ALS AE JHS Reading Passage 1 Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DEL NORTE

ALS A&E JHS Level


PPA 5 SY 2023-2024
Basahin ang seleksyon at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
"Ang Kasaysayan ng Tacloban"
Ang Tacloban ay kabisera ng lalawigan ng Leyte. Ang Leyte ay
matatagpuan sa Rehiyon 8 ng Pilipinas na bahagi ng Silangang
Visayas.
Ang Tacloban ay unang nakilala bilang Kankabatok, na ang ibig
sabihin ay "pag-aari ng mga Kabatok". Kabatok ang tawag sa mga
unang naninirahan dito. Mayaman sa yamang tubig ang lugar na ito.
May ginagamit silang isang uri ng basket na panghuli sa mga isda at
alimango. Ang tawag nila dito ay "Taklub". Kapag may mga darayo sa
lugar, ang sinasabi nila ay pupunta sila sa "tarakluban". Pagtagal ay
tinawag din itong Tacloban.
Ang Tacloban ay nakilala dahil sa ginampanang papel nito
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito naganap ang tanyag na
pagbabalik ni General Macarthur. Naganap ito sa baybayin ng "White
Beach" ng Tacloban. Dito rin nagtayo ng base-militar ang pwersa ng
mga Amerikano at ang bayang ito ay ang unang napalaya mula sa
mga puwersa ng mga Hapon. Naging pansamantala itong kapital ng
Pilipinas habang ang Maynila ay nasa kapangyarihan pa ng mga
Hapon.
Sa syudad na ito nanggaling ang dating Unang Ginang ng
Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos. Ang Pamilya Romualdez ay
isa sa mga kilalang pamilyang politiko sa lugar. Ang pangalan ng
paliparan sa Tacloban ay Romualdez airport.
Kakaunti lang ang nakaka-alam kung kailan naging
munisipalidad ang Tacloban dahil ang mga dokumentong
nakapagpapatunay rito ay nasira ng bagyo. Pero marami ang
naniniwala na ang Tacloban ay opisyal na na- iproklamang
munisipalidad noong 1770.

1. Sa anong pangalan unang naging kilala ang Tacloban?

2. Ano ang tawag sa mga naninirahan dito?

3. Anu-ano ang mga ginampanang papel ng Tacloban noong Ikalawang


Digmaang Pandaigdig?

Page PAGE

Address: Mankilam, Tagum City, Davao del Norte 1 of 1


Telephone Number: (084) 216-6742 | Telefax (084) 216-6506
Website: www.depeddavnor.ph | Facebook: DepEd Davao del
Norte

You might also like