Q4 - Arts - Aralin 3 - Las

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Division of City Schools-MANILA

ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL


N. Zamora St. Tondo, Manila

QUARTER 4
ART- V
Learning Activity Sheet #3

Pangalan: ________________________________ Petsa: _______________________


Baitang at Pangkat: ______________________ Guro: _______________________

ARALIN 3 3D: Three-Dimensional Art


Layunin:

• Maipaliwanag at matalakay ang mga posibleng gamit ng mga gawang 3D na


likhang sining.

Konsepto:

Masdan ang mga larawan sa ibaba.

Ang Taka ay isang uri papier mâché na hinulma muna sa inukit na iskulturang kahoy. Ito
ay sikat sa bayan ng Paete, Laguna sa Pilipinas. Ayon sa mga taga-Paete, ginawa ni Maria
Piday ang unang kilalang “Taka” noong 1920s. Gamit ang mga pinunit na piraso ng papel,
ito ay balot sa isang hulma na inukit mula sa kahoy at pininturahan ng iba’t ibang disenyon
na na kalaunan ay naging mga laruan at palamuti.

Ang Paete as sikat sa mga iskulturang kahoy, ngunit dahil ang kagubatan ng Pilipinas ay
mabilis na nauubos at nasisira, naisip ng mga mamamayan nito na ang papier-mache o
Taka ay magandang pamalit sa kabuhayan ng mga Paeteño.

Ang paggawa ng taka ay sinimulan sa pagbuo ng mga takaan o hulmahang gawa sa


kahoy. Ang takaan ay lalagyan pira-pirasong papel at pandikit (paste o starch) tulay ng
proseso ng paggawa ng papier-mache. Ito ay papatuyuin sa ilalim ng araw. Ang
natuyong papier-mache ay hahatiin sa gitna at dahan-dahang aalisin sa takaan o
hulmaan. Pagkatapos ay muli itong pagdidikitin, at pipinturahan ng makulay na
disensyong naaayon sa panahon
.
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag.
1. Ang papier - mâché ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ‘nginuyang papel’.
2. Art paper ang kadalasang ginagamit sa paggawa ng papier- mâché na kung saan
ito ay pinagdidikit-dikit at inilalapat sa molde.
3. Ang pagtataka o papier - mâché ay nagsimula sa Paete, Laguna na ngayon ay isa
nang malaking industriya.
4. Ang papier - mâché ay ginawa mula sa mga papel na nirolyo upang makagawa
ng beads.
5. Ang paggawa ng papier - mâché ay aksaya lamang sa oras at hindi maaaring
pagkakitaan. B. Sapat na linya at ritmo D. Sapat na balanse

Gawain 2:

Panuto: Pagsunudsunurin ang mga hakbang sa paggawa ng papier mâché


jar. Isulat ang bilang 1-6 sa patlang na nakalaan.

You might also like