Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 27: Ang Prayle at ang

Pilipino

Ang
Prayle

Ang Pilipino
Talasalitaan:
 Nagkakaila- Tumatanggi
 Walang kawawaan- Madiskurso
 Kinalulugdan- Ang kahulugan ng
kinalulugdan ay paborito o natatangi.
 Iniaatang- Pagbibigay ng materyal na bagay
o pagkain.
 Sinisikil- Pinaparatangan

Tauhan:
 Isagani- Isang binatang may matayog na
isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez.
 Padre Fernandez- May kaibigang
pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
Nagkaroon ng pagtatalo sina Isagani at Padre Fernandez hinggil
sa mga suliranin at kahilingan ng mga estudyante. Nais ng
binatang tuparin ng mga pari ang kanilang tungkuling turuan at
akayin ang mga kabataan sa maayos na landas. Hinihiling ni
Isaganing bigyan sila ng kalayaang makalikha ng isang bayang
marangal, matalino at matapat. Sinalungat nito ni Pari
Fernandez sa pagsasabing ginagawa nila ang kahilingan ng mga
kabataan. Ipinagtanggol ng pari na hindi sila nagpapabaya sa
tungkulin bagkus ang kabutihan ng mga estudyante ang lagi
nilang iniisip. Hindi sumang-ayon dito si Isagani. Binatikos ng
binata ang paraan ng pamamalakad ng pamahalaan at
simbahan. Ginamit ni Pari Fernandez ang pamahalaan billang
pananggalang dahil matatalo na siya sa pagtatalo. Sinabi niyang
marami silang magagandang plano para sa ating bayan at sa
mga Indio ngunit nauwi ito sa ‘di inaasahang resulta. Bagamat
may pag-aalinlangan si Pari Fernandez sa mga katuwiran ng
kaniyang mag-aaral, lihim nitong humanga sa binate at
kinainggitan ang mga paring Hesuwitang nagturo sa binata.

You might also like