Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Filipino 4

Filipino – Ikaanim naBaitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Pagkakaiba ng Kathang-Isip at Di Kathang-Isip na
Teksto (Fiction at Non-Fiction)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipiang sinuman sa anumang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na mayakda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot ng kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Joselyn B. Bugnosen


Editor: Mario N. Pardinez
Tagasuri: Mario N. Pardinez
Tagaguhit: Hazel Faye S. Urzal/Edison P. Clet
Tagalapat: Zenaida S. Urzal
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division Manuel
A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP) Dulce O. Santos
PhD(Kindergarten/MTB-MLE)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan


ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Modyul 6 para sa Sariling Pagkatuto
Pagkakaiba ng Kathang -isip at Di
kathang -isip na Teksto (Fiction at
Non-
Fiction)
PaunangSalita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 6 ng Modyul para sa araling


Pagkakaiba ng Kathang-Isip at Di Kathang-Isip na Teksto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma.
Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga Gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa


loob kahong ito:

Mga Tala para saGuro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan ng pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap saFilipino 6 Modyul ukol sa Pagkakaiba ng Kathangisip at


Di kathang-isip na Teksto!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


A. nakapagsusuri ng pagkakaiba ng kathang-isip na teksto at di
kathang-isip na teksto: at

B. nakasasagot sa mga tanong at pagsasanay upang mataya ang kaalaman


na kabilang sa Paunang Pagsubok at Pagtataya ng aralin.

PAUNANG PAGSUBOK

Ngayong handa ka na sa ating pag-aaral, narito ang ilang


pangungusap o teksto.

Panuto: Tukuyin kung ito ay P, Piksyon (katha) o DP, Dipiksyon


(di-katha). Isulat ang sagot sa patlang.

_____ 1. Si Catriona Gray ay pinarangalan bilang Miss Universe 2018.


_____ 2. Nagalit si Inang Reyna sa kanyang alipin kaya ginawa niya itong
insekto.

_____ 3. Nagdidiwang ang mga bulaklak sa hardin.

_____ 4. Patuloy na nahahawa ang ibang mamamayan ng Covid-19 dahil


sa kawalan ng pag-iingat at disiplina.

_____ 5. Patuloy ang pamumuhay ng mga tao sa kabila ng


pandemyang nararanasan.

BALIK-ARAL
Ngayon, magbalik-tanaw uli tayo sa napag-aralan natin nung nakaraan.
Panuto: Magbigay ng reaksyon o opinyon sa bawat usapin o isyu sa
pamamagitan ng pagsulat ng isa lamang pangungusap sa bawat patlang.

1. Krisis dulot ng pandemya.

___________________________________________________________________________

2. Unti-unting pagbangon ng ekonomiya, pagkatapos ng Quarantine.

___________________________________________________________________________

3. Kalinisan at pangangalaga sa paligid.

___________________________________________________________________________

4. Disiplina ng mga Pilipino para sa ikauunlad ng bansa.

___________________________________________________________________________

5. Bagong Normal o New Normal na pagbabalik-eskwela.

__________________________________________________________________________
ARALIN

Sa pagsisimula ng aralin, ating basahin ang maikling teksto/kuwento.

Taga-lungsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina
Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain
sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang
natutuhan.

Isang tanghali, habang umaakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay


kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw
sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang


lawin na mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding
at Lolo Andres sa sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at
inalam kung ano ang nangyayari.

“Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok


kaya sumigaw po kami,”paliwanang ni Roy.

“Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok?” tanong
ni Lorna.

“May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong


tanong na iyon”, sagot ni Lolo Andres.

“Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas”, wika ni


Lola Anding. “Makinig kayong mabuti. Ganito ang kuwento.”

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram


ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa
kabilang nayon. Naroroon si Tandang at ibig niyang maging maganda sa
paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya
ito kay Inahing Manok.
“Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan
sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking ina.”

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa


rin niya ito.

“Salamat, Lawin”, wika ni Inahing Manok. “Asahan mong iingatan ko ang iyong
singsing.”

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot


niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming
bisita si Tandang at nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok.
Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang sinalubong nito
at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang
sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang


nawawala ang hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok
na baka tuluyang mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito,
hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok. Ngunit
hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at sinabi na
kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang
dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing.


Maging ang iba pang inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang
singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi
nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing
Manok.

Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit


pa rin ang humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula na noon
hanggang sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya
dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.

Tanong:

1. Ano ang nakatawag pansin kina Lola Anding at Lolo Andres kay napapanaog
sila sa kanilang bahay?
2. Ano ang ginawa ni Lola Anding para masagot ang katanungan ng kanyang
mga apo?
3. Paano natin maisasabuhay ang aral sa kuwento ni Lola Anding tungkol sa
Lawin at Inahing Manok?
4. Sa iyong palagay, alin sa kuwento ang hindi kapani-paniwala?
5. Alin naman ang pawang katotohanan sa kuwento?
Nagustuhan mo ba ang kwentong iyong binasa? Ano ang natutunan mo ukol dito?

Aral: Pag-ingatan ang mga bagay na hindi mo pag-aari. Kung marunong


manghiram ay dapat marunong din magsauli. At hindi sa ganda o gara ng
sinusuot makikita ang halaga ng isang tao kundi sa kung paano siya kahusay
makisama sa iba.

Suriin Mo
Ngayon ay nais kong pag-aralan mo ang mga sumusunod na pangungusap na
hango sa kuwento. Pansinin kung alin ang kathang-isip o piksyon at di kathang-
isip o di-piksyon.

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram na singsing ngunit isinuot


pa rin niya ito.

Anong uri ng teksto ito?

Ito ay tinatawag na Kathang-isip o Piksyon na teksto.


-nangangahulugan na ang manunulat ay gumagamitng kanyang mayamang
imahinasyon sa paglikha ng kuwento o teksto. Ito ay purong imahinasyon o
walang katotohanan.

Halimbawa: Pabula, Alamat, Kuwentong-bayan, Mitolohiya

Isang tanghali, habang umaakyat ang magkapatid sa punong Bayabas


ay kitang-kita nila ang Lawin na lumilipad pababa.

Ano naming uri ng teksto ito? Ano ang kaibahan nito sa naunang
pangungusap?

Ito naman ay tinatawag na Di kathang-isip o Di-piksyon na teksto.


-tumutukoy sa totoong kaganapan at totoong tao. Ito ay katotohanan na
may basehan.

Halimbawa: Pahayagan o dyaryo, Talambuhay, Dokumentaryo, Journal, Balita,


Talaarawan

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Ang mga sumusunod na pangungusap ay hango sa kuwentong
iyong binasa. Tukuyin kung ito ayKathang-isip o Di kathang-isip .
Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram niyang


singsing.

2. Isang tanghali, habang umaakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay


kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa.

3. Nagalit si Lawin at sinabi na kapag hindi Makita ni Inahing Manok ang


Singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni
Inahing Manok.

4. Ibig na ibig nila Roy at Lorna ang pagtira sa bukid tuwing bakasyon.

5. Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila


ang lawin na mabilis na lumipad papalayo.

PAGSASANAY 2
Panuto: Lagyan ng tsek sa tamang hanay kung Piksyon o Di-Piksyon ang
tinutukoy ng bawat isa.
Kathangisip/Piksyon Di kathang-
Teksto isip/Dipiksyon

1. Ang Buhay ni Rizal sa


Dapitan

2. Alamat ng Mangga

3. Ang Makasaysayang
Pook ng Cebu

4. Ang Panahon ng
Pandemya

5. Si Langgam at si
Tipaklong
PAGSASANAY 3
Panuto: Sumulat ng mga pangungusap na nagsasaad ng kathang-isip at
di kathang-isip ukol sa COVID-19.

(Piksyon) 1.
____________________________________________________________________________

(Di-piksyon) 2.
____________________________________________________________________________

PAGLALAHAT
Marami ka bang natutunan sa araw na ito? Anu-ano ang natutuhan mo?
Dugtungan ang mga pangungusap.

Ang kathang-isip o piksyon na teksto ay

___________________________________________________________________________.
Samantalang ang di kathang-isip o di piksyon na teksto ay

___________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA
Sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, maraming lumalabas sa social
media na iba’t ibang impormasyon tungkol dito. Ano ang dapat mong ugaliin
upang makaiwas sa maling impormasyon?

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali at isulat sa patlang.

_______ 1. Alamin muna sa awtoridad kung totoo ang anunsyo.

_______ 2. I-share agad ang post dahil sa sikat na artista galing ang balita.

_______ 3. Gamitin ang social media upang linangin ang pakikipagkapwa-tao


sa panahon ng krisis.

_______ 4. Dahil maraming nagkokomento tungkol sa pandemya, makikigaya


na rin ako.
_______ 5. Maging maingat sa pag-like at pag-share dahil hindi lahat ng nasa
social media post ay totoo.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Tukuyin ang bawat teksto kung ito ay kathang-isip (piksyon) o
di kathang-isip (di-piksyon). I-shade o lagyan ng kulay ang bilog sa
tapat ng tamang sagot.

1. Malaking bagay ang mensahe ng Pangulong Duterte upang


makapag-ingat ang publiko sa Covid-19.

Piksyon Di-piksyon

2. Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging


punongkahoy na may bungang hugis-puso.

Piksyon Di-piksyon

3. Unang nakarating si Maya sa tuktok ng mataas na bundok at


tinalo niya ang mayabang na Agila.

Piksyon Di-piksyon

4. Bahagyang humina ang bagyong Ambo na mula sa typhoon


category, ngayon ay nasa severe tropical storm category na
lang. Ayon sa report, naka-anim na landfall ang bagyo na
unang nanalasa sa Visayas bago ang pang-pitong landfall sa
bahagi ng Quezon kagabi.

Piksyon Di-piksyon

5. Nagsimula na ang klase sa pampublikong paaralan noong


Oktubre 5, habang mas maagang nakapagsimula ang mga
pribadong paaralan na aprubado ng Kagawaran ng
Edukasyon. Dahil sa pandemya, idadaan sa online platforms
ang klase at gagamit din ng printed at digital modules,
telebisyon at radyo.

Piksyon Di-piksyon

You might also like