Ap1 Q4 Module-1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Konsepto ng Distansya at Direksiyon sa
Pagsukat ng Lokasyon

Manunulat: Rosalie C. Contacto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Konsepto ng Distansya at Lokasyon
1
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang konsepto ng


distansya at direksiyon at ang gamit nito sa pagtukoy ng
lokasyon.

At sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1. naipaliliwanag ang konsepto ng distansiya at direksiyon at
ang gamit nito sa pagsukat ng lokasyon;

1.1 nalalaman ang konsepto ng distansiya at direksiyon at


ang gamit nito sa pagtukoy ng lokasyon.

Subukin
Kulayan ang larawan kung ito ang iyong sagot sa
bawat tanong na nasa bilang.
1. Anong bagay ang mas malapit sa regalo?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
2. Anong bagay ang mas malapit sa sapatos?

3. Anong bagay ang mas malayo sa libro?

4. Anong gulay ang nasa kanan ng talong?

5. Anong prutas ang nasa kaliwa ng bayabas?

Balikan
Isulat sa patlang ang salitang Tama kung ito ay nagpapakita
ng pakikiisa sa mga gawain o programa ng paaralan at Mali
naman kung hindi.
______1. Tinatapon ang basura kahit saan.
______2. Pumapasok ng tama sa oras para makilahok sa Flag
Ceremony.
______3. Hindi nagbabasa at nagsusulat sa loob ng silid-aralan.
______4. Sumasali sa mga gawain tuwing may Brigada Eskwela.
______5. Kinakain ang pagkain na binibigay sa Feeding Program.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Tuklasin
Pagmasdan ang larawan.
Ano-anong mga bagay ang
makikita rito?
Matutukoy mo ba ang
kinalalagyan ng mga bagay?

Anong bagay ang nasa itaas ng kabinet?


Anong bagay ang malapit sa bintana?
Anong bagay ang malayo sa mesa?
Anong bagay ang nasa likod ng kama?

Suriin

Basahin ang teksto sa tulong ng nakatatanda


Mahalagang malaman mo ang kahalagahan ng distansya
at lokasyon sa pagtukoy ng mga bagay at lugar. Ginagamit natin
ito sa pang-araw-araw nating gawain sa buhay. Halimbawa,
kung ikaw ay may lugar na nais puntahan, makatutulong ang
malaman mo ang lokasyon at distansya na iyong pupuntahan.
At kapag inutusan ka na hanapin ang isang bagay, madali mo
din itong mahahanap sa tulong ng iba’t ibang direksyon.
Ang distansya ay ang lapit o layo sa pagitan ng dalawang
bagay o lugar. Malalaman dito kung gaano kaiksi at kahaba ang
lokasyon ng isang lugar o bagay.
Magkalapit ang mga bagay kung ito ay magkatabi o ilang
hakbang lamang ang pagitan. Magkalayo ang mga bagay kung
ito ay may maraming hakbang bago mo ito mapuntahan.
Lokasyon ang tawag sa tiyak na kinaroroonan ng bagay o
lugar.
Ang mga salitang kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harap, at
likod ay ang mga ginagamit na salita sa pagtukoy ng lokasyon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Tandaan ang mga sumusunod itaas
na direksyon.
kaliwa kanan

ibaba
Mga Distansya:
malapit
malayo

Pagyamanin
Suriing mabuti ang larawan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang nasa kanan ng plato?


a. tinidor b. mangkok c. kutsilyo
2. Ano ang nasa itaas ng kutsara?
a. baso b. plato c. tinidor?
3. Ano ang nasa kaliwa ng kutsilyo?
a. kutsara b. baso c. plato
4. Anong bagay ang malayo sa tinidor?
a. mangkok b. plato c. baso
5. Anong bagay ang malapit sa baso?
a. kutsilyo b. mangkok c. tinidor

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Isaisip

Tandaan Mo
• Distansya ang tawag sa lapit o layo ng pagitan ng dalawang
bagay o pook.
• Lokasyon ang tawag sa tiyak na kinalalagyan ng isang pook
o bagay.
• Ang mga salitang kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harap, at likod
ay naglalarawan ng lokasyon.
• Ang mga salitang malapit at malayo ay naglalarawan ng
distansya.

Isagawa

Gawin ang ipinagagawa sa bawat bilang.


1. Gumuhit ng dalawang lobo sa kaliwa.

2. Gumuhit ng isang bola sa kanan ng parihaba

3. Gumuhit ng papel sa itaas.

4. Gumuhit ng dahon na malapit sa bulaklak.

5. Gumuhit ng kutsara na malayo sa plato.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Tayahin
A. Tingnan ang kinalalagyan ng mga bagay. Isulat sa patlang
kung kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harap o likod ang
kinalalagyan ng bagay na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ang walis ay nasa ____________ ng mesa.


2. Ang bola ay nasa ____________ ng kabinet.
3. Ang tsinelas ay nasa ____________ ng mesa.
4. Ang ilaw ay nasa ____________ ng mesa
5. Ang kabinet ay nasa ____________ ng walis.

Sanggunian

Miranda, Noel P., Ocampo, Odilan B., Amita, Rodel Q., Reyes, Violeta E., De
Ramos, Malou M., Tiamzon, Lenie A., Adriano, Ma. Corazon V., Quintos, Emily
R.,Yunit 3: Ang Aking Paaralan, Kahalagahan ng Paaralan - Araling
Panlipunan 1: Kagamitan ng Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon:
Republika ng Pilipinas, Pasig City, Philippines, pp. 175-184.
Mula sa Website
https://drive.google.com/drive/folders/1Qgfp41Sj3dzizT50_koTKoq_zDpX5OSy
?fbclid=IwAR1BTwCFlluJL2q4XWFAATKJiWraRoFSBwVaC5FOJJqFWZvX18rEHoA
P1YY
https://drive.google.com/drive/folders/1af5Sr8JzTXBZgRmFdohlC3A087_ZmBss
?fbclid=IwAR3s0hlj7cVcwtRrIkZnF5AiDd8X0mu3l-
hcuAtB66A7BQkkvb_Mfcuv0Gk

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Susi sa Pagwawasto
5.mangga 5. Tama 5. a iba 5. kaliwa
4.repolyo 4. Tama 4. c maaring iba- 4. itaas
3.bag 3. Mali 3. c Sagot ay 3. ibaba
2.bola 2. Tama 2. a Isagawa 2. likod
1.manika 1. Mali 1. c 1. kanan
Subukin Balikan Pagyamanin A.
Tayahin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosalie C. Contacto


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Nathalia A. Malaga
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7

You might also like