganap?
o Ano naman ang tambalang di – ganap?

E. Paglalapat

Panuto: Hahatiin ng guro ang klase sa apat. Papupuntahin ang apat na pambato o
representate sa harap upang bumunot ng numero para sa kanilang gagawin at
kinakailangan na masagutan ito pagkatapos ng dalawang minuto. Ang grupong
siyang mananalo ay bibigyan ng pa premyo.

IV. Pagtataya
Pangwakas na pagtataya

A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang salitang nakasaad ay tambalang salita at
MALI, kung hindi.

_______1. takip – silim


_______2. kaibigan
_______3. dapit – hapon
_______4. tabing - dagat
_______5. damit
_______6. bahay – hari
_______7. bahaghari
_______8. matapobre
_______9. sapatos
_______10. Salimpusa

V. Takdang Aralin

Magbigay ng (10) sampung halimbawa ng tambalang salita

You might also like