Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Daga at ang Leon

May isang daga na nagpasyang maglaro sa ibabaw ng natutulog na leon. Inakyat


niya ang likod ng leon at pagdating sa tuktok ay nagpapadausdos siya pababa.

Sa sobrang saya ay hindi niya napansin na nagising ang leon. Agad siyang hinuli
ng leon at hawak-hawak sa buntot niya.

Natakot ang daga at nagmakaawa. “Patawarin mo ako kaibigan. Hindi ko sinadya


na gambalain ka habang natutulog ka. Wala akong masamang intensyon. Nag-
enjoy lang ako sa paglalaro sa likod mo. Huwag mo akong kainin,” sabi niya.

Nakita ng leon ang pagmamakaawa sa mukha ng daga. “Sige, pakakawalan kita


pero huwag mo nang ulitin ang paggambala sa akin habang natutulog ako,” sabi ng
leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay mababayaran ko rin ang kabutihan mo,” sagot
ng daga.

Lumipas ang ilang araw at sa paglalakad ng daga sa gubat ay nakita niya ang isang
lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang tingnan at agad niyang nakilala
ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawa ng mga mangangaso.

Mabilis na inakyat ng daga ang puno at kinagat-kagat niya ang lubid na nakakabit
sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ng
leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan niya ang leon na
makalabas sa lambat.

“Utang ko sayo ang buhay ko,” sabi ng leon kay daga bilang pasasalamat.

You might also like