Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN

Modyul 5 Karapatan at Tungkulin

Number
Competency Code Most Essential Learning Competencies
of Weeks
5.1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin
ng tao
Esp9TT-IIa-5.1-5.2 1 5.2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang
pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
baranggay/ pamayanan, o lipunan/bansa
5.3. Napatutunayan na ang karapatan ay
magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin
na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang
katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng
Esp9TT-IIb-5.3-5.4 2 dignidad ng lahat ng tao
5.4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang
ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang pantao sa
pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o
lipunan/bansa

Suriin
Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng
masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!
Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita ito?
Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?
Napag-aralan mo sa Baitanng 7 na may pantay na karapatan ang lahat ng tao.
Natutuhan mo rin na ang batayan ng pagiging pantay niya sa kanyang kapwa ay
1
ang taglay niyang dignidad. Nag-uugat ang dignidad na ito sa kanyang kakayahang
mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging bukod-tangi. Ano naman ang batayan
ng pagiging pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano ba ang karapatan?

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral


Ang Karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan,
pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado
sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwa
na ibigay sa kanya nang sapilitan o pwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa
buhay. Kaakibat sa mga karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwa
na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin
ng pagsisisi. Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng
tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa
karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kanyang mga
tungkulin.

Mga Uri ng Karapatan at Mga Kaakibat na Tungkulin Nito


May anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay Santo
Thomas de Aquino. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.

1. Karapatan sa Buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil


kung wala ito hindi mapapakinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong
mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
Halimbawa, sa panahon ng taggutom, kalamidad o giyera, kailangang bigyan ng
pagkain ng may-ari ng grocery o tindahan sa palengke ang taong nagugutom.
Ipinakita dito na nalilimitahan ng karapatan sa buhay ang karapatan sa
pribadong ari-arian. Kapag hindi nakatugon sa pangangailang ito ang may-ari ng
grocery o tindahan, magkakaroon siya ng bigat ng konsensiya.
Halimbawa nito ang karapatan ng fetus na ipanganak, kaya ipinagbabawal
ang sapilitang abortion. Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa kanyang pahayag:
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao
tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa
kultura-ay labag sa katotohanan at isan panloloko lamang kung ang
karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at
kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal ay hindi
maipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon.
2. Karapatan sa Pribadong Ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito
dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako,
2
magiging isang pang-aabuso ang karapatang ito kung naaapi o naagrabiyado ang
mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.
3. Karapatang Magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang
humingi ang slave ng pahintulot sa kanyang amo upang makapag-asawa.
Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, kailangan ng kabataang
nasa edad 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang mapangalagaan siya
sa anumang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-aasawa ang mga may
nakahahawanga sakit o may sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang karapatang
magpakasal.
4. Karapatang Pumunta sa Ibang Lugar. Kasama sa karapatang ito ang lumipat o
tumira sa ibang lugar ng may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng
buhay o ligtas sa anumang panganib tulad ng paglikas ng mga taga Syria upang
takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic State. Nagbibigay din
ng asylum ang ibang bansa sa mga taong pinararasuham o binibilanggo ng
walang katarungan.
5. Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya. May karapatan ang
bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kanya upang mapaunlad
ang kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa. Hindi maaaring
gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na relihiyon
upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan.

6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o


pamahalaan na magbigay ng trabaho o desenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. May
karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang
oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay.

Tungkulin bilang Obligasyong Moral


Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman ang tungkulin? Ito
ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain. Moral ang
obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos loob ng tao. Kaya tulad ng
karapatan, batay rin sa likas na batas moral ang mga tungkulin. Kaya kailangang
tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti. Kasama ito sa
pagiging moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral
ang siyang nagpapanatili ng buhay pamayanan. Samakatuwid, ang pagtalikod o
hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay pamayanan na may
malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

3
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin
na tutugon sa angkop na karapatan.
1. Karapatan sa Buhay. May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kanyang
kalusugan at ang kanyang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa. May
tungkulin siyang paunlarin ang kanyang mga talento at kakayahan sa aspektong
pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti) at
moral. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o puunta sa
ospital kung kailangan. Kailangang iwasan ang mga sport na mapanganib, na
maaaring humantong sa kamatayan tulad ng car racing, wrestling, o boxing.
2. Karapatan sa Pribadong Ari-arian. May tungkulin ang tao na pangalagaan at
palaguin ang anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapwa at
paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa mga
nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, o pera, mga
bagay na tunay nilang kailangan.
3. Karapatang Magpakasal. May kaakibat na tungkulin sa suportahan ang pamilya
at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito
ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na
mgiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay ng mga
bertud bilang isang pamilya.
4. Karapatang Pumunta sa Ibang Lugar. May tungkulin na igalang ang mga
pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang
limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa. Mahalaga ang
paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibiganp.
5. Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya. May tungkulin na
igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang mga
relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito-ang pagsamba sa isang nilalang
na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang paggalang sa
paraan ng pag-alaala sa mga patay at ninuno.
6. Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay. May tungkulin ang bawat isa na
magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang
gawain. Mahalaga ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho,
nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras ng walang ginagawa. Kasama
sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa (strike) kung may inhustisya sa
pagpapasuweldo at ang pagiging bukas ng mga empleyado sa diyalogo sa
kompanya.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa
buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang
4
makabuo na batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae ay mamumuhay
nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan
kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng mga
Tungkulin ng Tao ( Universal Declaration of Human Responsibilities ) noong 1997.

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwa na igalang


ito at ang kanyang obligasyon na tuparin ang kanyang mga tungkulin. Mahalaga sa
bawat isa, lalo na sa yugtong ito ng iyong kabataan, ang pagsasaloob ng mensaheng
ito. Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo ng iyong pagkatao sa lipunan kung
igagalang mo at ng kalipunan ang mga karapatan ng iyong kapwa at kung
tutuparin mo nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin. Masalimuot man ang
pagtupad ng iba’t ibang tungkulin sa bawat papel na ginagampanan mo lalo na sa
lipunan, mahalagang patuloy na tayahin ang sarili kung napaunlad mo ang mga
kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at
paglilingkod sa lipunan.

5
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN-MODYUL 5: KARAPATAN AT TUNGKULIN
(WEEK 1&2)
PANGALAN: GRADE/SECTION:
GURO: PETSA:

GAWAIN 1:
1. Ano ang karapatan? Bakit ito kapangyarihang moral?

2. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag?

3. Ano ang tungkulin? Bakit ito obligasyong moral?

4. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad sa tungkulin? Ipaliwanag at magbigay ng isang


halimbawa.

GAWAIN 2:
Tukuyin kung anong karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
A. Karapatan sa buhay D. Karapatang Pumunta sa Ibang Lugar
B. Karapatan sa Pribadong Ari-arian E. Karapatang Sumamba
C. Karapatang Magpakasal F. Karapatang Magtrabaho o
Maghanapbuhay

_____1. Magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang


gawain.
_____2. Igalang ang mga pribadong boundary, kilalanin ang limitasyon ng sariling
kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa.
_____3. Pangalagaan ang kalusugan at sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.
_____4. Pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian at gamitin ito upang tulungan ang
kapwa at paunlarin ang pamayanan.

6
_____5. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o pumunta sa ospital
kung kailangan.
_____6. Suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao
ang mga ito.
_____7. Igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba magkakaiba man ang relihiyon.
_____8. Karapatang mag-alsa (strike) kung may inhustiya sa pagpapasweldo at ang
pagiging bukas ng mga empleyado sa diyalogo sa kompanya.
_____9. Pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa ekandalo na magiging
sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya.
_____10. Pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain,
damit, o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.

GAWAIN 3:
Bumuo ng mga konkretong kasagutan ayon sa hinihingi ng bawat kolum.

Halimbawa ng mga
Angkop na kilos
paglabag sa
Kaakibat na upang ituwid ang
karapatang Uri ng karapatan
tungkulin paglabag sa
naobserbahan sa
karapatang pantao
lipunan

Hal.
Pangalagaan ang
Karapatan sa kalusugan at sarili Mahalin at igalang
buhay sa mga panganib ng ang kapwa
Pagpatay katawan

1.

2.

3.

7
8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na


Modyul 6
Batas Moral
Number of
Competency Code Most Essential Learning Competencies
Weeks
6.1 Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa
Likas na Batas Moral
6.2 Nasusuri ang mga batas na umiiral at
EsP9TT-IIc-6.1-6.2 3
panukala tungkol sa mga kabataan batay
sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas
Moral
6.3 Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na
nakabatay sa Likas na Batas Moral
(Natural Law), gumagaratiya sa pagtugon
sa pangangailangan ng tao at umaayon sa
dignidad ng tao at sa kung ano ang
EsP9TT-IId-6.3-6.4 4
hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga
upang makamit ang kabutihang panlahat
6.4 Naipahahayag ang pagsang-ayon o
pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat

Suriin
Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng
masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!
Isang nakatutuwang tula ni Robert Fulghum ang nagsasabi na natutuhan na
natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo ay musmos pa lamang
(All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten). Huwag mandaya. Huwag
manakit ng kapwa. Maghugas ng kamay bago kumain. Magpahinga. Mag-ingat sa
1
pagtawid. Ilan ang mga ito sa kaniyang mga binanggit at kung iisipin, sa dami ng
mga nasa batas, sa dami ng mga tungkulin, sa dami ng mga sinasabi sa ating
dapat at hindi dapat gawin, napakasimple lang naman ng utos sa tao: magpakatao,
maging makatao. Subalit, dahil siguro sa sobrang kapayakan nito, hindi ito mawari
ng moderno at komplikado nating pag-iisip.
Inaasahan sa modyul na ito na maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga batas
na nakabatay sa likas na batas moral. Ano ang batas na gabay sa ating
pagpapakatao? Bakit kailangang umayon sa batas na ito? Gagabayan ka ng
modyul na ito upang maunawaan mo ang buod ng mga batas na umiiral sa lipunan.
Isa rin itong pagpapalawak sa pananaw na naglilimita sa iisang paraan lamang ang
pagtupad sa tawag ng mabuti.

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (Primum non nocere) ng


mga manggagamot? Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay
hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi
positibo gaya ng "Magbigay lunas," positibo ang nais sabihin nito: laging may
pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit
o makasasama sa pasyente.
Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba't kaya
nga pinili ng mga doktor ang ganitong larangan dahil sa pagnanais na
makapanggamot? Walang doktor ang magbibigay ng payong medikal na ikasasama
lamang ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa operasyon nang
hindi handa. Laging ang nasa isip nila ay ang makagaling ng pasyente.
Paniwala ng pilosopong si Sto. Tomas de Aquino: lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.
Para sa pilosopong si Max Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang
gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais
na mapasama siya. Kahit na tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti ang
mag-aral. Kahit na natatakot akong magpatingin sa doktor, alam kong mabuting
gawin ito upang makita ang kalagayan ng aking kalusugan. Kahit gustong-gusto
kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, alam kong masama ito.

Ang Mabuti
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Nararamdaman
ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan ay parang
sinasabing isip ko na mali ito. Sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang dapat kong
gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinusunod ko ang tinig na ito. Ang
mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin

2
kung ano talaga ang mabuti. Ang mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na
laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.

Ang Tama: Iba sa Mabuti


Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa
pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon,
kasaysayan, konteksto at sitwasyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at
kakayahan ng gagawa ng pagpili. Kahit sa gamot, mabuti ang uminom ng gamot.
Ngunit marapat ding tingnan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili ng
gamot at ang mga partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na ibibigay.
Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa tao. May ibang gamot na
nagdudulot ng mga allergies sa mga partikular na tao. May mga gamot na hindi
mabisa sa mga ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang pasyente na ang
bahalang humanap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta ng doktor. Tulad din sa
likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao.

Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao


Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang:
hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na
halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin
na maging makatao (panig sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin
ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.

Likas na Batas: Para sa Tao


Ang lahat ng batas ay para sa tao at hindi ang kabaligtaran nito. Hindi perpekto
ang mga batas subalit muli babalik tayo sa depenisyon ng mabuti - sapat na ang
laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito. Ang likas na batas
moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung
ano ang gagawin ng tao sa iba't ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang
makita ang halaga ng tao. Ang konstitusyon at mga batas din ay hindi instruction
manual. Naisatitik ng mga ito ang anumang makatutulong sa pagpapayabong ng
tao. Mga gabay din lamang na natutunan sa karanasan ng mga tao sa pagdaan ng
panahon.
Matutupad ba natin ang likas na batas moral sa ating bayan? Isang simpleng
sagot: habang may nakatingin sa mabuti—nagtataka, nagtatanong—tiyak na
hahakbang tayo papalapit sa mabuti.
Ano ang pinakaunang hakbang? First do no harm.

3
4
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN-MODYUL 6: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS
NA BATAS MORAL
(WEEK 3 & 4 )
PANGALAN: GRADE/SECTION:
GURO: PETSA:

Punan ang concept map upang mapag-ugnay-ugnay ang konsepto ng aralin


gabay ang mga sumusunod na mga tanong.

GAWAIN 1:
1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa likas na batas moral?
2. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?
3. Bakit pinakamahalaga ang maging makatao?
4. Bakit First Do No Harm ang unang hakbang sa pagtupad sa mabuti? Ipaliwanag.

1. 2.

3.

Pagsunod
sa batas
4.

5
GAWAIN 2: ACROSTIC
Panuto: Dugtungan ang bawat letra ng salitang BATAS MORAL upang makabuo
ng pahayag na nagpapakita ng kahalagahan ng pagsunod sa batas.

B-
A-
T-
A-
S-

M-
O-
R-
A-
L-

6
GAWAIN 3: PERFORMANCE TASK
Kung isa kang mambabatas, anong batas ang iyong maaaring maipanukala
upang maingatan ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan sa kasalukuyang
nararanasang pandemic/COVID-19 ayon sa likas na batas moral.

Panukalang Batas Blg.

Ipinanukala ni:

Isang batas na naglalayong

Paliwanag ukol sa batas at kung bakit mahalagang ito ay pagtibayin

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at


Modyul 7
Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao
Competency Number of
Most Essential Learning Competencies
Code Weeks
7.1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad
ng tao at paglilingkod
EsP9TT-IIe-7.1-7.2 5 7.2. Nakapagsusuri kung ang paggawang
nasasaksihan sa pamilya, paaralan o
baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng
dignidad ng tao at paglilingkod
7.3. Napatutunayan na sa pamamagitan ng
paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng
mga pagpapahalaga na makatutulong
upang patuloy na maiangat, bunga ng
kanyang paglilingkod, ang antas kultural at
moral ng lipunan at makamit niya ang
EsP9TT-IIf-7.3-7.4 6 kaganapan ng kanyang pagkatao
7.4. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa
kabutihang naidudulot ng paggawa gamit
ang panayam sa mga manggagawang
kumakatawan sa taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o
trabahong teknikal bokasyonal

1
Suriin

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng


masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!
“Napaglilingkuran ko ang ating bayan.” ito ang sagot ng isang sunadalo sa isang
pastor sa tanong nito kung bakit pinili niyang maging sundalo sa kabila ng
panganib ng ganitong trabaho. Ilan kaya sa kabataag tulad mo ang may ganitong
motibasyon sa pagpili ng trabaho sa hinaharap? Sa anumang gawain na itakda
mong gawin, isinasaalang-alang mo ba ang kabutihang maidudulot nito sa iba-sa
pamilya, paaralan, o pamayanan?
Ani Thomas Edison, ang imbentor ng bumbilya ang dahilan kung bakit hindi
nakikilala ng maraming tao ang oportunidad ay dahil maihahalintulad ito sa isang
mabigat na gawain na hinahamon ang tao na magsumikap anuman ang balakin sa
pagsasagawa nito.
Ano ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ba ito mahalaga para sa isang tao?
Karapat-dapat bang maunawaan ng lahat ang tunay na esensya ng paggawa? Ang
araling ito ay makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang malalim na
kahulugan ng paggawa.
Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw sa
paggawa bilang realidad ng buhay: isang bagay na hindi na matatakasan at
kailangang harapin sa bawat araw. Sa paglipas ng panahon, matututuhan mo
kung bakit mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong
pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang
may pananagutan (Esteban, S. J. 2009).
Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”, ang paggawa ay
isang aktibidad ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay.
Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas
para sa mga produkto.
Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kapwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o
kumikilos lamang katulad ng hayop o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa
paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute
for Development Education, 1991).
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi ay
magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero
na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang
ginamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang
kilos ay hindi matatawag na paggawa.

2
Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya upang gumawa ng mga
katangi-tanging gawain. Ipinagkatiwala sa Kaniya ang pangangalaga at
pamamahala sa lahat ng Kaniyang mga nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng
mga katangi-tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang
tao lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng kaniyang talino.
Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang mga nilikha ng Diyos ang tao. Tao
lamang ang may kakayahan sa paggawa; sa kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa.
At sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang isa pang dahilan ng pag-iral
ng tao… ang pagiging bahagi ng isang komunindad, ang gumawa hindi lamang
para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapwa at sa paglago nito.

Mga Layunin ng Paggawa

1. Upang kitain niya ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
Hindi mabubuhay nang maginhawa ang tao kung hindi siya magtatrabaho. Sa
kasalukuyang panahon, mahalaga ang pera dahil sa papel nito sa pagbili ng mga
produkto at sersbiyong kailangan ng tao. Kailangan ng taong gumawa para
mabuhay. Hindi maaaring maging katulad siya ng isang parasite na laging iniaasa
sa iba ang kaniyang ikabubuhay. Napatunayan na ng tao na sa pamamagitan ng
paggawa, napagyayaman ang kaniyang dangal. Ito ang dahilan kung bakit
ninanais ng mga magulang na makapagtapos ng pagaaral ang kanilang mga anak:
upang makakuha ng disenteng trabaho ang kanilang anak at hindi makaranas ng
kaparehong kahirapan.

2. Upang maikbahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at


teknolohiya.
Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng talento upang gamitin ito sa pag-unlad niya
at ng komunidad. Dahil sa natatanging talino ng tao na ibinahagi ng Diyos,
napagyayaman ang agham at teknolohiya. Nakalilikha ang tao ng mga teknolohiya,
bunga ng kaniyang patuloy na pag-aaral sa pangangailangan ng tao, na
nakapagpapadali at nakapagpapabilis sa kaniyang produksyon. Nakikita ang
tulong na naibibigay ng agham at teknolohiya upang mapadali ang pamumuhay ng
tao at mapaunlad ang ekonomiya. Kailangan lamang masiguro na hindi gagamitin
ito upang mawalan na ng silbi ang tao. Ginawa ito bilang katuwang at hindi kapalit
ng tao.
3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan.
Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at
hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pag-angat ng kultura at
moralidad ng lipunang ating kinabibilangan. Hindi nito dapat na pinapatay ang
ating pagkakakilanlan para lamang makasunod sa agos ng modernisasyon.
Nakatutuwang nariyan ang mga taong patuloy na ipinakikilala ang kakaniyahan
3
ng mga Pilipino sa mundo sa pamamagitan ng kanilang mga malikhaing paggawa.
Si Kenneth Cobonpue ay nakilala sa pagdidisenyo ng mga mwebles, inilapat niya
ang kaniyang pagiging malikhain sa paggawa ng kagamitan katulad ng mga upuan
na gumagamit ng kagamitang katulad ng kawayan at rattan. Makikita sa kaniyang
disenyo ang disenyong mayroong tatak ng Pilipino. Nakilala siya dahil sa
katangi-tangi niyang mga disenyo na kinikilala hindi lamang ng kapwa natin mga
Pilipino kundi maging ng mga banyaga. Patunay siya na kung yayakapin natin ang
kultura ng bansa ay mas kikilalanin at igagalang tayo ng mundo.

4. Upang tulungan ang mga nangangailangan


Ang paggawa ay isang obligasyon, isang tungkulin ng isang tao. Kailangan ng
taong gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na
panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan. Ang paggawa ay isang
moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan, at sa bansa. Ang lahat ng ito ang malinaw na nagpapaliwanag sa
ating moral na obligasyon na tumulong sa ating kapwa na nangangailangan.
Kasama sa tungkulin ng tao bilang isang bahagi ng lipunan na magbahagi ng
anuman ang mayroon siya para sa kapwa na nangangailangan.

5. Upang magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao


Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang
nagbibigay ng katuturan dito.
Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit niya ang mga sumusunod:
 nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan;
 napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain;
 napatataas ang tiwala sa kaniyang sarili;
 nabibigyang-dangal ang kaniyang pagkatao;
 nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang
kaniyang kapwa at ang mapaglingkuran ang mga ito;
 nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na pagbibigay;
 nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng lipunan na
maipagpatuloy ang kaniyang bokasyon at bigyang katuparan ito;
 nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sarili at ng kapwa;
nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.

Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat


nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos. Ang paggawa ay higit
pa sa pagkita lamang ng salapi; ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang
pagkamit ng kaganapan bilang tao.

Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.


4
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN-MODYUL 7: ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT
PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO
(WEEK 5&6)
PANGALAN: GRADE/SECTION:
GURO: PETSA:

GAWAIN 1:
Gamit ang graphic organizer sa ibaba, isulat ang kahalagahan ng paggawa para
sa iyo.

KAHALAGAHAN
NG
PAGGAWA

5
GAWAIN 2:
Ngayong nasa panahon tayo ng pandemya dulot ng COVID-19, tumulong sa
magulang sa mabibigat na gawaing bahay. Sikaping magampanan ang papel na ito
sa loob ng isang linggo o kung hanggang maaari ay araw-araw.

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:


1. Naging masaya ka ba o hindi sa pagtulong sa iyong magulang sa paggawa ng
gawaing bahay? Bakit o bakit hindi?

2. Alin sa mga gawaing bahay ang pinakamahirap na naranasan mo? Ipaliwanag.

3. Anong natutuhan mo mula sa pagsasagawa ng gawaing bahay na ito? Ano ang


iyong naging damdamin nang matapos mo itong gawin?

4. May nabago ba sa iyong pananaw hinggil sa paggawa? Ipaliwanag.

6
GAWAIN 3: PERFORMANCE TASK
Sumulat ng isang liham pasasalamat sa mga frontliners o health workers na
tinaguriang Bagong Bayani ng bansa dahil sa kanilang paggawa ay naipamalas nila
ang paglilingkod at pagpapahalaga sa kanilang kapwa sa panahon ng pandemya.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN

Modyul 8 Pakikilahok at Bolunterismo

Number of
Competency Code Most Essential Learning Competencies
Weeks
8.1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at
bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at
lipunan
EsP9TT-IIg-8.1-8.2 7
8.2. Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga
taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang
buhay para sa pagboboluntaryo
8.3. Napatutunayan na:
a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat
mamamayan sa mga gawaing pampamayanan,
panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento,
kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong
sa pagkamit ng kabutihang panlahat
EsP9TT-IIh-8.3-8.4 8 b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang
pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa
sa mga aspekto kung saan mayroon siyang
personal na pananagutan
8.4. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa
baranggay o mga sektor na may partikular na
pangangailangan

Suriin
Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng
masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!
Napatanuyan mo sa Modyul 7 na sa pamamagitan ng paggawa na bunga ng
paglilingkod, uunlad ang lipunan dahil instrumento ito sa pagkamit ng kaganapan
ng pagakatao ng mga mamamayan. Inaasahang sa modyul na ito, ang tunay na

1
diwa at kabuluhan ng paglilingkod sa kapwa ay lalo pang mapapalalim sa iyong
puso. Magkakaroon ng higit na kabuluhan ang iyong buhay kung ito ay patuloy
mong ibabahagi sa iyong kapwa. Dito mo makikilala ang kahalagahan ng
pakikilahok at bolunterismo na iyong maiuugnay sa pag-unlad ng lipunan.
Hahamunin ka ng kwento ng mga taong naglaan ng kanilang buhay sa pagtugon sa
pangangailangan ng iba. Mula dito ay masasagot mo ang mahalagang tanong na:
“Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?”
Naranasan mo na bang makilahok at magvolunteer? Marami na ang nagdaang
kalamidad, krisis, at pagsubok na ating naranasan sa bansang ating
kinabibilangan. Maaaring ang mga ito ay napapanood mo sa telebisyon, nababasa
sa pahayagan o naririnig sa radyo. At sa tuwing dumarating ang ganitong mga
pagsubok sa ating bansa marahil ay nasasabi mo sa iyong sarili ang mga katagang:
“nakakaawa naman sila”, “papaano na kaya sila”, “sana naman ay mayroong
tumulong sa kanila”. Ang mga ganitong kataga ang madalas na sambitin ng
karamihang kabataang katulad mo o ang iba ay marahil wala pa ngang pakilalam
ukol dito. Nakalulungkot, hindi ba? Hindi maiibsan ang kalungkutan at paghihirap
ng mga taong naging biktima nito kung walang tutulong o dadamay sa kanila. May
iba pa nga na nagsasabi: “Ano ang magagawa ko, malayo ako sa kanila?” o di
kaya’y “ang bata ko pa, wala akong magagawa”. Ngunit huwag sanang maging
ganito ang iyong kaisipan sapagkat bilang kabataan malaki ang iyong magagawa
dahil ikaw ay bahagi ng lipunan.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na
kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang
lipunan. Sa lipunan sumasakasaysayan ang tao. Ang ibig sabihin, nagkakaroon
ang buhay ng saysay sa kanyang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Tunay
ngang nagkakaroon ng saysay ang kanyang buhay kung ito ay ginagamit nang
makabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng kanyang sarili para sa kapwa, para
sa lipunan sapagkat bilang tao na nilikha ng Diyos, ang tao ay may pananagutan
na magbahagi sa kanyang kapwa at sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Mula dito ay naipakikita niya ang kanyang dignidad bilang isang tao. Ano nga
ba ang dignidad? Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat
nang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa. Lahat ng tao,
anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may
dignidad. Dahil sa dignidad nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran,
dahil sa mata ng Diyos, ang lahat ay pantay-pantay. Kailangang
mapangangalagaan lamang ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng
pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos. Pinararating nito na ang paggalang sa
dignidad ng tao ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng
pagmamahal sa sarili.

Pakikilahok

2
Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay
mahalaga sapagkat:
maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan
ang pangangailangan ng lipunan.
magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan.
maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
Ang Pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito dapat ay isang patuloy na
proseso hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikababuti ng
iyong lipunan, sapagkat mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging TAO na
nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
Sa pamamagitan ng Pakikilahok ang tao ay nagiging mapanagutan hindi
lamang sa kanyang sarili kundi sa kaniyang kapwa. Nakilala niya ang kaniyang
mga kakayahan, talento at kahinaan na makatutulong upang magkaroon siya ng
tiwala sa kanyang sarili. Nakikibahagi siya sa lipunan bilang isang aktibong kasapi
nito at nagkakaroon ng kaganapan ang kanyang pagkatao.

Bolunterismo
Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi
naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay marami ding katawagan tulad ng
Bayanihan, Damayan, Kawanggawa o Bahaginan.
Mayroong benepisyo ang pagsasagawa ng Bolunterismo
1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa
iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba
kundi
pati na ang kanyang sarili.
May pagkakaiba ba ang Pakikilahok sa Bolunterismo? Sa Pakikilahok nagiging
konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong gawin dahil
kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Halimbawa: ang paglahok sa halalan,
paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa ng guro, o paglahok sa pulong ng
mga kabataan sa barangay.
Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong
iba na hindi mo tinulungan. Kung ikaw man ay managot; ikaw ay mananagot sa
iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.

3
Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng
bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.
Sa Pakikilahok at Bolunterismo dapat Makita ang 3 Ts
1. Time (Panahon). Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas hindi
na ito maibabalik. Sabi nga sa isang awit:
“Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito
kaya ano man ang mabuting maaring gawin ko ngayon,
O anumang kabutihan ang maari kong ipadama
itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na to.
Nawa’y h’wag ko itong ipagpaliban o ipagwalang bahala
sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas”.
Tunay ngang mahalaga ang panahon kung kaya’t hanggang maaga ay gamitin
mo ito ng buong husay sa iyong pakikilahok at pagbobolunterismo para sa iyong
lipunan.
2. Talent (Talento). Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talento at ito ay iyong
magagamit upang ibahagi sa iba. Iba-iba ang talento ng bawat isa. Tinalakay
ninyo ito sa inyong aralin noong ikaw ay nasa ika-pitong baitang pa lamang. Ang
paggamit ng iyong talento ay makatutulong hindi lamang sa iba kundi ito ay
makatutulong din sa iyo upang higit kang magkaroon ng tiwala sa iyong sarili.
3. Treasure (Kayamanan). Maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala akong
pera, mahirap lang kami, wala akong maitutulong, ngunit sa pagbibigay hindi
tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa
mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.

Ang tunay na diwa ng Pakikilahok at Bolunterismo ang kailangang makita sa ating


lipunan lalo na sa ngayon. At bilang kabataan ito ay maaari mong simulan. Wika nga ni
Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa isa sa kanyang panayam sa Radio Veritas para sa
kabataan, na huwag lamang makuntento sa mga araw-araw na karaniwang gawain, yung
hindi nababahala at pinababayaan lamang tumakbo ang mundo, bagkus kinakailangan na
ang kabataan ay manggulo ibig sabihin ay magsikap na humanap ng pamamaraan at
maging kasangkapan para sa ikauunlad ng buhay at lipunan. Ayon naman kay Pope
Francis sa kanyang mensahe sa kabataan noong nakaraang World Youth Day sa Rio de
Janerio Brazil noong June 24, 2013, “Ang kabataan ang durungawan kung saan ang
hinaharap ay nagdaraan” na ibig sabihin nasa kabataan makikita ang kinabukasan.
Katulad ng sinabi rin ng ating bayaning na si Dr. Jose Rizal, nasa kabataan ang pag-asa
ng bayan.

4
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN-MODYUL 8: PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO
(WEEK 7&8)
PANGALAN: GRADE/SECTION:
GURO: PETSA:

GAWAIN 1:
Isulat sa loob ng kahon ang salita o mga salita na nagbibigay kahulugan para sa
iyo ng salitang Pakikilahok at Bolunterismo.

PAKIKILAHOK BOLUNTERISMO

GAWAIN 2:
A. Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito.

5
Mga tanong:
1. Ano ang napansin mo sa mga larawan?

2. Habang pinagmamasadan mo ang mga ito, ano ang iyong naramdaman?

3. Alam mo ba kung ano ang tawag sa ganitong gawain? Ipaliwanag.

4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagsasagawa nito?

GAWAIN 3: PERFORMANCE TASK


Kung bibigyan ka ng pagkakataon ng maging isang SK Chairman sa inyong
baranggay, paano mo hihikayatin ang mga kabataang tulad mo na makilahok at
magvolunteer sa pagtugon ng pangangailangan ng inyong baranggay? Gumawa ng
mga konkretong hakbang.

You might also like