Professional Documents
Culture Documents
A5 1Q Fil9
A5 1Q Fil9
A5 1Q Fil9
Aralin 5
o Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo na itinatanghal sa entablado.
o Ito ay ang karagatan, duplo at huego de prenda.
o Ito ay ang pangangaluluwa, panunuluyan, senakulo, salubong at tibag.
o Ito naman ay ang moro-moro at karilyo.
Lumaganap ang dulang pantelebisyon at pampelikula sa Asia noong Dekada 50 na sinasabing “Gintong Panahon ng
Pelikula” at nagsimulang umusbong mula sa pinakatradisyonal hanggang sa pinakamodernong kalinangan.
Magkaiba ang orihinal at adapsyon na teleserye o pelikula- ang una ya sadyang nilikha ayon sa layunin nito sa
isinaalang-alang ang mga elementong dapat taglayin nito, tulad ng nilalaman, samantalang ang huli ay hinango.
Sa pamamagitan ng adaptasyon ng iba’t ibang dulang pantelebisyon, lumalaganp at lumalawak an gating kaalaman at
oag-unawa sa iba’t ibang kultura sa Asia.
Ilan sa teleseryeng mula sa South Korea na ginawan ng adaptasyon ng mga Pilipino ay ang Atairway to heaven, All
About Eve, Full House, Lovers in Paris at My Girl.
-hango mula sa aklat na Sinag ng Wikang Filipino nina Ryan C. Rivera at Leonora Dela Cruz-Oracion, p. 57-
Karagatan- ay isa sa uri ng ating panitikan kabilang siya sa dulang panlibangan na ginagawa ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Kastila, ang karagatan ay batay sa alamat ng isang dalaga na nahulog ang singsing sa dagat batay sa
hangaring makapili ng mapapangasawa.
Duplo- isa rin sa ating panitikan sinasabing ito naman ang pumalit o humalili sa karagatan, paligsahan sa husay sa
pagbigkas ng pangangatuwiran na patula.
Huego de Prenda- Nagmumula sa Kastila ang Juégo de Prénda, ibig sabihin nito'y "Laro ng Multa", nilalaro ito tuwing
búrol o lamayan. Umuupo nang pabilog ang mga manlalaro, at ang bawal manlalaro at binibigyan ng pangalan;
punongkahoy o bulaklak para sa babae, ibon o numero naman sa lalaki. Ito'y larong maaaring gagamitin na pagkakataon
sa ligawan
-https://brainly.ph/question/25651 at
https://brainly.ph/question/1779376-
Pangangaluluwa- sang dulang panrelihiyon sa mga lugar ng katagalugan. Ito ay ginaganap sa mga bahay-bahay tuwing
bisperas ng araw ng mga kaluluwa.
-https://brainly.ph/question/864998-
Panunuluyan- Ang panunulúyan ay tradisyonal na dula sa bisperas ng Pasko hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina
Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban.
-https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18007191404-
Senakulo- tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako
siya sa krus.
- https://coolpilipinas.tumblr.com/post/4637854412-
Salubong- pagtatanghal o ritwal tuwing bukang-liwayway ng Linggo ng Pagkabuhay na nagtatampok sa pagtatagpo ng
imahen ni Kristo at ni Birhen Maria.
-https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18047532284-
Tibag-isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Bicol. Ito
ay tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na kinamatayan ni Kristo.
-https://kulturang-noypi.blogspot.com/2015/03/ano-ang-tibag.html-
Moro-moro-isang uri ng "komedya" sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y
espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na
katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang
itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat
mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim.
-https://brainly.ph/question/2409301-
Karilyo- itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginagawa mula sa karton, na
pinapanood na gumagalaw sa likod ng puting taning at pinagalaw ng mga taong di nakikita na syang nagsasalita rin para
sa mga karton na gumagalaw.
-https://brainly.ph/question/341942-
Gawain 2: Sagutin Mo!
Dapat bang buhayin ang mga dulang Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
Pagsasanay
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi ng mga sumusunod.
_________1. Tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta.Cruz na kinamatayan ni Kristo.
_________2. Uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo na itinatanghal sa entablado.
_________3. Ang Dekada 50 ay sinasabing_____?
_________4. Ito ay batay sa alamat ng isang dalaga na nahulog ang singsing sa dagat batay sa hangaring makapili ng
mapapangasawa.
_________5. Ang ibig sabihin nito'y "Laro ng Multa".
Gawain 3: Talasalitaan!
Panuto: Piliin sa hanay B ang mga kahulugan ng salitang nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
A. B.
_____1. sultada A. bitaw o labanan ng mga manok
_____2. tinali B. manok na pansabong
_____3. dehado C. talunan; higit na mahina kaysa kalaban
_____4. liyamado D. may malaking bentahe o higit na malakas kaysa
kalaban
_____5. tabla E. walang nanalo o talo sa labanan
_____6. kristo F. tawag sa tagakuha ng taya
Sa Pula, Sa Puti
ni: Francisco “Soc” Rodrigo