Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

TUGUEGARAO NORTHEAST CENTRAL INTEGRATED SCHOOL

SY. 2023-2024

MASUSING BANGHAY ARALIN SA


FILIPINO 6 (Astrea)
“Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggan Binasang Balita,
Isyu, o Usapan.”

Inihanda ni:

SHANE JEEVHEN P. QUINDICA


Pre-Service Teacher

Sinuri ni:

MARJORIE T. TAMARAY
Cooperating Teacher

Petsa: April 23, 2024


MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman  Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa
isang napakinggang balita isyu o usapan.
B. Pamantayang Pagganap  Naipaliliwanag ng maayos ang opinyon o
reaksyon ng may kawastuhan.
C. Mga Kasanayan sa  Natutukoy ang mga paraan sa pagpapahayag ng
Pagkatuto sariling opinyon o reaksyon sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan.
D. MGA LAYUNIN Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral na may
75% na kahusayan ay inaasahang:

a. natutukoy ang mga paraan sa pagpapahayag ng


sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
balita isyu o usapan;
b. nakapagsasabi ng kahalagahan ng pagpapahayag
ng sariling opinion o reaksyon; at
c. naipapahayag sa harapan ng klase ng isang
maikling talumpati na umiikot sa isang opinyon
batay sa isang balita, isuyu, o usapan
II. MGA NILALAMAN:

a. Paksa: Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita isyu
o usapan.
b. Sanggunian:
Elektroniko:
 Most Essential Learning Competencies(MELCs)-FILIPINO -Grade-6.pdf
 Learning code: F6PS-IVc-1
 https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/02/FIL6-Q4-MODYUL2.pdf
c. Kagamitan: Multimedia, PowerPoint Presentation, Chalk/Whiteboard Marker, at iba
pang IMs.
d. Pagpapahalaga:
 Ang lahat ng opinyon at saloobin ng isang tao ay mahalagang pinakikinggan at
irespeto.
e. Mahahalagang Tanong:
 Paano mo maipapahayag ang iyong sariling opinyon ng may kawastuhan?
 Bakit mahalaga na magpahayag ng sariling opinyon sa mga napapanahong isyu?
III. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 PAGBATI

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga rin, sir!
 KKP
Bago ang lahat lahat, maaari po bang paki
ayos ang inyong mga upuan at mag Kanya
Kanyang Pulot (KKP) sa mga nakikitang kalat (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga kalat sa
sa ilalim ng inyong mga upuan. paligid at aayusin ang kanilang mga upuan)

 PAMBUNGAD NA PANALANGIN (Magdadasal ang mga mag-aral)


Manalangin tayo…

 CHECKING OF ATTENDANCE
(Mag tsetsek ng attendance ang guro) (Mag tsetsek ng attendance ang guro)

 PAGBABALIK ARAL
Bago tayo mag simula sa bagong talakayan,
subukan ko nga kung talagang nakinig kayo sa (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
ating nakaraang talakayan?
Tungkol sa patalastas at usapan gamit ang iba’t
ibang bahagi ng pananalita, sir.
Ano ang natutunan niyo sa nakaraang
talakayan? Natutunan ko ang mga ibat-ibang paraan kung
paano gumawa ng patalastas para sa isang
produkto, sir.
Mahusay! Tungay nga naman na may aral
kayong nakuha sa ating huling talakayan.
Tayo ay magpatuloy:

B. Nilalamang Pagkatuto

1. Pagganyak

Simulan muna natin ang talakayan sa


pamamagitan ng isang aktibidad.

Handa naba kayo?


Opo sir.
Panuto:

 Ang aktibidad ay tatawaging “Bilang


bahagi, Maki bahagi”.
 Ang mga mag-aaral ay makikinig sa
isyu sa kapaligiran na ipapahayag ng
guro. (Gagawin ng mga mag-aaral ang energizer)
 Pagkatapos makapagpahayag ng isyu
ang guro, lalapit ang guro sa mga mag-
aaral upang hingin ang kanilang (Makikinig ang mga mag-aaral sa panuto ng guro)
opinyon o panayam tungkol sa isyung
napakinggan.
 Ibabahagi ng napiling mag-aaral ang
kaniyang opinyon sa mikropono ng
reporter.

(Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral)

Maliwanag ba ang panuto?


Opo sir.
(Magsisimula ang aktibidad)
(Susundin ng mga mag-aaral ang mga panuto ng
guro)
(Pagkatapos ng aktibidad)

Mahusay! Bigyan naman natin ng Excellent


clap ang lahat ng mga sumagot. (Gagawin ng mga mag-aaral ang excellent clap)

Bumalik na sa inyong mga upuan at


magsimula na tayo sa ating talakayan.

2. Paglalahad

Batay sa ating aktibidad kanina, ano ang


naramdaman ninyo habang ginagawa ninyo
ito? Masaya at nakakakaba sir, dahil para kang nasa
totoong balita.

Ano ang mga napansin ninyo sa ginawa


ninyo?
Tungkol sa pagpapahayag sariling opinyon o
reaksyon, sir?
Mahusay! Ang mga sagot ninyo ay nagsasaad
ng impormasyon na may kinalaman sa
talakayan natin ngayong araw.

Ang paksa ng ating talakayan ngayong araw


ay inaasahan ko sa inyo na NAIPAPAHAYAG
ANG SARILING OPINYON O REAKSYON SA
ISANG NAPAKINGGANG BALITA ISYU O
USAPAN.

(Ipapakita ng guro ang mga layunin sa


telebisyon)

May mga ipapakita ako na larawan, sabihin


niyo sakin ang opinion ninyo kung sang-ayon
kayo o hindi sang ayon sa larawan sa
pamamagitan ng thumbs up at thumbs down.

Pagtatapon ng basura sa ilog

Pagmasdan ang larawan, ano ang masasabi


ninyo rito sang- ayon ba kayo o hindi sang-
ayon?
(Mag thumbs up at thumbs down ang mga mag-
Tanungin ang isa sainyo, bakit sang-ayon/ dika
aaral)
sang-ayon rito?

Hindi ako sang-ayon sir dahil magkakaroon ito ng


negatibong epekto sa kalusugan ng mga isda at sa
Mahusay, tayo’y magpatuloy: tao dahil marumi ito, sir.

Pagkokolekta ng basura isang beses sa


isang buwan

3. Pagtatalakay

Kayo ba ay sang-ayon o hindi sang-ayon?

Tanungin ko nga ang isa sainyo, bakit sang- (Mag thumbs up at thumbs down ang mga mag-
ayon/ dika sang-ayon rito? aaral)

Hindi ako sang-ayon sir, dahil maraming maiipon


na basura kapag umabot pa ng isang buwan bago
ito kolektahin.
Mahusay, tayo’y magpatuloy:

Pagbabawal ng mobile games sa paaralan

Kayo ba ay sang-ayon o hindi sang-ayon?


(Mag thumbs up at thumbs down ang mga mag-
Tanungin ko nga ang isa sainyo, bakit sang- aaral)
ayon/ dika sang-ayon rito?

Mahusay! Ang mga opinion ninyo ay aking Sang-ayon ako sir dahil nawawala ang pokus ng
nirerespeto sapagkat iyan ang inyong mga mga mag-aaral kapag naglalaro ng mobile games
pananaw at opinion. Lahat ng sagot ninyo ay sa loob ng paaralan, sir.
tama.

Dako na tayo sa atiing makabuluhang


talakayan.

Ang Opinyon isang malayang pagpapahayag


ng sariling pananaw o saloobin batay sa
nakita, narinig, at nabasa. Ang opinyon ay
maaaring totoo pero pwede itong kontrahin o
tutulan ng iba.

Tandaan na maaaring sang-ayunan o tutolan


ng isang tao ang isang opinion o usapan.

Mga mag-aaral kayo naman ang gagamit sa


mga salitang karaniwan ninyong ginagamit sa
pagpapahayag ng opinion.

Narito ang mga salitang maari niyong gamitin:


 Sa aking palagay
 Kung ako ang tatanungin
 Para sa akin
 Sa aking pananaw

Unang tanong:
Ano ang inyong masasabi sa Catch-up Friday?

Sa aking palagay, hindi epektibo ang catch-up


Friday, dapat gawin nalang nilang regular na klase,
Pangalawang tanong: kasi saying lang ang araw kung mag babasa lang
naman, sir.
Ano ang inyong masasabi sa balitang ito:
https://www.youtube.com/watch?v=DDdWw-
IhZNY
(Pasok sa mga paaralan, posibleng ibalik
sa June to March period sa School Year
2025-2026 – DepEd)

Kung ako ang tatanungin, masyadong maaga ang


Narito ang mga dapat tandan sa pagbibigay ng buwan ng Marso sa pagsisimula ng pasukan, di po
opinyon: naming masusulit ang bakasyon, sir.
 Unawaing mabuti ang balita, isyu, o
usapan.
 Tingnan ang magkabilang panig, ilista
ang mga mabubuti at masamang dulot
nito sa nakararami.
 Pagiging magalang sa pagpapahayag
ng opinion.
 Maaari ring mag bigay ng naisip na
solusyon tungkol sa isyu.

4. Paglalahat

Ano ulit ang kahulugan ng opinyon?

Mahusay! ngayon na tapos na tayo sa ating


Ang Opinion ay ang sariling pananaw, paniniwala,
pormal na talakayan, ilalahad na natin ang
o damdamin ng isang tao batay sa isang usapan.
mga natutunan natin ngayong araw sa
pamamagitan ng pangkatang Gawain.

Pangkatang Gawain

 Mahahati ang klase sa tatlong pangkat


 Kinakailangan nila ibahagi ang kanilang
opinion sa isang isyu na ibibigay sa
kanila.
 Kinakailangang punan ang mga nasa
patlang ng opinion batay sa isyu,
susulatan ng mga mag-aaral ang nasa
bakanteng patlang ng kanilang
opinyon. (Gagawin ng mga mag-aaral ang pangkatang
 Kinakailangan nila itong ibahagi sa gawain)
harap ng klase pagkatapos nilang
matapos.
 Gagawin lamang nila ang pangkatang
gawain sa loob ng limang minuto.

(Gagabayan ng guro ang mag-aaral)

5. Pagpapahalaga

Bakit mahalaga na maipahayag ang sariling


opinyon o reaksyon ng isang tao batay sa
isang balita, isyu, o usapan?
Upang maibigay ang ating sariling saloobin na
maaring makapagbigay ng impormasyon o
solusyon patungkol sa isang isyu o usapan, sir.
Bukod sa pagpapahayag ng sariling opinyon,
bakit kaya mahalaga rin na pakinggan ang
opinyon ng ibang tao?
Upang mabigyan sila ng respeto at maunawaan
Mahusay! Tunay nga na naintindihan niyo ang ang kanilang sinasabi sir, kapag irespeto nila
ating talakayan ngayong araw. opinyon natin irespeto rin natin opinyon nila.
Bigyan ng excellent clap ang lahat!

(Papalakpak ang mga mag-aaral)

IV. PAGTATAYA:

Panuto: Ipahayag ang iyong sariling opinyon tungkol sa mga karaniwang gawaing bahay na
naging isyu palagi sa isang pamilya batay sa pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa iyong opinyon o
reaksyon sa mga pangungusap, maaari ring magbigay ng sariling solusyon tungkol rito.

1. Palaging pag-aaway ng magkakapatid dahil lang sa kung sino ang maghuhugas ng pinggan
pagkatapos kumain.
2. Napapagalitan palagi ng nanay ang kanyang anak dahil sa katamaran.
3. Minsan napapalo ang anak ng kaniyang magulang dahil sa pagdadabog sa tuwing siya’y
mauutusan.
4. Nagtatalo kung sino ang magliligpit ng higaan.
5. Hindi nagwawalis ang mga kapatid na lalaki dahil para sa kanila gawaing pambabae ito.
Rubriks:
Mga Pamantayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos
1. Linaw ng pagpapahayag Napakalinaw Malinaw at Di-gaano
ng opinyon/ reaksiyon at napakahusay mahusay kalinaw
2. Kahika-hikayat na Di-gaano
Napakagaling Magaling
pagpapahayag kagaling
3. Tamang pagsulat ng mga Nangangailangan ng
pangungusap/talata, Pinakamahusa gabay sa
Katangaptanggap
bantas at baybay ng mga y wastong
salita pagpapahayag
4. Tama at angkop ang Di-gaano ka
Napakagaling Magaling
paksa sa pagpapahayag galling

V. TAKDANG-ARALIN:

Panuto: Ipahayag sa harapan ng klase ng isang maikling talumpati na umiikot sa isang opinyon
batay sa isang balita, isuyu, o usapan, ibabahagi ito sa susunod na talakayan sa harapan ng
klase. (10 na puntos).

You might also like