Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

PAGBUO NG PORTFOLIO NG MGA SULATIN

Ang PORTFOLIO ng mga sulatin ay isang koleksyon ng mga komposisyon o output. Layunin nitong
ipakita ang pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng mag-aaral-manunulat sa loob ng
isang termino o taong-aralan.

MGA BAHAGI NG PORTFOLIO

Para sa layunin ng asignaturang Filipino sa Baitang 11, iminumungkahi ng mga may-akda ng aklat
na ito ang sumusunod na bahagi na dapat matagpuan sa iyong gagawing portfolio:

1.Pabalat
2.Pamagating pahina
3.Prologo
4.Talaan ng Nilalaman
5.Mga Sulatin
6.Epilogo
7.Rubriks
8.Binote

ANG PAGGAWA NG PORTFOLIO

Iminumungkahi ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa ng portfolio. Sikaping sumunod mo


ang mga tagubilin sa bawat paggawa nito.

1. Pamagatan ang iyong Portfolio.

Mag-isip ng isa o ilang salitang iyong gagamiting pamagat ng iyong portfolio. Tiyaking ang pamagat
na mapipili ay kakatawan sa nilalaman ng iyong portfolio, sa iyong mga karanasan sa pagsulat at
maging sa iyong mga natutunan.

Halimbawa, Likha: Isang Portfolio ng mga Sulatin.

Maari rin gumamit ng mga salita sa alin man sa ating wikain o kaya ay lumikha ng bagong salita.

2. Gawin ang Pamagating Pahina.

Ilagay ang pamagat ng iyong portfolio, ang iyong pangalan at kinabibilangang pangkat, pangalan ng
iyong guro at ang araw ng pagpapasa.
3. Isulat ang iyong Prologo.

Panimulang talataan ito kung saan ipinaliliwanag ang napili mong pamagat ng iyong portfolio at
kung bakit mo iyon napili. Ilarawan ang nilalaman ng iyong portfolio. Maaari ring maglahad dito ng
pag-aalay at pasasalamat. Iminumungkahing gumamit dito ng pananaw sa ikatlong panauhan

(Halimbawa:Ang may-akda…, Ang manunulat…, Siya, niya, kanya)sa halip na unang panauhan (ako,
ko, akin, kami, namin).

Pansinin ang halimbawa sa baba.


4. Gawin ang Talaan ng Nilalaman.

Ihanay ang mga sulating iyong ginawa, ang anyo at pamagat ng bawat isa, mula una hanggang huli.
Tukuyin ang pahinang katatagpuan ng bawat isa.

➢ Tekstong Impormatibo
➢ Tekstong Deskriptibo
➢ Tekstong Persuweysib
➢ Tekstong Narratibo
➢ Tekstong Argumentatibo
➢ Tekstong Prosidyural
➢ Tekstong Pansiyentipiko
➢ Tekstong Panghumanidades
➢ Tekstong Pang-agham Panlipunan

5. Tipunin ang iyong mga Sulatin. Ayusin ang mga sulatin ayon sa pagkakasunod-sunod.

6. Isulat ang iyong Epilogo.

Sumulat ng isang replektibong talataan. Ilarawan ang iyong mga naging karanasan sa pagsulat ng
mga sulatin at ang mahahalagang kaalamang iyong natutunan.

7. Gawin ang pahina para sa Rubriks.

Ilagay dito ang pamantayan sa pagmamarka. Iminumungkahnni ng mga may-akda ang kasunod na
rubriks.

Prologo - 15 %
Nilalaman / Mga Sulatin -50%
Epilogo – 15%
Pagkamalikhain – 20%
Kabuuan - 100%
8. Isulat ang iyong Bionote.

Maikli lamang dapat ito. Gamitin muli ang ikatlong panauhan. Lakipan din ito ng iyong larawan.
Ilagay ito sa likod ng pabalat.

9. Palamutian ang iyong portfolio.

Simulan ang pagpapalamuti sa pabalat hanggang sa huling pahina. Gumamit ng mga angkop na
dekorasyon para sa bawat sulatin at iba pang pahina. Sikaping isaalang- alang ang paksa ng bawat
sulatin para sa layunin ng kaangkupan ng palamuti.

10. Ipasa ang iyong Portfolio.

Ipasa ang iyong ginawa sa takdang araw, oras at lugar na itinakda ng inyong guro.

PAALALA: Maari ninyong gayahin o maging gabay ang format sa susunod na


pahina.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OF PARAÑAQUE CITY
STO NIÑO SENIOR HIGH SCHOOL

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba't Ibang Teksto, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik

(Pamagat ng Portfolio mo)

SANTOS, JUAN A.
11 – DIGNITY

BB. DARYL C. JAMINAR

MAYO 10, 2024


(Deadline of submission)

______________________________________________________________________________

SY. 2023-2024
PROLOGO

(Dalawa o hanggang tatlong talata.)


FONT STYLE: TIMES NEW ROMAN
FONT SIZE: 12

1
TALAAN NG NILALAMAN
FONT STYLE: TIMES NEW ROMAN
FONT SIZE: 12

PROLOGO ………………………………………………………………………. 1
MGA SULATIN …………………………………………………………………..3
Tekstong Impormatibo ………………………………………………………….. 4
Tekstong Deskriptibo …………………………………………………………..
Tekstong Persuweysib…………………………………………………………..
Tekstong Narratibo……………………………………………………………..
Tekstong Argumentatibo………………………………………………………
Tekstong Prosidyural……………………………………………………….…..
Tekstong Pansiyentipiko…………………………………………………….…
Tekstong Panghumanidades……………………………………………………
Tekstong Pang-agham Panlipunan…………………………………………….
EPILOGO……………………………………………………………………….
BIONOTE……………………………………………………………………….
RUBRIKS……………………………………………………………………….

2
MGA IBA’T IBANG SULATING
TEKSTO

3
EPILOGO

(Dalawa o hanggang tatlong talata.)


FONT STYLE: TIMES NEW ROMAN
FONT SIZE: 12
BIONOTE

ISA O DALAWANG TALATA


LALAGYAN DIN ITO NG LITRATO NINYO NA MAY NA SUKAT
2X2 NA MAY PUTING BACKGROUND

FONT STYLE: TIMES NEW ROMAN


FONT SIZE: 12
RUBRIKS SA PAGGAWA NG PORTFOLIO

PAMANTAYAN MARKA
Prologo 15%
Nilalaman/Mga Sulain 50%
Epilogo 15%
Pagkamalikhain 20%
KABUUAN 100%

Pangalan: Santos, Juan A.


Baitang at Seksyon: 11 - Dignity

You might also like