Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
School Division of the City of Mati
MATI NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
School ID: 304325
Mangga St., Brgy. Sainz, Mati City

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Pang-araw-araw
na Tala ng Paaralan Mati National Antas Ikasiyam na
Pagtuturo Comprehensive High Baitang
School

Guro Heljane I. Guero Asignatura Filipino 7

Petsa Pebrero 26, 2024 Markahan Ikatlong


/Oras 7:30-8:30 n.u Markahan
8:30-9:30 n.u
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa akdang pampanitikan ng Luzon.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol
Pagganap sa kanilang sariling lugar.
C. Mga Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang maikling
Kasanayan sa kuwento. F7PN-III-h-I-18
Pagkatuto
II. NILALAMAN Maikling Kuwento/Dula

A. Kagamitang Powerpoint presentation, aklat, video clip, laptop, speaker, telebisyon, biswal na
Panturo pantulong.

B. Sanggunian

Online Source: https://youtu.be/5AcS_aZO3IQ?si=K7fM6LGx-nrjnpX7


III. YUGTO NG
PAGKATUTO
A. Balik-aral
Magtatanong ang guro tungkol sa nakaraang talakayan.
a. Ano ang ating tinalakay noong nakaraang talakayan?
b. Ibigay ang kahulugan ng paghihinuha.
c. Magbigay ng pangungusap gamit ang salitang paghihinuha.
B. Pagganyak Magpapakita ang guro ng mga larawan.
Ang mga mag-aaral ay ihahambing ang dalawang larawan.
Magtatanong ang guro:
a. Kilala ba ninyo ang mga taong nasa larawan?
b. Ihambing ninyo si Andrea at si Francine, ano ang
pagkakaiba at pagkakatulad nilang dalawa?
c. Sa tingin, ninyo ano kaya ang ating tatalakayin ngayong
umaga?

Andrea Brillantes Francine Diaz

C. Paglalahad ng Video clip


bagong Matapos maipakita ang video, ipapaliwanag ng guro ang paghahambing.
konsepto Paghahambing-Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng
katangian ng tao, bagay, hayop, ideya at pangyayari. Naghahambing ng dalawang
magkaibang antas o lebel ng katangian ng tạo, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
May dalawang uri ang kaantasang pahambing.
May dalawang uri ang kaantasang pahambing. Paghahambing na magkatulad at
di-magkatulad.

Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, ga, sing kasing-, magsing,
magkasing – at mga salitang paris, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/
kahawig, mistula, at mukha/ kamukha.

MGA HALIMBAWA
1. Si Rama at Lakshamanan ay magkasingkisig.
2. Si Hanuman ay tulad ng isang malakas na mandirigma.
3. Mistulang diwata ang kagandahan ni Sita.
(ang panlaping magkasing-, mistula at tulad – ay nangangahulugang kaisa o
katulad)

Paghahambing na Di-Magkatulad
Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat sa pinatutunayang
pangungusap. Ginagamitan ng mga salitang di-gaano, di-gasino, di-totoo, lalo,
di-hamak, kaysa, kaysa sa, kay, higit, at labis.

Halimbawa: Di-gaanong mapayapa sa Lanka kaysa Ayodhya.


Halimbawa: Lalong kahanga-hanga ang katapangan ni Rama kaysa kay Maritsa.
Mga Halimbawa:
1. Higit na malakas si Rama kaysa kay Ravana.
2. Labis ang pagmamahal ni Rama sa kanyang asawa na si Sita.
D. Paglalapat
Ayon sa napanood at napakinggang kuwento, ihahambing ng mga mag-
aaral ang katangian ng mga tauhan.
Mayroong inihandang mga paper strips ang guro nakasulat ang mga
katangian ng bawat tauhan ng kuwento. Ididikit ng mga mag-aaral ang mga
paper strips sa venn diagram upang makabuo sila ng paghahambing.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

Ganay na tanong:
a. Ano ang pagkakaiba ng mga tauhan?
b. Ano ang kanilang pagkakatulad
c. Bakit palaging tinatago ng batang babae ang kaniyang baon?
d. Paano nila nalaman na nagsisinungalin pala ang batang babae?
E. Pagpapahalaga Bilang mag-aaral gaano kahalaga ang paghahambing ng katangian
ng mga tauhan?
F. Paglalahat Dugtungan Mo!
Bilang paglalahat ang guro ay magbibigay ng isang parirala
at dudugtungan ito ng mag-aaral.
Ang paghahambing ay_______________________________.

IV. PAGTATAYA Video clip


Panuto: Bumuo ng isang talata, ihambing ang mga katangian ng mga
tauhan sa kwentong napanood.
V. TAKDANG- Panuto: Manood ng isang maikling kwento sa youtube, subukang bigyan
ARALIN ito ng sariling wakas.

Inihanda ni: Namasid ni:

HELJANE I. GUERO JESEBEL O. KALI


Estudyanteng Guro Gurong Tagapagsanay

You might also like