Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

RESULTA

Ang tsapter na ito ay pinepresenta ang naging resulta sa pangangalap ng mga datos. Pinapakita
rin dito ang kabuoang sagot ng bawat impormante. Sa bawat resulta ay binigyan ito ng
interpretasyon upang mas higit na malinaw ang paglalahad ng mga resulta ng mga pag-aaral.
Sa pag-aanalisa ng mga datos, masusing pinag-aralan ang “PAGGAMIT NG WIKANG
FILIPINO TUNGO SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA LARANGAN NG
MATEMATIKA”. Sa bahaging ito, maingat na ilalahad ang mga impormasyong nakalap ng
mga mananaliksik mula sa mga impormante at ang mga pagkatuto ng mga mag-aaral sa larangan
ng Matematika sa paggamit ng wikang Filipino.
Sa unang tanong, iba’t iba ang naging sagot ng mga impormante. Ang isa ay sang-ayon na
ginagamit ang wikang Filipino sapagkat kadalasan sa mga sagot na maaaring isaulat sa
matematika ay dapat bigkasin o isalaysay gamit ang wikang Filipino. Ang pangalawang
impormante naman ay hindi sang-ayon sa paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng
pagkatuto dahil ito’y hindi direktang ginagamit bilang pagsasalin-wika ng mga terminolohiya ng
matematika.
Sa pangalawang tanong, pariho ng naging tugon ang dalawang respondente. Para sa kanila ay
mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino dahil napapadali ang kanilang pagkatuto lalo na sa
larangan ng matematika.
Sa ikatlong tanong, iba-iba ang naging tugon ng mga impormante. Ang isa ay sinasabing
madaling maintindihan ng mga mag-aaral ang ituturo ng guro kung wikang Filipino ang
gagamitin bilang midyum sa pagtututo at pagkatuto nila sa larangan ng matematika. Ang isa
naman ay hindi niya matukoy ang bisa ng wikang Filipino kung gagamitin ito sa pagkatuto ng
mga mag-aaral sapagkat ang mga mag-aaral ay mahihirapang maisaulo ang bawat salin nito sa
Filipino. Ito ay magdudulot ng kalituhan para sa mga estudyante o katatawanan lamang sa kanila.

You might also like