Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Tagaktak na ang pawis sa byahe, kahit pagkarating sa paaralaan ay ganoon pa rin ang sitwasyon.

Ito ang paulit-ulit na daing ng mga mag-aaral ngayon dahil talaga namang saan man sulok ay
ramdam na ramdam ang init ng panahon. Bagama’t hindi na bago ang mataas na temperatura
tuwing tag-init, tila ba mas maalinsangan ang panahon ngayon at ito ay nakaaapekto sa iba’t-
ibang sektor ng lipunan kagaya na lamang sa edukasyon. Sa tindi ng init na nararanasan,
nababawasan nito ang pagkaproduktibo ng mga mag-aaral at napababagal ang proseso ng
paghahatid ng kalidad na edukasyon.

Pinakamalaking panganib na dala ng panahon ay ang epekto nito sa kalusugan ng mga mag-aaral
at guro. Higit sa mga paaralan na may kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan na kayang
tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa sapat na bentilasyon at komportableng silid-
aralan. Ayon kay Ana Liza Solis ng Climatology and Agrometeorology Division ng PAGASA,
maituturing nila na ngayong taon ang may pinakamainit ang heat index sa kasaysayan ng bansa
at sinasabing umaabot ito sa nakaaalarmang init na 42 hanggang 43 degrees Celsius. Ang ilan sa
mga sakit na posibleng makuha ng mga mag-aaral at guro ay heat stroke, dehydration,
altapresyon, allergy, hika, pati mga sakit sa balat. Dagdag pa rito, ang maalinsangan na klima ay
lubos na nakapagpapababa ng kalidad ng pagtuturo na ibibigay sa mga mag-aaral. Laman na ng
balita ang tungkol sa kanselasyon ng face to face classes sa mga paaralan lubusang naapektuhan.
Bukod pa rito, nagpapatupad na rin ng half-day face-to-face classes sa mga pampublikong
paaralan. Nakasaad sa memorandum na magsasalitan ang mga estudyante sa pagitan ng
pagkakalse ng synchronous at asynchronous upang iprayoridad ang kalusugan ng mga mag-aaral
ngayong tag-init. Dahil sa mga ito, ang mga guro ay nahihirapan iayon ang kanilang paraan at
haba ng talakayan sa pabago-bagong modo ng klase. Problema rin nila ang pagkuha ng atensyon
ng mga bata dahil maging ang abilidad ng mga mag-aaral na magpokus sa klase ay bumababa
kahit pa paminsan-minsan nagsasagawa ng online classes sapagkat sa pagpawi ng init na lamang
napupunta ang konsentrasyon ng mga ito imbes na sa guro.

Sumakatuwid, napatunayan na naapektohan ng kapaligiran ang pagkatuto ng mga bata at


pagtuturo ng mga guro sa usaping pokus, kalusugan at pagiging progresibo. Inaasahang tatagal
ang El Niño hanggang Mayo ngayong taon. Indikasyong hindi pa matatapos ang paghihirap ng
mga guro at mag-aaral sa init at tagaktak ng pawis na pilit nakikipagsabayan sa kani-kanilang
talakayan. Upang maibsan ang mga epekto ng init sa edukasyon, mahalaga ang pagtulong ng
mga institusyon ng edukasyon at pamahalaan sa pagpapalakas ng mga pasilidad at programa na
naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng mga hamong dulot ng klima.

You might also like