Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Besana, Annafer Francine F.

BSED II | SFLE 8
Disyembre 17, 2019

Pagsusuri sa Maikling Kwento na Utos ng Hari

I. Ipaliwanag ang pamagat


Sa aking sariling opinyon, pinamagatang “Utos ng Hari” ang maikling kwento
sapagkat sa kwento, ang mga guro sa institusyon ang may kapangyarihan. Sila ay
mga nag-aastang hari-harian na kumokontrol ng mga bagay-bagay at
pinagdedesisyunan ang mga kaganapan. Sila ay mga hari na insensitibo na walang
pakiramdam sa kung ano ang maaaring kahahatungan ng kanilang mga estudyante sa
mga hatol na kanilang pagpapasiyahan.

II. Teoryang Pampanitikan


Ang maikling kwento na Utos ng Hari ay nagpapakita ng teoryang pampanitikan
na REALISMO sapagkat ito ay nagpapakita ng mga makatotohanang kaganapan sa
isang institusyon na masasalamin sa kasalukuyan.

III. Tagpuan
A. Pook
Ang pook ng kwento ay nakapalibot sa loob ng isang institusyong
paaralan sa Maynila – Philippine School for Science and Technology
B. Panahon
Ang panahon ng kwento ay nasa panahong pangkasalukuyan.

IV. Mga Tauhan


 Jojo
 17 taon na mag-aaral
 Isang pasaway na estudyante sa mata ng mga guro
 Mahilig mang-inis ng guro at manubok ng kakayahan
 Madalas lumiliban sa klase
 Mrs. Moral Character
 Guro sa Social Sciene
 Gurong tagapayo ni Jojo
 Kilala rin bilang Mrs. Eraser dahil sa mga pinanggagawa niya noong
nakaraang eleksyon
 Isang guro na palaging nanenermon tungkol sa mga moral virtues
 Minyong
 Kaibigan ni Jojo
 isang cultural minority
 pinagkamalang baliw
 Mga mag-aaral - Oasis, Armando
 Ibang mga guro - Mr. Espejo, Miss Kuwan, Mr. Discipline, Mrs. Gles-ing,
Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa, Mrs. Robinson

V. Mga Pangyayari
A. Simula
Nagsimula ang kwento noong sinabihan ni Mrs. Moral Character si Jojo
na pumunta sa kanyang cubicle pagkatapos ng lunch time. Nakutuban na ni Jojo
na tiyak na panenermon ang ipangbubungad ng kanyang guro sa kanya.

B. Saglit na Kasiyahan
Inilarawan ni Jojo ang kanyang sarili sa kanilang bahay na siya ang
magaling, sa kanyang bayan na siya ay sikat ngunit sa kanilang paaralan ay wala
lang ang isang tulad niya na iskolar ng bayan.

C. Suliranin
Si Jojo ay isa sa mga kandito na makikickout sa kanilang paaralan dahil sa
kanyang pag-uugali. Kasama niya ang kanyang barkada na si Minyong, na
pinagpasyahan ng mga guro na hatulan ng pagtanggal sa kanilang paaralan.
D. Tunggalian
Pumunta si Jojo sa kanyang guro na si Mrs. Moral Character at tama nga
na siyang inulanan ng sermon tungkol sa kanilang leksyon at kanyang pag-uugali.
Gustong-gusto ni Jojo na sagutin ang kanyang guro ngunit hinayaan niya na
lamang ito magsalita. Nakinig na lamang siya at hinayaan na pumasok sa tenga at
lumabas sa kabila ang mga pinagsasabi ng kanilang guro sa kanya.

E. Kasukdulan
Bago matapos ang panenermon ay sinabihan si Jojo na may nakakita na
kanya at kay Tess sa chapel. Sinabi ni Mrs. Moral Character na ang babata pa nila
at makakarating sa kanyang ina ang kanyang mga pinaggagawa.

F. Wakas
Napagdesisyunan ni Jojo na magsasalita na siya, magrereklamo sa kung
ano ang sitwasyon na pinagdadaanan niya sa kanilang paaralan ngayon. Ngunit,
matapos na ito ay isipin sinabi na lamang niya na idi-jingle niya na lang muna ang
kanyang sama ng loob.

VI. Mga Bisang Pampanitikan


A. Bisang Pandamdamin (Epekto sa iyong damdamin)
Nakakapanlumo dahil bilang isang nagnanais na maging guro, nabasa ko
ang kwento na nagpapatungkol sa mga guro na hindi matapat sa kanilang
serbisyo. Sa halip na maging mabuting ehemplo sa kanilang mga mag-aaral ay
sila pa ang nagpapakita ng mga hindi kanais-nais na pag-uugali sa paaralan.

B. Bisang Pangkaisipan (Epekto sa iyong isipan)


Napaisip ako ng malalim. Alam ko naman na totoong may mga ganitong
pangyayari sa tunay na buhay na tulad sa kwento ng akda. Masakit lang isipan na
may iilang mga guro na hindi maayos na ginagampanan ang kanilang mga
tungkulin. Sa aking palagay, panahon na upang gumawa ng aksyon ang
departamento ng edukasyon upang masiguro na ang mga guro ay propesyonal at
kompetent sa kanilang mga trabaho.

C. Bisang Pangkaasalan (Epekto sa iyong asal/ugali)


Pumukaw ito sa aking panloob na katauhan. Naisip at naramdaman ko na
totoong talagang may mga gaitong pangyayari sa sistema ng edukasyon at
maraming mag-aaral ang lubusang naaapektuhan dahil dito. Nagiging sanhi ng
depresyon at pagkawala ng tiwala sa sarili ang hindi pantay na pagtrato ng mga
guro sa kanilang mga mag-aaral.

VII. Buod
Nagsimula ang kwento noong natapos ang klase ni Jojo nang siya ay
sinabihan ni Mrs. Moral Character na puntahan siya sa kanyang cubicle pagsapit
ng lunch time. Agad na naisip ni Jojo na tiyak na manenermon na naman ang
kanyang adviser at guro sa Social Science. Ngunit bago sumapit ang break ay
nagkaroon ng maikling diskusyon si Jojo at ang kanyang guro tungkol sa kung
papaano maaaring maging fully democratic ang isang bansa. Ayon kay Mrs.
Moral Character ay nararapat na angatin ang literacy rate at makipagsabayan sa
western standards. Aniya naman ni Jojo, nararapat na mas pagtuunan ng pansin
ang economic condition ng bansa. Natapos ang kanilang diskusyon nang abutan
sila ng bell.
Madalas sinasabi ni Jojo na ibang-iba ang kanyang kahapon sa kanyang
kasalukuyan. Dahil kapag nasa bahay siya, siya ang bida, kapag ang mga
kababayan niya ang magkuwento, siya ang sikat. Pero sa kanilan eskwelahan,
wala lamang ang isang tulad niya na iskolar lamang ng bayan Kadalasan iniisip
niya ang kanilang buhay estudyante, ang koneksyon ng grado, “conduct” at
“appearance” sa kanilang pag-aaral. Sinasabi niya na may iilan naman na sikat na
indibidwal na hindi perpekto ngunit kinikilala. Maging ang kanilang mga guro ay
hindi rin perpekto. May iilan na ang lakas kung makapagbigay ng sermon tungkol
sa virtues ngunit may tinatago pa lang lihim, may iilan na walang pakialam sa
kanilang pagtuturo, may iilan na hindi handa sa kanilang pagtuturo.
Sa barkada nina Jojo, isa siya sa mga makikick-out na sa kanilang
paaralan dahil sa kanyang kagaguhan. Ito ay pinag-usapan at sinang-ayunan ng
kanyang mga guro na sina Mrs. Moral Character, Mrs. Glesing, Mr.
Mathematician, Miss Spermatozoa, Mr. Discipline at iba pa. Sa kanilang diskuyon
ay hindi lamang si Jojo ang napagpasiyahan tanggalin sa paaralan kundi pati na
rin ang kaibigan niyang si Minyong, isang cultural minority na inaakusahan ng
kabaliwan. Minsan na siyang sinabihan ng bobo kaya tinuruan magsalita, ngunit
noong natututo na magsalita at magpahayag ng totoong damdamin ay inakusahan
naman na baliw. Ngunit sa kabilang banda naman, may mga mag-aaral na
pinagdesisyunan ipasa dahil sa sweet at thoughtful daw ang bata, ang isa naman
ay dahil sa pogi ito at doktor ang ama.
Pagsapit ng lunch ay pumunta na si Jojo kay Mrs. Moral Character,
sinabihan siyang tinawag siya sa dalawang kadahilanan. Una, dahil sa kanilang
leksyon at pangalawa, dahil sa kanyang pag-uugali. Alam naman na ni Jojo na
iyon ang pag-uusapan nila. At tama nga na talagang nanermon ang kanyang guro,
si Jojo naman ay nakikinig habang pasok sa tenga labas sa kabila ang mga
pinagsasabi ng kanyang guro. Natapos ang kanilang usapan nang sinabi ni Mrs.
Moral Character na may nakakita kina Jojo at Tess sa may chapel. Pinagbalaan ng
kanyang guro na kakausapin ang nanay ni Jojo tungkol ditto.
Nang makalabas sa silid ay agad na sinalubong si Jojo ng kanyang mga
kabarkada na halatang alam na ang pinag-uusapan. Kaya nagtungo sila sa Cubao
upang magpalipas ng mga hinanakit. Nagtawanan, nag-inuman at nagpakasaya.
Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin matatanggal ang kalungkutan at pagkadismaya
ni Jojo sa kung paano ang kanyang sitwasyon sa kanilang paaralan. Nais niyang
magsalita, nais niyang magreklamo ngunit sa ngayon ay di-jingle na lang muna
niya ang kanyang sama ng loob.

VIII. Aral
Nararapat na matuto tayong magsalita bilang mga indibidwal. Matutong tumayo
sa mg paa at ipahayag ang totoong nararamdaman, ipahayag ito ng may buong tapang
sapagkat ito ang karapatan na mayroon tayo bilang mga mag-aaral. Huwag hayaan na
kainin na lamang tayo ng maling sistema ng mga guro at institusyong ating
pinapasukan.

IX. Talambuhay ng Manunulat


Si Pedro Cruz Reyes Jr. ay isang manunulat sa kontemporaryong panahon. Mas
kilala sa pangalang Jun Cruz Reyes. Isa siya sa mga natatanging muhon ng wikang
Filipino.

You might also like