Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Nader, Nadzmah M.

FIL101 (Uu4)

PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING KULTURA AT KULTURA NG IBA

Ang pagpapahalaga ng isang tao sa sariling kultura at sa kultura ng iba ay maaari niyang
ibatay sa mga sumusunod:

1. Noble Savage - Dito tanggap niya kung ano siya. Hindi ikinahihiya kung ano siya.

Hal: tanggap na tanggap ko na ako ay isang meranaw at hindi ko ito ikinahihiya. Tanggap ko
kung ano ang mga kultura namin bilang tribong meranaw kasi kung hindi mo kayang taggapin ay
parang hindi mo na rin tanggap ang mga magulang mo.

2. Ethnocentrism - Paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at nakahihigit sa ibang
kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin ng iba.

Hal: yung kapag tayo ay kumakain, syempre may iba't ibat tayong kultura kung ano yung
nakasanayan natin kasi kaming mga meranaw, sanay kaming kumain na nag-kakamay kasi
parang don kami maginhawa at sa ibang tribo naman ay gumagamit ng kutsara at tinidor.
Irespeto nalang natin ang bawat isa na wag na tayong maghusga ng kultura ng iba. May kani-
kaniya kasi tayo ng kultura.

3. Cultural Relativity - Pag-unawa ito sa ibangkultura. Dito, tinitingnan ang lahat ng kultura
bilang pantay-pantay, walang superyor at imperyor. Kabaligtaran ito ng ng ethnocentrism.

Hal: Kung ang ibang tribo ay pinaniniwalaan nila na ang kanilang diyos ay si Jesus at ang mga
muslim naman si Allah ang aming pinaniniwalaan, huwag na natin yung husgahan dahil may
iba't-iba tayong paniniwala pagdating sa relihiyon. Ang mas mabuti sa atin ay ang pag-unawa at
pagrespeto sa mga kapatid nating mula sa ibang tribo.

4. Xenocentrism - Ang mga banyagang tao, lugar, at Bagay ay maganda at ang lokal o sariling
kanya ay pangit. Pagmamahal ito sa imported na bagay.

Hal: Yung mga gadget na ginagamit natin araw-araw tulad ng iPhone na cellphone. Parang mas
nagugustuhan natin dahil maganda ang quality nito at sikat pa at kahit mahal nagagawa pa ring
bilhin. Pati na rin yung mga kagamitan sa bahay sa pagsasaing sa kusina gamit ang appliances
mula china kasi napapadali nitong tapusin ang trabaho natin kay sa sarili nating kagamitan.

You might also like