Filipino PT3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANGALAN:________________________________________________________________

FILIPINO-PAGSUSULIT PETSA:__________________

Gawain 1. PERFORMANCE TASK. Sipiin o kopyahin ang pabulang “Ang Leon at ang
Lamok “ sa isang buong papel. Isulat ng wasto ang mga bantas at ang talata. (20 pts)

“Ang Leon at ang Lamok “

Nagpapahinga ang isang malaking leon nang guluhin siya ng isang lamok. “Umalis ka rito!
Huwag mo akong abalahin sa pamamahinga!” ang sabi ng leon. “Sino kang mag-utos sa akin!”
ang mayabang na sabi ng lamok.

Sa inis ay pinaghahampas ng leon ang lamok pero hindi niya ito matamaan. Pinagkakagat
din ng leon ang lamok pero hindi niya ito matiyempuhan. Tawa ng tawa ang lamok. “Sabi ko sa
iyo! Hindi mo ako kaya! Kaya hindi ako matatakot sa iyo!” Napahiyang umalis ang leon. Hindi
niya matanggap na isang lamok lang ang naging katapat niya.

Samantalang, patuloy sa pagtawa ang lamok habang lumilipad. Hindi nito napansin ang
isang sapot. Huli na. Hindi na nakaiwas ang lamok. Nadikit na ito sa sapot na bahay ng
gagamba. Mula sa dulo ng sapot, lumapit ang isang gagamba upang kainin ang lamok. Nawalan
na ito ng pag-asa. Naisip niya, nagawa niyang ipahiya ang isang malaking leon. Iyon pala ay
isang maliit na gagamba lamang ang kakain sa kanya.

Gawain 2. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang. (2 puntos bawat isa)

1. Sinu-sino ang mga importanteng tauhan sa pabulang inyong binasa?


_________________________________________________________________
2. Anong katangian ang taglay ng leon at ng lamok?
_________________________________________________________________
3. Ano ang nangyari sa dulo ng kwento?
_________________________________________________________________
4. Sa tingin mo,kaninong karakter ka maihahambing?sa leon o sa lamok?
_________________________________________________________________
5. Anong aral na napulot sa kwento?
_________________________________________________________________

You might also like