Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 7 (MODULE 2)

Resulta at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Asya

• Lumaya ang Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.


• Ipinahayag ng Vietnam at Indotsina ang kanilang kalayaan noong 1945, ngunit hindi kinikilala ng France.
• Ipinagkalooban ang Malaysia at Burma ng kalayaan mula sa mga British.
• Ipinaglaban ng Indonesia ang kanilang kalayaan laban sa mga Dutch.
• Sa India, Lalong sumidhi ang kampanyang pangkalayaan ngunit hati ang mga grupong Hindu at Muslim.
• Sa pagkatalo ng Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig nabuwag ang hukbong sandatahan at naging
demokratiko matapos pirmahan ang Peace Treaty noong 1952.
• Sa pagkakaroon ng Digmaang Sibil sa China, at sa pagkatalo ng Kuomintang, tumakas si Chiang Kai-Shek
patungo ng Taiwan.
• Ang kabuoan ng China ay napasakamay ng mga komunista at itinatag ni Mao Zedong ang People's Republic
of China.
• Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, nahati ang Korea sa dalawang bansa. Niyakap ng Hilagang
Korea ang ideolohiyang komunismo at demokrasya naman ang Timog Korea.
• Matapos ang digmaan, Itinatag ang United Nations noong 1945 upang mapanatili ang kapayapaan.

GAWAIN 1
PANUTO: Pumili ng dalawang bansa sa kanluranin at tukuyin ang mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
na sinakop nito sa pamamagitan nang pagguhit ng watawat ng mga kanluranin at ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.
GAWAIN 2
PANUTO: Dugtungan ang mga sumusunod na mga salaysay sa mga patlang na nakasulat sa may kahon.

GAWAIN 3
PANUTO: Punan ang Concept Map ng mahahalagang impormasyon ukol sa resulta at implikasyon ng Digmaang
Pandaigdig sa Asya.
GAWAIN 4
Tama o Mali. Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay nagpapaliwanag ng wastong ideya at isulat naman ang
Mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ang Pilipinas ay lumaya noong Hulyo 4, 1946 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
______2. Nabigyan naman ng kalayaan ang Burma/ Myanmar at Sri-Lanka noong 1948 na ipinagkaloob ng Estados
Unidos.
______3. Naging Komunistang bansa ang Timog Korea at Republika naman ang Hilagang Korea pagkatapos ng
digmaan.
______4. Noong taong 1997, nagkaroon ng krisis pang-ekonomiya sa Asya na nakaapekto nang matindi sa Japan,
Timog Korea, Thailand, Malaysia at Indonesia.
______5. Matapos ang digmaan, Itinatag ang United Nations noong 1945 upang mapanatili ang kapayapaan.

Lagyan ng tsek (✓) kung ang pahayag ay iyong sinasang-ayunan at ekis (X) naman kung hindi mo ito sinasang-
ayunan.

_____6. Nasyonalismo ang naging tanging tugon ng mga Asyano sa pananakop ng mga kanluranin.
_____7. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ipinatupad ng mga kanluranin ang Batas Militar sa buong
Asya.
_____8. Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakamit ng mga bansa sa Asya ang kalayaan.
_____9. Malaki ang papel na ginampanan ng United Nations pagkatapos ng digmaan at hanggang sa kasalukuyan.
_____10. Ang damdaming pagkamakabansa ay kailangang ipakita sa lahat ng oras.

You might also like