Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

E’TIKAF
Ang katagang E’TIKAF (‫ )االعتكاف‬ay wikang arabe na ang ibig-sabihin
ay: Pananatili(1).
At sa terminolohiya ng mga Fuqaha ay: Pananatili sa masjid bilang
pagsamba kay Allah (Subhanahu wa Taala)(2).
Ang E’tikaf ay nabanggit sa Qur’an, sa Sunnah, at ito ay Ijma’. Sinabi
ni Allah (Subhanahu wa Taala):
]َ 125َ:‫ﱩﯨ ﯩ ﯪ ﯫ ﯬ ﯭ ﯮ ﯯ ﯰ ﯱ ﯲﱨَ[البقرة‬
“At ipinahayag Namin kay Ibrahim at Islmael ang dalisayin nila ang Aking
tahanan (ang Masjid Al-haram) para sa mga nagta-tawaf, at sa mga nag-
ee’tikaf, at sa mga nakayuko at nakatirapa (o mga nagsa-salah).” At sa
Sunnah, ay sinabi ni Ibn Omar (RadiyAllahu anhu):
ُ ‫َي معتك‬-‫صلَّىَهللاَُعلميهَوسلَّ َم‬-َ‫َاَّلل‬
َ،2025َ:‫»َ[البخاري‬.َ‫فَالع مشرَاْلواخرَم منَرمضان‬ َّ ‫ول‬ُ ‫«كانَر ُس‬
َ َ]1171َ:‫مسلم‬
“Ang Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) ay nag-ee’tikaf sa sampung
mga huli (na araw) ng Ramadan.” At ito ay Ijma’(3).
At ang layunin ng pagsasagawa ng E’tikaf, ay upang mapalayo sa
lahat ng makamundong-bagay at mapalapit kay Allah (Subhanahu wa Taala).
Sinabi ni Ibn Rajab:
ََ‫»َ[لطائف َاملعارف‬.َ‫َقَ َطم َُع َالعًَلَئَقَ َعَنَ َاخلًَلَئَقَََلًَلَتَصَالَ َبَ مَدمَةَ َاخلَالَق‬:ُ‫«مَ مَعنَ َاَلَ مَعتَكَافَ ََوحَقَميَقََتَُه‬
َ َ]191َ:‫َلبنَرجب‬
“Ang kahulugan ng E’tikaf at katunayan nito ay: ang pagputol sa mga
ugnayan sa mga nilikha upang maiugnay sa paglilingkod sa Lumikha (na si
Allah).”
ILANG BATAS SA E’TIKAF AYON SA ATING MGA ULAMA:

(1) Lisanol Arab, Ibn Mandhoor: 9/255


(2) Al-rawdol Murbe, Al-buhutiy: 242
(3) Al-majmu, Annawawiy: 6/475

116
 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

• Ang hatol ng E’tikaf ay Sunnah. At iyan ay Ijma’(1).

• Kundisyon ang Niyyah (intensyon). Iisipin na ang pananatili sa


masjid ay bilang pagsamba kay Allah (Subhanahu wa Taala). Sinabi
ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
ُ ‫«إََّّناَاْل معم‬
َ]1907َ:‫َمسلم‬،1َ:‫»َ[البخاري‬.َ‫الَِبلنيَّات‬
“Tunay na ang mga gawain ay (batay) sa mga intensyon.”

• Ang E’tikaf ay maaari kahit sa anong panahon, at mas mainam sa


Ramadan. At iyan ay gayundin na Ijma’(2). At ang pinakamainam ay
sa sampung mga huling araw ng Ramadan.

• Ang E’tikaf ay hindi maaaring isagawa maliban sa masjid. At iyan ay


gayundin na Ijma’(3).

• Kundisyon sa masjid na pagsasagawan ng E’tikaf ng lalaki na ito ay


dapat na pinagsasagawan ng Salatol Jamaah, sapagkat kung hindi
ito pinagsasagawan ng Salatol Jamaah ay mapapadalas ang
paglabas ng nag-ee’tikaf upang magsagawa ng Salatol Jamaah,
sapagkat obligado ang Salatol Jamaah sa mga kalalakihan(4). Subalit
hindi kundisyon na ang masjid ay pinagsasagawan ng Salatol
Jumuah(5). At ang kaibahan ng Salatol Jamaah at Salatol Jumuah, ay
sa Salatol Jamaah ay mapapadalas ang paglabas, di tulad sa Salatol
Jumuah na isang beses lamang.

• Maaaring mag-e’tikaf ang babae sa kundisyon na siya ay nasa


kalagayan na hindi sa kanya bawal ang pagpasok sa masjid, at
walang ring maidudulot na tukso, at kung may asawa ay dapat ay
pinahintulutan ito ng kanyang asawa.

(1) Attamheed, Ibn Abdil Barr: 23/52


(2) Kash-shafol Qina, Al-buhutiy: 5/358
(3) Aljame li Ahkamil Qur’an, Qurtubiy: 2/333
(4) Al-kafiy fi Fiqhil Imam Ahmad, Ibn Qudamah: 1/455
(5) Al-mugniy, Ibn Qudamah: 3/66

117
 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

• Kung sakaling datnan ng buwanang-bisita ang babaeng


nagsasagawa ng E’tikaf, ay mawawalan na ng bisa ang kanyang
E’tikaf, at kinakailangan na niyang lumabas sa masjid, dahil hindi
ipinapahintulot sa babaeng may buwanang-bisita ang manatili sa
masjid.

• Hindi kundisyon sa masjid na pagsasagawan ng E’tikaf ng babae na


ito ay pinagsasagawan ng Salatol Jamaah, sapagkat hindi naman
obligado ang Salatol Jamaah sa mga kababaihan(1).

• Maaaring tumangi ng isang banda o lugar sa masjid kapag


magsasagawa ng E’tikaf. At maaaring gumamit ng kulandong (Tent),
sa kundisyon na ito ay hindi magpapasikip at hindi magiging sagabal
sa loob ng masjid(2).

• Hindi maaaring lumabas ang sinumang nag-ee’tikaf maliban kung


ito ay kailangan talaga. Tulad ng pagpunta sa palikuran, pag-
aablusyon, pagkuha ng makakain, at kung may maghahatid sa
pagkain ay mas mainam. At ang paglabas sa masjid nang walang
mahalagang dahilan ay nakakasira ng E’tikaf.

• Hindi maaari sa sinumang nagsasagawa ng E’tikaf ang pakikipagtalik


sa asawa. Halimbawa ay uuwi ng bahay upang makipagtalik sa
asawa. O anumang gawain na magreresulta ng pagtatalik. At iyan ay
Ijma’(3).

• Walang problema sa pakikipag-usap sa mga kasamang nagsasagawa


rin ng E’tikaf, o kung may dumating upang siya ay kausapin. Subalit
kung ito ay humaba at rumami ay magiging makrooh (o di kanais-
nais).

• Maaaring matulog sa masjid ang nagsasagawa ng E’tikaf. At iyan ay


kung kakailanganin niya ito, tulad kung magpapahinga. Subalit kung

(1) Al-kafiy fi Fiqhil Imam Ahmad, Ibn Qudamah: 1/455


(2) Zadol Maad, Ibnol Qayyim: 2/85-86
(3) Al-ijma, Ibnol Mundhir: 50

118
 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

ang ipinunta lamang sa masjid ay upang matulog, ay tataliwas iyan


sa layunin ng E’tikaf.

• Ang pinaka-maikling oras ng pagsasagawa ng E’tikaf ay ang


masabing ikaw ay nanatili sa masjid, o malagpasan nito ang
nakasanayang pananatili sa masjid. At walang hangganan kung
gaano ito katagal.
KAPATID, kung atin lamang pagninilayan, ang E’tikaf ay
napakagandang paraan upang tayo ay mapalayo sa lahat ng dungis ng mga
makamundong-bagay, at upang tayo ay makapaglaan ng oras para sa ating
Tagapaglikha, na si Allah (Subhanahu wa Taala), na ito rin ay kabilang sa
mga kaugalian at gawain ng mga Salaf, at una na diyan ang Rasulullah
(SallAllahu alayhi wa sallam), tulad ng tanyag na naiulat hinggil sa Kanyang
kasaysayan na Siya ay pumupunta sa isang kuweba sa Makkah upang
mapag-isa at makapaglaan ng oras para Kanyang Panginoon.

***

119

You might also like