AP7 Q4module 3 4 16 24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKAAPAT NA MARKAHAN-MODYUL 3: Mga Karanasan at Implikasyon ng mga Digmaang

Pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano


Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Hulyo 1914 – Nobyembre 11, 1918. Ang World War I ay
kadalasang nasusulat bilang WWI o WW1. Ito rin ay kilala sa katawagang First World War o the “Great War”.
Ang digmaang ito ay inilalarawan bilang “the war to end all wars”. Ang lokasyon nito ay Europe, Middle East,
Pacific Islands, China, Indian Ocean, North and South Atlantic Ocean.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Nag-umpisa sa Europa noong Setyembre 1, 1939 – Setyembre 2, 1945 ang Ikalawang Digmaang Pandaidig o
kilala bilang Second World War o Global War. Dahil sa dami ng namatay sa giyerang ito ay napag-alaman na the
“bloodiest conflict and largest war“ sa kasaysayan. Ang lokasyon nito ay Europe, Pacific, Atlantic, Indian Ocean,
South-east Asia,China, Middle East, Mediterranean, North Africa at Horn of Africa.
MGA KAGANAPAN SA DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
UNANG DIGMAAN (WW1)
1. Bagamat nakasentro sa Europa ang digmaan, nagkaroon din ng labanan sa Asya dahil sa spheres of
influence at interes ngmga Kanluranin sa China.
2. Dahil kakampi ng England ang Japan, agad-agad sinakop ng Japan ang mga teritoryo ng Germany sa
China at Pacific Ocean. At dahil ang tuon ng mga Kanluranin ay digmaan sa Europa, ipinilit ng Japan ang
21 Demands nila sa China. Kasama sa mga ito ang pagbibigay ng mga mas malawak na kapangyarihan at
benepisyo sa mga Hapones sa China. Tumutol ang mga Tsino at isinumbong ito sa League of Nations
pero walang nagawa ang mga ibang Kanluraning Bansa.
3. Noong una, ayaw sumama sa digmaan ang China dahil away ito ng mga kinasusuklaman niyang mga
bansang Kanluranin na nagsamantala sa kanya. Taon 1917, sumali ang United States sa digmaan sa
panig ng mga Allies. Sumunod naman ang China pagkatapos salakayin at mapalubog ng isang
submarine ng Germany ang isang barko ng France na may nakasakay na mga Tsino. Sumama sa
digmaan ang pamahalaang Tsino na naghahangad na kilalanin sila ng mga Kanluranin at nang mabago o
matangal ang mga di-pantay na kasunduan.
IKALAWANG DIGMAAN (WW2)
1. Nilusob ng Japan ang Manchuria noong Setyembre 1931. Mahalaga ang Manchuria sa mga Hapones
dahil ito ay mayamang rehiyon na sagana sa hilaw na materyales na kailangan sa industriya nila.
Nagprotesta ang League of Nations at ang United States sa pagsakop sa Manchuria pero binalewala ito
ng Japan.
2. Lumalim ang hidwaan ng mga Hapones at Tsino at ng mga Hapones at Amerikano na pinoprotektahan
din ang interes nila sa China. Noong Hulyo 1937, biglang nilusob ng Japan ang China. Dahil dito ay labag
sa mga nilagdaang kasunduan, nagprotesta ang United States at England pero hindi pa rin binigyan
pansin ng Japan.Upang palakasin ang puwersa, nakipag-alyado ang Japan sa Germany at Italy.
3. Tinugunan ng United States ang pagiging agresibo ng Japan sa pamamagitan ng pagpapahinto ng
pangangalakal sa Japan at pagpigil ng transaksyon ng Japan na may kinalaman sa mga pera nitong
nakalagak sa United States at Pilipinas. Dahil mawawalan sila ng langis at iba pang bagay na kailangan
ng mga industriya nila, binalak ng Japan na lusubin ang Timog Silangang Asya. Kailangang biglaan ang
paglusob nang gayon ay maparalisa nito ang hukbong pandagat ng U.S. na noon ay nakabase sa Pearl
Harbor sa Hawaii.
MGA IMPLIKASYON NG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
UNANG DIGMAAN (WW1)
1. Sa kabuuan nanghina ang lahat ng bansang European dahil sa tagal, hirap at gastos ng digmaan. Lumakas ang
United States at Japan. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, itinatag ang League of Nations upang
maiwasan na ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Ang Japan ang tanging miyembro nito na galing sa Asya.
2. Sa India, nagkaisa ang mga kilusang nasyonalista at pangkalayaan, at sumusuporta sila sa panig ng mga Allies.
Maraming mga Indian ang dinala sa mga labanan sa ilalim ng mga opisyal na English. Kasabay nito, nagkaisa
pansamantala ang kilusang pangkalayaan ng mga Hindu at mga Muslim at lumakas ang hangad nila na mabigyan
sila ng karapatang mamahala sa sarili. Nanguna si Gandhi sa kilusan at isinulong ang pamaraang matahimik ayon
sa ahimsa o non-violence
3. Nais ding sumali ng ibang mga Pilipino sa Unang Digmaang Pandaigdig at itinaguyod ni Gobernador Heneral
Francis Burton Harrison at Manuel Luis Quezon ang Guardia Nacional ng Pilipinas. Ang pagtaguyod ng Guardia
Nacional ay upang maipakita sa United States at buong daigdig na handa na ang Pilipinas sa kasarinlan. Nais
ipakita ng mga Pilipino na handa na silang ipagtanggol ang sarili at sumali sa mga kaganapan sa Daigdig. Hindi
naman sila naipadala sa Europa dahil sa kakulangan sa pondo at suporta galing sa United States
4. Isa pang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga Kanluranin sa Kanlurang Asya. Nanatili
ang mga lokal na pamunuan ngunit hawak ito ng mga dayuhan, lalo na ang aspektong pangekonomiya.
IKALAWANG DIGMAAN (WW2)
1. Ang pag-atake ng mga Hapones, ay ikinabigla ng United States at iba pang mga bansang kaalyado nito. Bumagsak
ang England, Netherlands, at United States. Mabilis ang pananakop ng Japan sa Timog Silangang Asya at sa
Pilipinas lang ito bumagal dahil nahirapan ito nang husto. Sa pagbagsak ng Bataan noong Abril 9, 1942 at
Corregidor noong May 6, 1942, ganap na ang pagsakop ng Japan sa Timog Silangang Asya.
2. Dahil sa Digmaan, maraming mga lungsod ang nasira sa Asya. Milyon-milyong mamamayan ang namatay. Hirap
at taggutom ang sinapit ng mga napinsala ng Japan. Binago ng pagkatalo ng Japan sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ang dating pagtingin ng mga Hapones sa kanilang emperador bilang isang divine being o maladiyos at
kinilala na lamang siyang ordinaryong tao bagama’t simbolo pa rin siya ng Japan.
3. Nagkaroon ng malaking problema sa ekonomiya ng rehiyon ng Timog Silangang Asya dahil sa malawakang
pagkukulang sa iba’t ibang klaseng materyales at pagkain na kinukuhaan ng Japan. Masama rin ang pagtrato ng
mga sundalong Hapones sa kapwa niya Asyano. Hindi nagtagal, nagkaroon ng kilusan laban sa Japan ang
Pilipinas.
4. Nakabangon kaagad ang United States sa trahedya ng Pearl Harbor. Unti-unting natalo ang Japan sa labanan sa
Pacific. Dahan-dahan napalaya ng mga Allies ang mga sinakop na teritoryo ng Japan sa Timog Silangang Asya.
5. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng digmaang sibil o civil war ang bansang China. Naglabanan ang mga
komunista sa ilalim ni Mao Zedong at ang mga puwersang nasyonalista sa ilalim ni Chaian Kai ShekGawaiin 1.
Kilalanin mo ako!
Panuto. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay karanasan o implikasyon sa Unang Digmaang Pandaigdig at ekis(x) kung sa
Ikalawang Digmaan Pandaigdig.
___ 1. Itinatag ang League of Nations upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Ang Japan ang
tanging miyembro nito na galing sa Asya.
___ 2. Nagkaroon ng malaking problema sa ekonomiya ng rehiyon ng Timog Silangang Asya.
___ 3. Biglaan ang paglusob ng mga Hapones nang sa gayon ay maparalisa nito ang hukbong pandagat ng U.S. na
noon ay nakabase sa Pearl Harbor sa Hawaii.
___ 4. Nagkaroon ng labanan sa Asya dahil sa spheres of influence at interes ng mga Kanluranin sa China.
___ 5. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng digmaang sibil o civil war ang bansang China.
___ 6. Isa pang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga Kanluranin sa Kanlurang Asya
___ 7. Ang pagtaguyod ng Guardia Nacional upang maipakita sa United States at buong daigdig na handa na ang
Pilipinas sa kasarinlan.
___ 8. Nilusob ng Japan ang Manchuria noong Setyembre 1931.
___ 9. Maraming mga lungsod ang nasira sa Asya at milyon-milyong mamamayan ang namatay na dinulot ng
Japan.
___ 10. Maraming mga Indian ang dinala sa mga labanan sa ilalim ng mga opisyal na English.
Gawain 2. Tama o Mali
Panuto. Isulat sa inyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama at isulat naman
ang salitang MALI kung ito ay hindi totoo.
1. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbago ang balance of power sa Asya.
2. Lumakas ang nasyonalismo ng China at India.
3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaidig, pumasok ang mga Kanluranin sa kanlurang Asya upang malinang
ang langis. Ipinatupad nila ang sisitemang mandatosa rehiyon na kontrolado nila.
4. Bungang Great Depressionna nag-umpisa noong 1929 sa U.S., naghirap ang ekonomiya ng China at
pagpapalakas ng militar upang manakop ang nakita nitong solusyon.
5. Lumalim ang krisis sa Asya noong sumali sa Axis Powers ang Japan at nagpahayag ito ng New Order in Asia o
Bagong Kaayusan sa Asya. Inihinto naman ng United States ang pagluluwas ng langis at iba pang
estratehikong likas na yaman sa Pilipinas.
6. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumakas ang sosyalismo sa Timog Silangang Asya. Naghirap ang
maraming bansa sa ilalim ng Japan.
7. Dahil sa lakas ng mga kilusang nasyonalista at pangkalayaan, nakamtan ng maraming bansang Asyano ang
kasarinlan pagkatapos ng digmaan.
8. Sa kabuuan, nanghina lahat ng bansang European dahil sa tagal, hirap, at gastos ng digmaan. Samantalang,
lumakas naman ang United States at Japan.
9. Maraming lungsod ang nasira sa Asya. Milyun-milyong mamamayan ang namatay, hirap at taggutom ang
sinapit ng mga napinsala ng Japan.
10. Napabilis ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang paglaya ng Timog Silangang Asya

You might also like