Grade 9 - IKATLONG MARKAHAN

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHAN SA

ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan:______________________________ Petsa____________ Iskor: __________


Guro:________________________________
GENERAL INSTRUCTION:
✓ Write your answers clearly. As in malinaw. Hindi tulad ng feelings niya sa'yo. Magulo na, malabo pa
✓ Do not cheat o huwag mangopya. Huwag tumulad sa ex mong akala mo loyal, manloloko pala.
✓ Kailangang tapusin ang exam sa loob ng isang oras. Dapat daw alam mo kung kailan ka
susuko.Kapag tapos na, tapos na!
✓ Matutong mapagod kapag sagad na sagad na. Maging tapat din sa pagsagot ng exam gaya ng
ginawa mo kaya kayo nag-break. Pero ayos lang 'yan. Ang mahalaga, alam mong naging tapat ka.
✓ Piliin lang ang best answer. Huwag daw magsayang ng oras at effort sa maling tao. Ang piliin mo,
'yung worth it.

Test I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan. Pag mali ang
sagot, ay mali na ito, huwag mo nang ipaglaban pa ang mali dahil sa huli masasaktan ka lang.
Sagutin mo nang maayos, huwag mong paglaruan ang test paper, dahil wala naman siyang
ginagawang mali sa'yo.

1. Si Mrs. Park ay isang Koreana na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Saan dapat isinasama
ang kanyang kinikita dito sa Pilipinas kahit na siya ay isang Koreana?
A. Sa Gross Domestic Product ng Korea dahil mamamayan siya nito
B. Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
D. Sa Gross Domestic Product ng Korea at Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa?
A. Gross Domestic Product
B. Gross National Income
C. Expenditure Approach
D. Income Approach
3. Ayon kay Villegas at Abola (1992), mga Pilipinong Ekonomista, may tatlong paraan sa
pagsukat ng Gross National Income. Alin ang hindi kabilang?
A. Industrial Origin Approach
B. Expenditure Approach
C. Income Approach
D. Expenditure-Income Approach
4. Ayon sa DTI, dumami ang mga nagtayo ng online business simula ng nagkaroon ng
pandemya. Ang kita ng mga online business ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita
sa paraan ng:
A. Expenditure Approach
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin Approach
D. Income Approach
5. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National
Income (GNI) nito.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI
C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GNI
D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI
6. Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita ng bawat bansa?
A. Upang magkaroon ng datos ukol dito
B. Upang malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.
C. Upang makaiwas sa pagkalugi ang mga negosyante
D. Upang magsilbing basehan kung sino ang pinakamayaman na bansa
7. Alin sa mga sumusunod ang uri ng pagsukat ng GNI na tumutukoy sa pagbaba ng halaga
ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma at bunga rin ng tuloy tuloy na pagamit paglipas ng
panahon.
A. Sahod ng mga Manggagawa
B. Net operating Surplus
C. Depresasyon
D. Di-tuwirang Buwis

8. Ang subsidiya ay:


A. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang mapataas ang sahod ng manggagawa
B. Salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit
na produkto o serbisyo.
C. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang mabawasan ang gastusin ng pamahalaan
D. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang dumami ang proyekto ng pamahalaan
9. Ito ay isa sa paraan ng pagsukat ng pambansang kita kung saan ito ay nabibilang sa
paraan ng paggastos (expenditure approach) na tumutukoy sa mga gastusin ng mga
mamamayan tulad ng pagkain, damit at serbisyo.
A. Gastusin ng pamahalaan
B. Gastusin ng mga namumuhunan
C. Gastusing personal
D. Gastusin ng panlabas na sector
10. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga Overseas Foreign Workers (OFW)
B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo
C. Maayos ng pamumuno ng pamahalaan sa pamumuhunan
D. Wala sa mga nabanggit
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang pinagagamitan ng pera?
A. ginagamit sa pagpapalago ng negosyo
B. ginagamit upang maubos at kumita pa ng mas maraming pera
C.ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan
D. ginagamit upang matupad ang mga pangarap sa buhay
12. Ang pagkonsumo ng salapi ay kinakailangan ng matalinong pag-iisip at pagdedisisyon
upang ________________.
A. mapakinabangan nang husto at walang nasasayang
B. mabili lahat ang pangangailangan at kagustuhan
C. matupad lahat ang mga pinapangarap at inaasam sa buhay
D. maging masaya at makuntento sa araw araw na buhay
13. Ito ay halagang tinatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ipinagkaloob.
A. pondo
B. ipon
C. regalo
D. Kita
14. Sa mga nagtatrabaho o mga empleyado, ano ang tawg sa natatanggap nilang kita?
A. komisyon
B. suweldo o sahod
C. renta
D. ganansiya o interest
15. Ayon kay Roger E. A. Farmer (2002) ang savings daw ay paraan sa pagpapaliban ng
___________?
A. pagkukuwenta
B. pag-iimpok
C. paggastos
D. pagkonsumo
16. Ano ang kahulugan ng Implasyon?
A. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
B. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
C. Pagbaba ng halaga ng salapi.
D. Pagtaas ng halaga ng salapi.
17. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon
B. Resesyon
C. Depresasyon
D. Implasyon
18. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?
A. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe.
B. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
C. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
D. Mataas na halaga subalit bawas na produkto at serbisyo.

19. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?


A. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na
ginagamit niya.
B. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito aynauusong gadget ng mga
kabataan ngayon.
C. Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
D. Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng
produkto.
20. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas
ang suliraning dulot ng Implasyon?
A. Pagbili lamang ng mga bagay na kailangan
B. Pag-aaral nang mabuti
C. Pamumuhunan
D. Pagiging magastos

Test II. Matching Type


Panuto: Piliin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
__________1. Ang tawag sa may ari ng salik ng produksyon na kadalasan ay binubuo
....................... ng isang tao o pamilya A. Bahay-Kalakal
__________2. Kita ng pamahalaan mula sa buwis B. Buwis
__________3. Ito ang bahagi ng kita ng sambahayan na hindi ginagastos
C. Impok O Savings
__________4. Tawag sa ugnayan ng bahay kalakal at sambahayan
D. Interdependence
__________5. Ang sektor na ang pangunahing gawain ang pag-iimpok at
......................pamumuhunannamamahala sa gawain ng pag-aangkat (import) at E. Kalakalang Panlabas
......................pagluluwas ng produkto (export) F. Makroekonomiks
_________6. Ang sektor ng Bangko Sentral ng Pilipinas at mga bangko, kooperatiba, G. “Open Economy”
.....................sanglaan at stock market
H. Pamilihan Ng Produkto At
_________7. Sektor na kung saan binibenta ang produkto at serbisyo Serbisyo
_________8. Nagbibigay ng serbisyong pampubliko sa bahay-kalakal at sambahayan I. Pamilihan Ng Mga Salik Ng
_________9. Ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa Produksyon
________10. Uri ng pamilihan kung saan ang lupa, kapital, paggawa at entrepreneur J. Pamilihang Pinansiyal
________11. Ang tawag sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa K. Panlabas Na Sektor
..................sa pamamagitan ng pagluluwas ng produkto at serbisyo sa ibang bansa
L. Public Revenue
________12.Ang inilalarawan ng Ikalimang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
M. Private Revenue
________13.Ang tawag sa pera na kinokolekta ng pamahalaan para sa paggamit at
.................suporta ng pampublikong paglilingkod N. Pamahalaan
________14. Ang sangay ng pag-aaral sa ekonomiks nanakatuon sa pag-aaral ng O. Sambahayanan
.................kabuuan ng pang-ekonomikong kalagayan ng buong lipunan P. Simpleng Ekonomiya
________15. Sektor ng ekonomiya na may tungkulin nito ang lumikha ng mga produkto Q. Tubo At Sahod
Test IV. IKOMPYUT (5 Points bawat bilang/ Walang solusyon, walang puntos)
Panuto: Kompyutin ang inflation rate ng mga sumusunod na sitwasyon. Ilang bahagdan (porsiyento) kaya
ang itinaas ng mga produkto na nabanggit sa ibaba. Gamitin ang formula ng Inflation Rate

1. Kung ang presyo ng bangus noong taong 2008 ay Php140 /kilo, gaano kalaki ang itinaas nito kung ang
kasalukuyang presyo ay Php185 /kilo?

2. Si Aling Kathryn malimit na bumibili ng isang sako ng bigas sa presyo na Php40 /kilo. Ngayon, ang
kaniyang binibili ay kalahating sako na lang dahil umaabot na Php60 /kilo ang presyo ng bigas.

3. Kapag sumasapit ang pasko, tumataas ang presyo ng manok sa pamilihan dahil mataas ang demand.
Mula sa 160.00 per kilo umaabot na ito ng 190.00 per kilo. Kaya nagbabala ang DTI sa mga
mapagsamantalang negosyonte na may karampatang parusa sa gagawa nito.

You might also like