Professional Documents
Culture Documents
PPITP Final PT1
PPITP Final PT1
Panuto: Sa pamamagitan ng mga kaalamang ibinahagi sa talakayan, suplayan ang mga hinihinging
impormasyon upang mabuo ang konseptong papel bilang panimulang plano sa gagawing sulating
pananaliksik. Sa dulo ay ilagay ang screen shot ng online/ meeting o convo na nagpapakita ng
kolaborasyon sa pagbuo ng aktibidad. Ang aktibidad ay ipapasa hanggang Abril 4, 2024 LAMANG.
Halimbawa:
Napakalaki ng epekto na idinulot ng pandemya hindi lamang sa kabuhayan ng tao kundi maging sa
sistema ng edukasyon sa bansa. Ang biglaang pagbabago mula sa nakagisnang paraan ng pagkaklase ay
nagdulot ng malaking suliranin hindi lamang sa paaralan kundi lalo na sa mga mag-aaral. Batay sa
framework na inilabas ng UNESCO, UNICEF, WB, WFP, UNHCR, noong June 2020 tungkol sa
pagbubukas ng paaralan, sinasabi na ang matagalang pagtigil sa pagdaraos ng klase sa paaralan ay
nagdulot ng malalang epekto sa pagkatuto ng mag-aaral. Nagiging lantad din ang mga kabataan sa iba’t
ibang uri ng pang-aabusong sekswal sa paraang online at offline, maagang pagbubuntis at pagpapakasal,
karahasan at iba pang kauri nito. Binigyan diin din ng UNESCO ang kakulangan sa paggabay, pakikipag-
ugnayang sosyal at mga estratehiyang pampagkatuto lalong lalo na sa mga mag-aaaral sa elementarya sa
kasalukuyang paraan ng pag-aaral. Ang mga ganitong problema marahil ang dahilan kaya maigting ang
pagnanais ng DepEd na maituloy na ang face-to-classes. Mas maraming nalalaman o natututuhan ang
mga bata sa harap-harapang pag-aaral. Mas madali silang matuto kung nasa paaralan at nakikipagtagisan
sa kapwa mag-aaral.
Naglabas ang DepEd-DOH ng guidelines sa ligtas na pagpapatupad ng F2F class na inaprubahan ni
Pangulong Rodrigo Duterte. ayon kay Education Secretary Leonor Briones. Ayon kay Education
Secretary Leonor Briones, ito’y isasagawa lamang sa mga lugar na may minimal risk ng COVID-19
infection. Ang mga nasabing lugar ay tutukuyin ng Department of Health at DepEd.
Dahil dito, mahalagang malaman ng mga mananaliksik ang pananaw at kahandaan ng mga mag-aaral sa
Senior High School sa ating pamantasan, New Era University-Pampanga, partikular sa nasa ika-11
baitang sa taong pampanuruan 2021-22 tungkol sa nalalapit na pagbabalik sa face-to-face na klase.
Sanggunian: DepEd-DOH Joint Memorandum Circular No. 01, s. 2021
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: