BUOD

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BUOD

Si Harry James Potter ay isang wizard, isang kalahating wizard at kalahating muggleborn,
isang halfblood. Ang tatay niya ay si James Potter, isang fullblood at ang nanay niya niya na si
Lilly Potter isang muggleborn na namatay noong sanggol pa lamang siya na ang ikinamatay daw
ay dahil sa isang car crash sabi ng kanyang tiya na si Mrs. Dudsley, na sa ngayon ay tagapagpa-
alaga sa kanya kasama ang kanyang tiyo at pinsan. Hindi alam ni Harry ang tungkol sa mahika at
pagiging wizard dahil hindi siya sinabihan ng kanyang tiya at tiyo na may galit sa mga katulad ni
Harry. Si Harry ay hindi isang normal na bata sapagkat siya ay ang The Chosen One, siya
lamang ang nakaligtas at nabuhay mula sab anta ni Voldemort, ang Dark Wizard na ninanais
siyang patayin noong sanggol pa lamang siya ngunit ang curse nito ay hindi tumabla at nabalik
sa sarili at panandaliang nawala.

Nakakuha ng sulat si Harry Potter mula sa Hogwarts Wizarding School na siya ay


natanggap ng paaralan, sa una hindi siya makapaniwala pero sa araw na rin yon ay nalaman niya
na ang maliit na impormasyon sa pagkatao niya. Masayang pumunta si Harry sa paaralan, at ditto
niya nalaman na sikat na tao pala siya sa mundong iyon. Naging matalik niyang kaibigan si
Ronald Weasley, na kabilang sa bahay na kanyang nasalihan, ang Gryffindor. Marami ang
humanga kay Harry at marami rin ang nainis at ayaw sa kanya gaya na lamang ng Slytherin na
si, Draco Malfoy na parati siyang inaasar at ang kaibigan niya. Sa una ay ayaw nila Harry at Ron
kay Hermione dahil isa siyang know-it-all. Pero hindi nagtagal ay parehong nahulog ang loob
nila sa batang babae.

Parating sangkot ang magkakaibigan sa ibat ibang mga pangyayari at kalokohan na


kinalaunan ay tinawagan at nakilala na sila bilang Golden Trio. Si Harry ay magaling na chaser
sa quidditch, kung kayat agad siyang kinuha ni Oliver Wood, habang naging seeker naman si
Ron, at si Hermione naman na takot lumipad ay napakahusay sa akademika. At sa mga panahon
na ito ang sugat na natamo ni Harry mula sa atake kay Voldemort as lalong mas sumasakit at
mas marami siyang mga katanungan para sa kanyang sarili at kung sa ano ang mga nangyayari.

Naghahanap silang magkakaibigan ng mga sagot para kay Harry dahil na rin naaawa sila
dito at gusto itong matulungan. Sa dami ng impormasyon nilang nahanap at pagsabi ni Harry na
buhay nga si Voldemort at nandoon ito sa minamahal nilang paaralan ay mas naging alerto sila at
napagtanto na may taga-loob na tumutulong dito. Ang kanilang pangunahing suspek ay ang
kanilang propesor sa Potions, si Severus Snape na may galit at diskriminasyon kay Harry Potter.
Masigasig na nag-imbestiga ang magkakaibigan at parating sinusundan ang propesor.
At noong nagkaharapan na sila para sa sorcerer’s stone na ninanais ni Voldemort para
makuha nito ang tunay niyang lakas ay nalaman ng magkakaibigan na hindi pala si Propesor
Snape ang taksil ay kundi ang kanilang Defense Against Dark Arts teacher pala. At noong
nakikipaglaban sila para hindi mapunta ang bato sa maling kamay ay may nakita lang silang
liwanag bago pa man nagising sila at sinabihan ni Dumbledore na huwag na mag-alala.

You might also like