Professional Documents
Culture Documents
Q3 Esp
Q3 Esp
Tambler District
UPPER LONDON ELEMENTARY SCHOOL
Guardians’ Hill, Upper London C
Bawing, General Santos City
School Year 2023-2024
PANGALAN:
Panuto. Basahin ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay inuutusan ng iyong nanay?
A. Susunod agad C. Magkukunwaring may ginagawa
B. Magbibingi-bingihan D. Magdadabog
3. Ano ang dapat gawin kung ikaw ay kinakausap ng iyong mga magulang?
A. Makinig ng mabuti at may paggalang.
B. Makinig habang may ginagawang ibang bagay.
C. Makinig habang gumagamit ng cellphone.
D. Huwag intindihin ang sinasabi ng magulang.
6. Habang ikaw ay naglalaro, sinabihan ka na iligpit ang mga laruan pagkatapos. Alin sa mga sumusunod
ang mong gawin?
A. Iwanan lamang ang mga laruan ng naka kalat
B. Itaboy sa sulok sulok ng bahay ang mga laruan.
C. Iligpit ang mga laruan sa tamang lagayan.
D. Ipamigay ang mga laruan sa kalaro.
7. Palaging ibinibilin ng nanay ni Leo na umuwi siya agad pagkatapos ng kanyang klase. Ano ang dapat
gawin ni Leo?
A. Umuwi agad pagkatapos ng klase
B. Mamasyal sa parke pagkatapos ng klase
C. Sumamang makipaglaro sa mga kaibigan.
D. Pumunta sa bahay ng kamag-aral.
8. Ano ang dalawang karapatan na dapat ay tinatamasa ng mga batang katulad mo?
A. Karapatang makatulog at makaligo
B. Karapatang makapag-aral at makakain ng masustansya
C. Karapatang Maglaboy at kumain
D. Karapatang hindi sumunod sa utos at magdabog
9. Ano ang dapat gawin kung ikaw ay pinag-aaral ng iyong magulang?
A. mag-aaral nang Mabuti.
B. Maglalaro maghapon
C. Palaging liliban sa klase
D. Hindi gagawa ng mga takdang aralin
10. Ano ang dapat gawin kung naghain ang nanay ng gulay para sa tanghalian?
A. Magkunwaring busog pa
B. Magpapaluto ng hotdog
C. Kakainin ang nilutong ulam ni nanay
D. Magsisimangot sa harap ng hapag kainan.
12. Ano ang maaari mong gawin sa mga batang huminto sa pag-aaral?
A. Asarin ang mga ito
B. Hikayatin na bumalik sa pag-aaral
C. Gayahin ang mga ito.
D. Awayin ang mga bata
13. Bakit mahalaga ang pag-aaral sa buhay ng isang batang katulad mo?
A. Para magkaroon ng magandang kinabukasan.
B. Para umunlad ang buhay.
C. Para matutunan ang maraming bagay
D. Lahat ay tama
14. Ano ang dapat mong maramdaman sa tagumpay ng isa sa kasapi ng pamilya?
A. Malungkot B. Masaya C. Galit D. Inggit
17. Ayaw kang payagan ni ate na maglaro sa labas Alin sa mga susunod ang gagawin mo?
A. Susundin si ate B. Aawayin si ate
C. Hindi pakikinggan si Ate D. Isusumbong si ate kay nanay
18. Nagtakda ang tatay ninyo ng araw ng paghuhugas ng pinggan sa inyong magkakapatid. Ngunit isang
araw ay nagkasakit ang iyong kapatid na nakatakdang maghugas ng pingggan sa araw na iyon. Ikaw muna
ang inutusan na maghugas ng pinggan. Ano ang iyong gagawin?
A. magreklamo at ipilit na hindi ikaw ang nakatakda sa araw na iyon.
B. Susunod sa nanay at pagbibigyan ang may sakit na kapatid.
C. Hindi papayag at sasabihin na ibang kapatid na lang ang utusan.
D. Susunod pero magdadabog.
19. Sumali sa paligsahan sap ag awit ang iyong kuya dahil sabi ng tatay Ninyo ay magaling siyang kumanta,
ngunit nang matapos ang paligsahan ay hindi siya nanalo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihan ko siya na sumali na lang siya ulit sa ibang paligsahan upang mahasa pa ang kanyang
pag-awit.
B. Sasabihin ko sa kanya na huwag nang sumali sa kahit anong paligsahan dahil nakakahiyang
matalo.
C. Tutuksuhin ko siya dahil hindi naman pala siya magaling umawit.
D. ipagkakalat ko sa ibang tao ang kanyang pagkatalo sa paligsahan.
20. Gusto mong sumali sa paligahan sa pagguhit ngunt hindi ka napipili ng iyong guro. Ano ang gagawin
mo?
A. Ipapakita ko sa aming guro na mahusay rin akong gumuhit upang piliin niya ako sa susunod na
paligsahan.
B. Hahayaan ko na lamang ang aming guto na palaging piliin ang isa kong kaklase.
C. Magtatampo ako sa aking guro.
D. Aawayin ko ang aking kaklase na palging napipili ng aming guro.
21. Ano ang dapat gagawin upang mapanatili ang kalinisan sa paaralan?
A. Sulatan ang mga upuan
B. Tumulong sa paglilinis sa loob at labas ng silid-aralan.
C. Sirain ang mga halaman sa hardin ng paaralan.
D. Magkalat sa palagid ng paaralan.
22. Ano ang maaari mong maitulong, upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa inyong tahanan?
A. Ikalat palagi ang mga laruan
B. Nagdadahilan sa tuwing uutusan kang magwalis
C. Tumulong sa paglilinis ng bahay
D. Sirain ang mga gamit sa tahanan
24. Si Yuri ay kumain ng saging at itinapon niya lang ang balat nito sa sahig. Tama ba ang ginawa niya?
A. Opo, para hindi na siya mahirapan magpunta sa basurahan.
B. Hindi po, dahil maaari itong mtaapakan ng iba at madulas.
C. Hindi po, dahil hindi naman siya namigay ng saging.
D. Opo, dahil dadamputin naman iyon ng iba at itatapon sa basurahan.
25. Maraming kalat sa inyong silid aralan may ginagawa ang inyong guro at di niya ito napapansin. Alin sa
mga sumusunod ang dapat gagawin
A. Yayayain ang mga kaklase na maglinis ng silid-aralan.
B. Hayaan na lamang na madumi ang silid-aralan
C. Dagdagan pa ang kalat.
D. Kunwaring hindi na lamang nakikita ang kalat.
26. Ano ang dapat gawin sa mga gamit na nakakalat sa paaralan man o sa tahanan?
A. ligpitin B. Itapon C. Pabayaan D. Ipamigay