Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Payak na Mapa ng Loob at Labas ng
Tahanan

Manunulat: Rosalie C. Contacto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
1 Payak na Mapa ng Loob at Labas ng
Tahanan

Alamin
Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang paggawa ng
payak na mapa ng loob at labas ng tahanan.

At sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1. nakagagawa ng payak na mapa ng loob at labas ng
tahanan;
1.2 nalalaman ang kahulugan at konsepto ng payak na
mapa;
1.3 nailalarawan ang kabuoan at mga bahagi ng sariling
tahanan at ang mga lokasyon nito.

Subukin

Lagyan ng tatsulok ang patlang kung ito ay makikita sa


loob ng inyong tahanan at pabaligtad na tatsulok naman
kung makikita sa labas ng inyong tahanan.

_____1. ______2. ______3.

_____4. ______5.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Sa paggawa ng payak na mapa ay mahalagang malaman
mo ang kahulugan at konsepto nito. Gayon din ang kabuoan at
mga bahagi ng inyong sariling tahanan at ang mga lokasyon
nito.

Balikan
Iguhit ang masayang mukha kung ito ay tumutukoy sa
direksyon at malungkot na mukha kung hindi.

____1. Harap ____4. Pinto


____2. Kanan ____5. Kaliwa
____3. Itaas

Tuklasin
Maaring magpatulong sa inyong magulang na basahin ang tula.
Ang Aming Tahanan
Tahanan namin kahit munti
Ang sala ay kulay puti
Sa kusina si nanay ay abala
Upang lutuin isda na dala

Silid-tulugan ay nagiging pahingahan


Ng aming tatay na maaasahan
At kapag kami ay nais maligo
Sa palikuran ang aming tungo

Sagutin ang mga tanong: Isulat ang iyong sagot sa patlang.


1. Ano ang pamagat ng tula?
_________________________________
2. Ano-anong mga bahagi ng tahanan ang nabanggit sa
tula? ________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Suriin

Ito ang tahanan ni Karlo. Ano-ano kayang lugar o bahagi ang


makikita sa loob ng kanilang tahanan?

Kuwarto ng
Kuwarto ni Daanan
kanyang tatay at
Karlo patungong
nanay
ikalawang
palapag

ssssas kusikusisnana

sala palikuran
kusina

May dalawang palapag ang tahanan nina Karlo.


Makikita sa unang palapag ang sala sa kaliwa, kusina sa may
gitna at ang palikuran sa may kanang bahagi. Sa Ikalawang
palapag naman ay naroon ang dalawang kuwarto o silid
tulugan.
Tapos na kayong makita ang loob ng tahanan ni Karlo?
Ngayon naman ay tingnan natin kung ano ang makikita sa labas
ng kanilang tahanan.

Bahay ni Karlo
Barangay Hall Tindahan

Paaralan

Bahay ni Lito
Pamilihan Palaruan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Saang direksiyon matatagpuan ang tahanan nina Karlo?

Anong mga gusali o estruktura ang malapit o malayo sa


kanilang tahanan? Bakit kaya mahalagang malaman mo ang
lugar o kinalalagyan ng inyong bahay?
Ang ipinakitang mga larawan ay payak na mapa. Ano nga
ba ang mapa? Ang mapa ay larawang kumakatawan sa
kinalalagyan ng mga bagay o lugar. Makikita dito ang anyong
bagay o lugar at kung alin ang magkakalapit o magkakalayong
mga bagay.
Ang unang larawan ay mapa ng loob ng tahanan. Makikita
dito ang iba’t ibang bahagi ng tahanan gaya ng sala, kusina,
palikuran at silid tulugan. Ipinakita sa mapa kung saang lokasyon
makikita ang mga ito.
Ang ikalawang larawan naman ay ang mapa ng labas ng
tahanan. Ipinakikita dito ang mga gusali o estruktura na nasa
paligid ng bahay. Ang mga halimbawa ng estrukturang ito ay
paaralan, pamilihan, mga bahay, tindahan, barangay hall at iba
pa.
Ang pananda ay ginagamit na simbolo ng bagay o lugar na
nasa mapa.

Pagyamanin

kuwarto kuwarto palikuran

sala Silid kusina


kainan

Tingnan ang mapa ng isang tahanan sa itaas at sagutin ang mga


sumusunod. Bilugan ang letra ng iyong sagot.
1. Saang direksiyon matatagpuan ang pintong pasukan?
a. kanan b. kaliwa c. itaas

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
2. Anong silid ang nasa taas ng sala?
a. kusina b. kuwarto c. palikuran
3. Anong bahagi ang makikita sa kaliwa ng kusina?
a. silid-kainan b. palikuran c. kuwarto
4. Anong bahagi ang nasa ibaba ng palikuran?
a. sala b. silid-kainan c. kusina
5. Saang direksiyon makikita ang kuwarto?
a. itaas b. ibaba c. likod
Isaisip
• Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi na may
kaniya-kaniyang lokasyon.
• Ang mapa ay isang larawan na kumakatawan sa
kinalalagyan ng mga bagay o lugar.
• Maaring gumamit ng mga pananda sa paggawa ng mapa.
• Ang mapa ay nakatutulong sa paghahanap ng
kinaroroonan ng isang bagay o lugar.

Isagawa
Pag-aralang mabuti ang mapa. Isulat ang T kung Tama ang
isinasaad sa pangungusap at M kung ito ay Mali.

___1. Ang simbahan ay nasa kanan ng parke.


___2. Ang bangko ang pinakamalapit na gusali sa bahay.
___3. Ang hospital ay matatagpuan sa likod ng simbahan.
___4. Ang bahay ay nasa kanan ng tindahan.
___5. Ang hospital ay nasa harapan ng bahay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Tayahin
A. Gumawa ng mapa ng loob ng inyong tahanan na
maipakikita ang lokasyon ng bawat bahagi nito. Gawin ito
sa malinis na papel.
B. Gumawa ng mapa ng labas ng inyong tahanan. Gawin ito
sa malinis na papel.

Sanggunian
Miranda, Noel P., Ocampo, Odilan B., Amita, Rodel Q., Reyes, Violeta E., De
Ramos, Malou M., Tiamzon, Lenie A., Adriano, Ma. Corazon V., Quintos, Emily
R.,Yunit 3: Ang Aking Paaralan, Kahalagahan ng Paaralan - Araling
Panlipunan 1: Kagamitan ng Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon:
Republika ng Pilipinas, Pasig City, Philippines, pp. 175-184.
Mula sa Website
https://drive.google.com/drive/folders/1Qgfp41Sj3dzizT50_koTKoq_zDpX5OSy
?fbclid=IwAR1BTwCFlluJL2q4XWFAATKJiWraRoFSBwVaC5FOJJqFWZvX18rEHoA
P1YY

Susi sa Pagwawasto

5. 5.
4.
5. M
5. a 4.
4. T
3. 4. c 3.
3. a 3. M
2.
2. b 2. M 2.
1. 1. b 1. T 1.
Balikan Pagyamanin Isagawa Subukin

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosalie C. Contacto


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7

You might also like