Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Gr 7 Worktext – FILIPINO Quarter 4

ARALIN 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Unang Linggo

Pangalan: ____________________________________ Baitang: __________


Konsepto (Kasanayang Pagkatuto):

1. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang
bahagi ng akda.
2. Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido.
3. Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
4. Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
Gawain/Pagsasanay:

Alamin Natin!

Ang Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol

Bagama’t ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni Ferdinand Magellan ay


naitala noong Marso 16, 1521, sinasabing ang kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating
Inang Bayan ay nagsimula noong taong 1565 nang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa bansa at
nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu.

Tatlo ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.


1. Palaganapin ang Katolisismo.
2. Pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop na mga
bansa.
3. Paghahanap ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman, at mga hilaw na materyales.

Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang Katolisismo, sinunog nila ang mga
nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno. Pinalitan nila ang ito ng panitikang nagbibigay-diin sa
pananampalatayang Kristiyanismo. Ito rin ang naging sanhi kung bakit ang panitikan sa panahong ito
ay naging mapanghuwad o may pagkakatulad sa mga anyo at paksang Espanyol.
Ayon sa talang sinulat ni Jose Villa Panganiban, et al. sa aklat na pinamagatang Panitikan ng
Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian:

1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido, pasyon,
duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-wika.
2. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Espanyol.

Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mapabilis na mapalaganap ang relihiyong
Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikang nagbigay-halaga sa diwang
Kristiyanismo ay ang mga tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo, ang awit at ang korido.

1
Ayon sa aklat na Panitikang Pilipino ni Arthur Casanova, ang awit at korido ay maaaring uriin
gamit ang sumusunod na pamantayan.

Pagkakaiba ng Awit at Korido


Pamantayan Awit Korido
Batay sa Anyo Binubuo ng 12 pantig sa loob Binubuo ng 8 pantig sa loob ng
ng isang taludturan, apat na isang taludtod at apat na
taludtod sa isang taludturan taludtod sa taludturan
Musika Ang himig ay mabagal na Ang himig ay mabilis na
tinatawag na andante. tinatawag na allegro.
Paksa Tungkol sa bayani at Tungkol sa pananampalataya,
mandirigma at larawan ng alamat, at kababalaghan.
buhay.
Katangian ng mga Tauhan Ang mga tauhan ay walang Ang mga tauhan ay may
kapangyarihang supernatural kapangyarihag supernatural o
ngunit siya ay nahaharap din kakayahang magsagawa ng
sa pakikipagsapalaran. Higit mga kababalaghang hindi
na makatotohanan o hango sa magagawa ng karaniwang tao.
tunay na buhay.
Mga Halimbawa Florante at Laura, Pitong Ang Ibong Adarna, Kabayong
Infantes De Lara, Doce Pares Tabla, Ang Dama Ines,
ng Pransya, Haring Patay Prinsipe Florinio

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng koridong
Ibong Adarna. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito
ay maaaring hinango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europa tulad ng Romania,
Denmark, Austria, Alemanya, at Finland. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming kritiko ang
nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng Panitikang Pilipino
dahilang hiram lamang sa ibang bansa ang kasaysayan nito. Kung uugatin ang kasaysayan ang
tulang romansa ay nakilala sa Europa noong Panahong Medieval o Middle Ages. Tinatayang noong
1610, mula sa bansang Mexico, ito ay nakarating sa Pilipinas na ginamit namang instrumento ng
mga Espanyol upang mahimok ang mga katutubong yakapin ang relihiyong Katolisismo.

Sa maraming mga koridong nilimbag at naisulat sa Pilipinas, ang Ibong Adarna ang higit na
kilala sapagkat bukod sa ang mga sipi nito ay ipinagbibili sa mga peryang karaniwang isinasagawa
tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan, ito rin ay itinatanghal sa mga entabladong tulad ng
Komedya o Moro-Moro.

Dahil na rin sa pasalin-saling pagsisipi, ang mga sulat-kamay at maging ang mga nakalimbag na
kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng pag-iiba-iba sa gamit sa baybay ng mga salita. Noong
1949, sa pamamagitan ng matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba’t ibang sipi
ng Ibong Adarna ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang mga sukat
at tugma ng bawat saknong. Sa kasalukuyan, ang kaniyang isinaayos na sipi ang karaniwang
ginagamit sa mga paaralan at palimbagan.

2
Mga Tauhan sa Ibong Adarna Ang mahiwagang matandang leproso o
ketongin na humingi ng tulong at ng huling
Bagong tauhan sa Kabanata 1 tinapay ni Don Juan habang patungo siya sa
Bundok Tabor. Siya ang nagsabi ng mga
Birheng Maria bagay na dapat gawin ni Don Juan sa
Siya ang pinagdasalan ng manunulat sa pagdating niya sa Bundok Tabor.
simula para magiging mabuti ang sinulat
niyang korido. Ermitanyo

Bagong tauhan sa Kabanata 2 Ang mahiwagang matandang lalaking


naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang
Don Fernando tumulong kay Don Juan upang hulihin ang
Ibong Adarna.
Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya.
Siya ay ang asawa ni Donya Valeriana at ang Bagong tauhan sa Kabanata 9
ama ni Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Kilala ng ibang tao na siya ay isang maginoo. Ang matanda

Donya Valeriana Pinahiran ng matanda ng gamot ang sugat ni


Don Juan pagkatapos nang marinig ng
Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don matanda ang dasal ni Don Juan. Masasabi
Fernando. Kilala ng ibang tao na siya ay mo na isa siyang “Good Samaritan” dahil sa
mabait at maganda. ginawa niya.

Don Pedro Bagong tauhan sa Kabanata 14

Si Don Pedro ay ang panganay ni Don Donya Juana


Fernando at Donya Valeriana. Siya ang unang Siya ay isang magandang prinsesa sa
nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang Armenya.
ibon sa Bundok Tabor Higante

Don Diego Siya ay isang dambuhala na nagbabantay kay


Donya Juana.
Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando
at Donya Valeriana. Nang hindi makabalik si
Don Pedro ay siya ang sumunod na tumungo Bagong tauhan sa Kabanata 15
sa kabundukan.
Leonora
Don Juan
Katulad ni Donya Juana, siya ay isang
Si Don Juan ang bunso ni Don Fernando at ni magandang prinsesa sa Armenya. Siya ang
Donya Valeriana. Siya ang tanging nakahuli sa kapatid ni Donya Juana.
Ibong Adarna at nakapagligtas sa kaniyang
dalawang kapatid. Pitong Ulo serpyente

Ang Manggagamot Isang malaking ahas na may pitong ulo na


nagbabantay kay Donya Leonora.
Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi
niya na ang Ibong Adarna ang gamot sa sakit Bagong tauhan sa Kabanata 19
niya.
Ang Unang Ermitanyo
Bagong tauhan sa Kabanata 6
Siya ay tinanong ni Don Juan upang
Ang Leproso makarating siya sa Reyno De Los Cristales.

3
Bagong tauhan sa Kabanata 21 Bagong tauhan sa Kabanata 22

Pangalawang Ermitanyo Donya Maria


Siya ay tinukoy ng unang ermitanyo na
puntahan. Binigyan nito ng isang pirasong tela Siya ay isang magandang prinsesa sa Reyno
kay Don Juan para mabigay nito sa tatlong De Los Cristales. Gumagamit siya ng puting
ermitanyo. mahika. Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna kay
Don Juan.
Tatlong Ermitanyo
Bagong tauhan sa Kabanata 23
Siya ang binigyan ng pirasong tela mula sa
pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito, Haring Salermo
tinanong ni Don Juan kung saan yung Reyno
De Los Cristales. Siya ang kapatid ng Siya ang ama ni Donya Maria. Gumagamit siya
pangalawang Ermitanyo ng itim na mahika.

PANAWAGAN NG MAY- At maulap ang pananaw. Kaya, Inang matangkakal


AKDA (SAKNONG 1– ako’y iyong patnubayan,
SAKNONG 6) Malimit na makagawa nang mawasto sa
Ng hakbang na pasaliwa pagbanghay
O, Birheng kaibig-ibig Ang tumpak kong ninanasa nitong kakathaing buhay.
Ina naming nasa langit, Kung mayari ay pahidwa
Liwanagan yaring isip At sa tanang nariritong
Nang sa layo’y di malihis. Labis yaring pangangamba Nalilimping maginoo
Na lumayag na mag-isa, Kahilinga’y dinggin ninyo
Ako’y isang hamak lamang Baka kung mapalaot na Buhay na aawitin ko
Taong lupa ang katawan, Ang mamangka’y di makaya
Mahina ang kaisipan

4
Ibong Adarna Buod Kabanata 1: Ang Berbanya (Saknong 1-29)

Ang kaharian ng Berbanya ay tanyag bilang isang sagana at may payapang


pamumuhay. Ang mga piging at pagdiriwang ay madalas na idinaraos sa kaharian ng
Berbanya dahil masayahin ang hari’t reyna na namumuno rito na sila Don Fernando at Donya
Valeriana. Sila ay may tatlong lalaking mga anak na sina Don Pedro, Don Diego, at si Don
Juan. Ang tatlong prinsipe na ito ay likas na magagaling at matatalino higit kanino pa man sa
buong kaharian. Nagsanay ang tatlo sa paghawak ng mga sandata at patalim sa
pakikipaglaban ngunit isa lang sa kanila ang maaaring mahirang bilang tagapagmana ng
kaharian.Hindi maikakaila na paborito ni Don Fernando ang bunsong anak na si Don Juan
kaya namayani ang inggit ng panganay na si Don Pedro sa kapatid.

Ibong Adarna Buod Kabanata 2: Ang Karamdaman ni Don Fernando (Saknong 30-45)

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Don Fernando buhat sa isang bangungot.


Sa kaniyang panaginip ay nakita niya ang bunsong anak na si Don Juan na pinaslang ng
dalawang buhong at inihulog sa malalim na balon.Dahil sa pag-aalala ay hindi na nakatulog
at nakakain nang maayos ang hari magmula noon hanggang sa ito’y maging buto’t-balat na.
Maging ang asawa at mga anak ng Don Fernando ay nabahala na rin dahil walang sinuman
ang makapagbigay ng lunas sa sakit ng hari.Isang medikong paham ang dumating sa
kaharian na naghayag na ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang awit ng isang ibon na
makikita sa bundok ng Tabor sa may kumikinang na puno ng Piedras Platas. Ang ibon na ito
ay matatagpuan lamang tuwing gabi dahil ito ay nasa burol tuwing araw. Nang malaman ang
tungkol sa lunas ay agad nag-utos ang pinuno ng monarka sa panganay na si Don Pedro
upang hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.

Ibong Adarna Buod Kabanata 3: Ang Paglalakbay ni Don Pedro (Saknong 46-80)

Inabot ng tatlong buwan ang paglalakbay ni Don Pedro bago tuluyang matunton ang
daan paakyat sa Bundok ng Tabor. Hindi naglaon ay natagpuan din ni Don Pedro ang
Piedras Platas.Dumating ang laksa-laksang ibon ngunit wala sa mga ito ang dumapo sa
kumikinang na puno. Nakatulog si Don Pedro habang nag-iintay sa pagdating ng Ibong
Adarna.Di nito namalayan ang pagdating ng ibon. Pitong ulit na umaawit ang Ibong Adarna at
pitong ulit rin nagpapalit ng kulay ang kaniyang balahibo. Nakasanayan na ng ibon ang
dumumi bago matulog. Pumatak ang dumi ng ibon sa noo’y natutulog na si Don Pedro. Sa
isang iglap ay naging isang bato ang prinsipe ng Berbanya.

Ibong Adarna Buod Kabanata 4: Ang Kabiguan ni Don Pedro (Saknong 81-109)

Dahil sa nangyari ay hindi na nakabalik ng kaharian ng Berbanya si Don


Pedro.Inatasan ni Don Fernando ang ikalawang anak na si Don Diego na hanapin ang
nawawalang kapatid at hulihin ang Ibong Adarna. Naglakbay si Don Diego ng mahigit limang
buwan bago nito tuluyang marating ang Piedras Platas.Nagpapahinga ito sa isang bato doon
nang biglang dumating ang Ibong Adarna. Nasaksihan ng kaniyang mga mata ang pitong
beses na pag-awit at pagpapalit ng kulay ng balahibo ng ibon.Hindi nito naiwasang
makatulog dahil sa lamyos ng tinig ng mahiwagang ibon. Napatakan muli ng dumi ng ibon si
Don Diego dahilan kung bakit naging bato rin ito.Parang isang libingan ang ilalaim ng puno
ng Piedras Platas dahil sa dalawang prinsipe na kapwa naging bato.

5
Ibong Adarna Buod Kabanata 5: Ang Paglalakbay ni Don Juan (Saknong 110 – 140)

Tatlong taon na ang lumipas ay hindi pa rin nakababalik ang magkapatid na prinsipe
samantalang lalong lumubha naman ang sakit ng hari.Atubiling inutusan ni Don Fernando si
Don Juan na hanapin ang mga kapatid nito at hulihin ang Ibong Adarna. Humingi ng
bendisyon si Don Juan upang payagan ito na umalis para hanapin ang mga kapatid at ang
natatanging lunas sa ama.Di katulad ng naunang magkapatid, hindi gumamit si Don Juan ng
kabayo sa halip ay naglakad lang ito. Naniniwala ang prinsipe na kusang darating ang biyaya
sa kaniya kung mabuti ang kaniyang hangarin.Nagbaon siya ng limang tinapay at kumakain
lamang tuwing makaisang buwan. Panay ang usal niya ng panalangin upang makayanan
ang hirap. Apat na buwan na siyang naglalakbay at tumigas na ang natitirang baon na
tinapay.

Gawain Bilang 1: Hambingan Tayo!


Panuto: Paghambingin ang katangian ng awit at korido. Isulat ang pagakakaiba sa loob ng
hawla.

Korido Awit

Gawain Bilang 2: Piliin Mo Ako!

Panuto: Ibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido. Kilalanin ang mga ito mula sa
pagpipilian. Lagyan ng tsek (/) ang tumutukoy sa kahulugan at katangian ng korido. Ekis (x)
naman ang sa hindi.

______1. Binubuo ng 8 pantig ang isang tuldtod at apat na taludtod sa isang saknong.

______2. Binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludturan, apat na taludtod sa isang


taludturan

______3. Ang himig ay mabagal na tinatawag na andante.

______4. Ang himig ay mabilis na tinatawag na allegro.

______5. Pumapaksa tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan

______6. Pumapaksa tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.

______7. Ang mga tauhan ay walang kapangyarihang supernatural ngunit siya ay nahaharap
din sa pakikipagsapalaran. Higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay.

6
______8. Ang mga tauhan ay may kapangyarihag supernatural o kakayahang magsagawa
ng mga kababalaghang hindi magagawa ng karaniwang tao.

______9. May halimbawang tulad ng Ibong Adarna.

______10. May halimbawang tulad ng Florante at Laura.

Mula sa gawain 2, napatunayan kong ang korido ay


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain Bilang 3: Paliwanagan Mo Ako?


Panuto: Nagtataglay ng bisa ang ilang bahagi ng akda mula sa Ibong Adarna. Bakit kaya
isinama at binigyang-diin ng may-akda ang mga ito? Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw
tungkol sa motibo o dahilan ng may-akda sa pagsasama nito.

1. Naging matapang ang tatlong magkakapatid sa pagsuong sa panaginip para lamang


makahanap ng lunas sa sakit ng kanilang ama. Sa aking palagay, ang motibo ng may-akda
sa paglalagay ng bahaging ito ay

2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Sa aking palagay, ang
motibo ng may akda sa paglalagay ng bahaging ito ay

3. Pinagbilinan ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa kinang ng


mahiwagang puno upang makaiwas sa kapahamakan. Sa aking paglagay, ang motibo ng
may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay

Ikalawang Linggo

Gawain Bilang 4: Punan Mo Ako!


Panuto: Ang Ibong Adarna ay lumaganap sa panahon ng Espanyol subalit hanggang ngayon
ay patuloy na binabasa at pinag-aaralan ng mga kabataang Pilipino dahil sa kariktang taglay
at sa mga pagpapahalagang maaaring kapulutan ng mga aral sa buhay maging ng kabataan
sa makabagong panahon. Baon ang kaisipang ito, umisip ng mga pangyayari sa kasalukuyan
(sa iyong sarili, sa pamilya, sa mga kakilala, nabasa, napanood, o narinig) na maaari mong
iugnay sa mga nakalahad na pangyayari sa akda.

Mga Pangyayari sa Ibong Adarna Kaugnay na Pangyayari sa Kasalukuyan

Si Haring Fernando ay isang makatarungan


at mahusay na pinunong iginagalang at
sinusunod ng kaniyang nasasakupan.
Nang magkasakit ang ama, nagsakripisyo
ang magkakapatid upang mahanap ang
gamot na maaaring makapagpagaling sa
kaniya.
Sina Don Pedro at Don Diego ay naakit sa
kinang at ganda ng puno ng Piedras Platas
kaya’t sila’y nabiktima ng taglay nitong
panganib na nakakubli sa kagandahan.

7
Nagdasal at humingi ng paggabay sa
Panginoon at saka humingi ng bendisyon
mula sa ama si Don Juan bago siya sumuong
sa kaniyang mapanganib na misyon.
Pagkatapos mong maiugnay ang mga pangyayari sa akda sa mga pangyayaring naganap sa
kasalukuyang panahon, marahil ay naiisip mo na kung bakit mahalagang basahin at
pag-aralan ang Ibong Adarna. Isulat sa ibaba ang mga inaakala mong kahalagahan ng
pag-aaral ng Ibong Adarna.

Gawain Bilang 5: Mananaliksik Ako!

Panuto: Pagkatapos mong mabasa ang maikling kaligirang pangkasaysayan, mga tauhan, at
unang bahagi ng koridong Ibong Adarna ay nagkaroon ka ng mga ideya sa kapana-panabik
na daloy ng mga pangyayari rito. Inaasahang higit mo pang mapahahalagahan ang akda
kung madaragdagan ang mga nalalaman mo tungkol sa nasabing korido maliban sa mga
nabasa mo na sa araling ito. Magsaliksik ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang mga nasaliksik na impormasyon sa
sistematiko o maayos na paraan. Basahin ang mga tanong sa ibaba para magabayan ka sa
gagawin mong pananaliksik.

1. Sa anong panahon unang lumaganap ang koridong Ibong Adarna?


2. Bakit marami ang nagsasabing hindi ito maituturing na ganap na bahagi ng panitikang
Pilipino?
3. Ano-anong bansa ang nakaimpluwensiya sa nilalaman, paksa, at estilo ng
pagkakasulat ng korido.
4. Ano-ano pang mahahalagang impormasyon ang nalaman mo tungkol sa Ibong
Adarna?

Sanggunian:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan (Ailleen G.
Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose, Alma M. Dayag)
MELC FILIPINO G7Q1, PIVOT BOW R4QUBE, CURRICULUM GUIDE
https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/#Kabanata-1

You might also like