Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aguilar, Alliyah Jessica S.

BSBA MM 1D
GNED 11

GAWAIN 1 :

Maikling pag papakilala

Maraming puwede itawag sa akin ngunit isa lang ang tinatanggap ko, kundi ang 'Iyah'.
Pakiramdam ko kasi hindi bagay sa akin o hindi pasok sa aking personalidad ang pangalang
'Alliyah', lalong lalo na ang aking pangalawang pangalan na 'Jessica' at dahil wala naman
akong magagawa, tuturuan nalang ang sarili mahalin ang pagkakakilanlan. Wala akong
kakaibang talento, pero mahilig akong kumanta sa bideoke kapag may masasayang pag
diriwang. Nasayaw rin ako pero sa mga panahon lang na kinakailangan o kaya trip ko lang.

Labing-walong gulang na ako. At hindi pala ganun masaya kapag nasa legal na edad na.
Marami akong pangarap sa buhay, hindi naman ganun kataas, o 'yung iba man ang hirap
abutin pero palagi kong lakasan ang loob ko. Mababaw ang kaligayahan ko, simpleng
pagbibiro lang ng mga nakakasalamuha ko tinatawanan ko, pero mabilis rin ako malungkot o
mag tampo dahil madamdamin akong tao.

Kahalagahan ng Komunikasyon

Parte ng buhay natin ang pakikipag usap sa kapwa natin. Kung saan man tayo mapadpad
kailangan natin maintindihan ang maayos na pakikipag komunikasyon, sa kahit anong
sitwasyon o lugar kung saan ka man naroroon. Importante na maintindihan natin kung gaano
kahalaga na ibahagi natin sa iba ang ating ideya, nararamdaman, nararanasan, tanong o
kaisipan. Sa pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa mga taong nakapaligid sa atin, mas
malaki ang posibilidad na maiwasan ang pagtatalo sa kadahilanang may maling
pagkakaunawa. Lahat naman siguro tayo hindi gusto na may kagalit lalo na sa mga mahal
natin sa buhay.

Dalawang uri ng komunikasyon

Ang berbal na komunikasyon ay ang pag gamit ng boses at salita para makipag usap sa ibang
tao, berbal rin ang tawag sa mensaheng nakasulat lamang, habang ang hindi berbal na
komunikasyon naman ay ang pakikipag usap gamit lamang ang kilos o galaw, ekspresyon ng
mukha, hindi sinusulat at hindi rin sinasabi gamit salita.

Ang mas matimbang na uri ng komunikasyon para sa akin ay ang berbal na komunikasyon.
Dahil sa berbal, naipapahayag ng maayos ang mensahe at mas maiintindihan ito ng
makakatanggap na maiiwasan ang hindi pag kakaintindihan. Mas madali rin maipahayag ang
nasa kaisipan kapag sasabihin ito berbal sa ating mga kausap. Ngunit mahalaga pa rin
intindihin ang pakikipag usap ng hindi berbal lalo na sa mga taong may kapansanan, at isa
pa, may panahon na may mga bagay na hindi kaya ng isang tao sabihin ng malakas at gamit
salita ang nararamdaman, nararanasan at nasa isip nito.

You might also like