Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Villasoto, Ira Mhae D.

Panunuring Pampanitikan

ESFL 3-1 Mam Antiola

Mabangis na Lungsod
ni Efren R. Abueg

Sangkap ng Maikling Kuwento

Tauhan
1. Adong- siya ang protagonista sa kuwento, isang batang namamalimos sa simbahan. Ito
ay maaaring maiugnay sa teoryang pampanitikan na realismo dahil ang batang
namamalimos sa labas ng simbahan ay makatotohanan, o makikitang nangyayari talaga
sa totoong buhay.
2. Aling Ebeng- isa ring pulubi na namamalimos sa simbahan, siya ang nagpapaalala kay
Adong kapag nariyan na ang malupit na si Bruno. Ang teoryang maiiugnay sa katauhan
ni Aling Ebeng ay ang eksistensyalismo at sikolohikal dahil nagagawa niyang paalalahan
at bigyan ng kaisipan si Adong sa kahahantungan nito kapag nahuli siya ni Bruno.
Naipapakita dito ang layunin ng eksistensyalismo na makapagdesisyon ang isang tao para
sa kanyang sarili, habang ang sikolohikal ay nakakapag-isip si Adong dahil sa mga
sinasabi o paalala ni Aling Ebeng.
3. Bruno- siya ang antagonista sa kuwento, ito ay papasok rin sa teoryang sikolohikal dahil
naipakikita ang isang pag-uugali at kaisipan ng tao. Si Bruno ay malupit, mapanakit, at
mapagsamantala.

Tagpuan

Ang tagpuan ay ang Simbahan ng Quiapo, ito ay maiuugnay sa teoryang pampanitikan


na historikal dahil ito ay nagpapakita ng karanasan ng tao na siya ring nangyayari sa totoong sa
mismong lugar noon pa man. Ang simbahan ng Quiapo ay bahagi na ng kasaysayan at karanasan
ng mga Pilipino, saksi ito sa mga kaganapan at pagkahubog ng mga tao.
Paksang diwa

Ang paksang diwa ng maikling kuwento na ito ay ang kahirapan at ang kalayaan ng tao
na lumaban. Ang teoryang pampanitikan na susuporta dito ay ang realismo dahil ang kahirapan
ay isang kaganapan na isang katotohanang nangyayari sa lipunan mula noon hanggang sa ngayon
at isa pang teorya ay ang teoryang eksistensyalismo dahil ito ay nagpapakita ng kalayaan ng tao
na magdesisyon para sa kanyang sarili.

Banghay

1. Simula- Ang gabi ay mabilis na lumatag sa Quiapo kung saan ang labindalawang taong
gulang na si Adong at iba pa niyang kasama ay nasa tapat ng isang simbahan upang
manglimos sa mga nagsisimba roon. Si Adong ay nagdurusa sapagkat siya'y walang
kapiling na magulang sa murang edad, kaya, ang nakita niyang paraan para mabuhay ay
humingi na lamang ng ilang sentimos sa mga tao. Ito ay mauri bilang teoryang realismo
dahil ang ganito kahirapan sa buhay ay nangyayari sa totoong buhay. Isa pa ay ang
teoryang sosyolohikal dahil ito ay nagpapakita ng suliraning panlipunan, kung saan
hindi lamang si Adong at Aling Ebeng ang namamalimos marami sila at ang ganitong
sistema ng pamumuhay ay suliraning panlipunan ring maituturing.

2. Saglit na Kasiglahan- Si Adong ay nasasaktan tuwing naaalala niya ang kasindak-


sindak na tingin ni Bruno habang kinukuha niya mula sa kanya ang mga baryang
pinaghirapan. Bahagyang nagalak si Adong nang matapos ang misa, subalit, ito'y
napalitan ng pangamba nang matanaw ni Aling Ebeng si Bruno na papalapit na sa
kanila. Maiuugnay sa bahaging ito ang teoryang sikolohikal dahil sa mga kalupitang
ginagawa ni Bruno ay bumubuo ito ng takot sa isipan ng pangunahing tauhan na si
Adong. Ang karakter ni Bruno ay pasok din sa teoryang nabanggit dahil siya ay
nagpapakita ng isang pag-uugali na napapabilang sa deskripsyon ng Sikolohikal. Isa
pang teorya ay ang sosyolohikal dahil bukod sa kahirapan na siyang suliranin ng
lipunan, ang taong katulad ni Bruno ay nagsasanhi at mismong suliranin din ng lipunan.
3. Kasukdulan- Nagpasya si Adong na kumaripas ng takbo patungo sa mga iskinita upang
matakasan si Bruno. Kalaunan, siya'y napagod din at sandaling sumandal sa isang poste
upang magpahinga. Nakaramdam siya ng tagumpay dahil sa kanyang akala na
natakbuhan niya na si Bruno na dala-dala ang kanyang pera, subalit, si Adong ay
nagkamali nang siya nasundan ni Bruno. Ang teoryang makikita rito ay ang
eksistensyalismo dahil nagawa ni Adong na magdesisyon para sa kanyang sarili. Isa pa
ay ang teoryang moralistiko dahil pinili ni Adong ang tama na ilayo ang kanyang sarili
sa masamang tao.

4. Kakalasan- Gusto sana ni Adong na tumakbo ngunit mahigpit ang hawak ni Bruno sa
kanya, kaya hindi niya ito nagawa. Sa kanyang natitirang lakas, sinigawan niya na
lamang si Bruno na pakawalan siya. Ito ay maiuugnay sa teoryang humanismo dahil si
Adong ay nagpapahayag ng kanyang damdamin o galit na gusting kumawala sa tila
bakal na kamay ni Bruno. At ang kagustuhan ni Adong na kumawala at tumakas sa
kalupitan ni Bruno ay isang layunin na makapagdesisyon para sa kanyang kapalaran ay
pasok sa deskripsyon ng teoryang humanismo.

5. Wakas- Naramdaman nalang ni Adong ang malupit na palad ni Bruno at siya'y nahilo.
Wala nang ibang naramdaman si Adong sapagkat siya'y nabalutan na ng katahimikan at
kapayapaan. Dito pa rin makikita ang teoryang sikolohikal dahil sa pag-uugaling taglay
ni Bruno, at ang teoryang realismo na ang kaganapan sa buhay na hindi lamang
kahirapan ang kinahahantungan kundi maging pananakit ay tinatamasa ng mga
mahihirap o nasa mababang estado ng buhay, ito ay matagal ng suliraning panlipunan.

Himig

- Ang kuwento ay malungkot at nakakadurog puso dahil ito ay totoong nangyayari sa


ating lipunan. Ang maikling kuwentong ito ay napapabilang sa teoryang humanismo
dahil ang tao ay sentro ng mundo at realismo dahil sa suliraning panlipunan. Ang
akdang ito rin ay maiiugnay sa teoryang imahismo dahil nagawa nitong bumuo ng
larawan at makapagpadama ng lungkot at hinagpis sa pamamagitan ng kaisipang
iniwan at larawang binubuo sa isipan ng mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbuo ng
kuwentong ito ay naipakita ang kaganapang nangyayari sa totoong buhay. Ito ay
pinagtitibay ng sinabi ni Edgar Allan Poe, na ang isang akdang pampanitikang likha
ng guni-guni at bungang isip ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay.

Pagpapahalaga/Panunuring Pampanitikan

- Ang wakas ng kuwento ay angkop dahil kahit na hindi nailahad ang kabuuan ay
nagpahiwatig ito ng kapayapaan sa bandang huli at ito ay nag-iiwan ng kaisipan sa
mga mambabasa. Dito papasok ang teoryang eksistensyalismo na ang tao ay may
kalayaang magdesisyon para sa sarili at sa kabila ng posibleng kahantungan ay pinili
pa rin ni Adong na lumaban o tumakas sa malupit na kamay ni Bruno at ito rin ay
teoryang moralistiko dahil pinili niya ang tama at nararapat gawin. Ang panitikang ito
ay may kalakasan dahil ito ay nakapagpakita ng realidad sa ating lipunan na
maiuugnay sa pagpapakahulugan ni Ramos, na ang panitikan ay matatawag na tala na
kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang
ginagalawan.

You might also like