Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Ikalawang Markahang Pagsusulit
FILIPINO VI

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ________________

Baitang at Seksyon: ___________________________________ Guro: ________________

I. PAKIKINIG
Panuto: Pakinggan ang kwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga tanong ukol dito.
1. Anong uri ng hayop sina Osang at Leona?
A. Usa at Leon
B. Usa at Tigre
C. Leon at Tigre
D. Tigre at Elepante
2. Bakit dinamba ni Leona si osang?
A. Dahil siya ay maliit
B. Dahil gusto niya itong kainin.
C. Dahil mataba siya.
D. Wala sa nabanggit.
3. Anu-ano ang katangian ni Osang?
A. Madamot at palaaway
B. Mabait at masayahin
C. Magalang at matulungin
D. Matalino at maparaan
4. Anong paraan ang naisip ni Osang upang siya ay makaligtas kay Leona?
____________________________________________________________________
_____________________________________________________.
5. Tama baa ng ginawa ni Osang kay Leona? Bakit?
____________________________________________________________________
_____________________________________________________.
6. Nag-isip ng paraan si Osang kung paano siya makakawala.
A. Siya ay Masaya C. Siya ay naiinis
B. Siya ay malungkot D. Siya ay nanghihinayang
7. “Anong paraan ang gagawin mo para tayo makaligtas?
A. Nagtataka C. Nagagalit
B. Natutuwa D. Naiiyak
8. “Pangiti-ngiti lamang na umalis si Osang. Walang nagawa si Leona.
A. Nagagalak C. Nalulungkot
B. Nayayamot D. Naaasar
9. “Hoy! Paano ako makakaligtas ditto? Pakawalan mo ako!

A. Nanghihinayang C. Nagagalit
B. Naaawa D. Natutuwa

II.Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa kuwento ni Tambelina? Lagyan A hanggang F


ang wastong pagkasunud-sunod nito.

___ 10. Hoy! Paano ako makaliligtas dito? Ang nagtatakang tanong ni Leona. Hintayin mo lamang ang
paglubog ng araw at diyan tiyak ligtas ka, tugon ni Osang.

___ 11. Bago mo ako kainin ay may ipagtatapat akong lihim sa iyo, ang sabi ni Osang.

___ 12. Lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa ay mawawala, ngunit may paraan ako upang ikaw at ako ay
makaligtas.

___ 13. Isang araw, namasyal ang usang si Osang sa kagubatan.

___14. Pakawalan mo ako rito, ang galit na galit na sabi ni Leona. Pangiti-ngiti lamang na umalis si Osang.
Walang nagawa si Leona.

___15. Nang marating nila ang puno, inutusan ni Osang si Leona na sumandal sa puno, pagkatapos ay
kumuha siya ng baging at itinali niya si Leona nang mahigpit sa puno.

III. Ibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita.

16. madilim: maliwanag;

marunong: _______
A. Mangmang C. Naiiba
B. Mahusay D. Maayos
17. balintataw: imahinasyon;
kudil: ____________
A. Balat C. Bahagi ng katawan
B. kutsyara’t tinidor D. Bahagi ng kaisipan
18. Ang mga produktong ginagawa ng mga etnikong Bagobo ay iisa lamang at
walang kapara.
A. kapareho C. sira
B. kakulay D. halaga
19. Nagkukumahog na umalis si Cora papuntang paaralan dahil mahuhuli na siya.
A. Nagmamakaawa C. Nanggigigil
B. Naglulupasay D. Nagmamadali
20. Malawak ang korapsyong nagaganap sa ating bansa. ___________________
A. Pangungurakot C. Pagbibigay
B. Pagpapahalaga D. Paglilihim

IV. PAGBASA
Panuto: Piliin ang angkop na pang-uri at pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.
21. Ang kanilang mga anak ang itinuturing na _____ sa mga naninirahan doon.
A. Masisipag C. higit na masisipag
B. masipag-sipag D. pinakamasipag
22. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 30 porsyento ang ibinaba ng antas ng reserbang tubig sa bansa. Bunga
nito, _____ ding bumaba ang suplay ng tubig sa mga kabahayan.
A. malaki C. marami
B. mataas D. mabilis
23. Ating matatandaan ang Pangulong Corazon Aquino ang may _______ na pagpapasyang baguhin ang
takbo ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng “People Power Revolution.”
A. Matatag C. matatag-tatag
B. mas matatag D. pinakamatatag
24. Ayon sa panitikan, si Maria Clara ang tinaguriang _______ na dalaga dahil simbolo siya ng kababaihang
Pilipina.
A. Pinakamahinhin C. Mas mahinhin
B. Mahinhin-hinhin D. Higit na mahinhin
25. Ang Tulay ng SanJuanico na nagdurugtong sa Samar at Leyte ay ______ sa buong Asya.
A. Mahaba C. mahaba-haba
B. higit na mahaba D. pinakamahaba
26. Marami nang kababayang dumating at umalis sa bansang Dubai kung saan nagtatrabaho si Mang Jose.
Siya ang _______ sa kanila na nagtrabaho doon.
A. Matagal C. matagal-tagal
B. Pinakamatagal D. higit na matagal
27. May ilang naniniwala rin na _______ sa street-dancing ang mga taga-Iloilo sa buong Kabisayaan.
A. ubod ng husay C. sobrang maindayog
B. mas kahali-halina D. totoong malikhain
28. Kung noong dekada ’90 ang halaga ng langis ay kaya pang tapatan ang halaga ng ating piso, ngayon ay
hindi na dahil sa _______ taas nito.
A. lalo na C. sadyang
B. higit na D. sobrang
29. Kung noong mga taong 1970 ay makakayang suplayan ng 9,600 metro kubikong tubig ang mga
kabahayan, ngayon ay _____ mababa ito at nasa 3,300 metro kubiko na lamang.
A. lalong C. higit na
B. lubhang D. mas na
30. Sa kasalukuyan, masasabing nasa kritikal na kondisyon ang presyo ng langis. Bunga nito, _______ ang
halaga ng lahat ng mga bilihin.
A. biglang humina C. lalong tumumal
B. talagang tumaas D. lubhang humusay
31. Masaya silang namamasyal nang may _______ umagaw sa kanyang shoulder bag.
A. Agad C. nag-aapurang
B. Biglang D. nagmamadaling
32. Paglusong mo sa tubig iyong madarama ang ___________ ng alon sa iyong buong katawan.
A. banayad na hampas C. rumaragasang takbo
B. mabilis na agos D. mariing daloy
33. Ipinagmamalaki naman ng mga taga-Baguio ang Panagbenga __________ na ipinaparada ang iba’t ibang
uri ng mga bulaklak.
A. kung umiikot C. habang buong gilas
B. sana maagap D. kapag nakalibot habang idinaraos

34. Sila ay ____________ na sana ay laging nasa mabuting kalagayan ang kani-kanilang pamilya.
A. mataimtim na nananalangin C. madalas na magdasal
B. tiklop-tuhod na umaasa D. laging naiisip
35. Nagkaroon siya ng sariling bahay at napagtapos ng pag-aaral ang mga anak, kaya naman kaagad ______
ang mga ito.
A. Nagtrabaho C. magsitrabaho
B. Nagsitrabaho D. nakapagtrabaho
36. Ang mga mangga ay ______ nang malakas ng hangin.
A. Ilaglag C. mailaglag
B. Ilalaglag D. nailaglag
37. Sayang, _______ pa naman ako ng kalahati ng halaga kung naibenta ang mga manga.
A. Bigyan C. binigyan
B. Bibigyan D. binibigyan
38.Isa pang pangunahing dahilang _________ ng ating lipunan mga eksperto ay ang unti-unting pagkasira ng
________(bigay) ating mga yamang-tubig tulad ng mga lawa at ilog.

A. Ibinigay C. binibigyan
B. Ibinibigay D. binigyan
39. Maagang ______ si Gng. Asis nang araw na iyon upang maghanda para sa kaarawan ng dalawang anak.
A. Gigising C. gumising
B. Gigisingin D. gumigising
40. Ang pagtingin naman sa leybel ng de lata o gamot ay _______ sa pagtiyak sa nilalaman nito bago bilhin.
A. tumutulong C. tinutulungan
B. makatutulong D. nagpapatulong

V. Gamitan ng angkop na pandiwa ang sumusunod na pangungusap.


41. Marami tayong _________ (natuto)sa pagbabasa na magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay.
42. Ang ating pamahalaan ay _________(ugnayan) na kamakalawa sa bansang Amerika upang tayo ay
makabangon sa ating ekonomiya.
43. Para namang _________ (ayon)sa kanya ang suwerte at biniyayaan pa siya ng supling na babae.
44. Sa nakaraang laban ni Donaire, ang kahusayan niya sa boksing ay ________ (hangaan) ng sambayanang
Pilipino.
45. Ang “People Power Revolution” ang naging sandigan ng bagong pamamalakad ng pamahalaanna
__________(sulong) rin ng Pang. Noynoy
nang siya na nahalal
46. ________ (punta) kami ni lolo sa bukid bukas.
47. ________ (namitas) kami ng talong sa Linggo.

VI. PAGSULAT
Panuto: Sumulat ng isang liham gamit ang mga tamang bahagi nito.

Prepared by:

LAUREN D. AGARPAO
Teacher III
Checked by:
MARIA CARIDAD H. LOPEZ MAYBELYN E. CUDAL
T-III/Content Expert T-III/Lay-out and Design Artist

Reviewed and Approved by:

ROCKY M. BALLESTEROS
School Principal I

Noted:
RUBY B. PASCUA
Public Schools District Supervisor

You might also like