Ponemang Suprasegmental

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ponemang Suprasegmental

- Ito ang makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw naipapahayag ang


damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Mahalaga ito para sa mabisang
pakikipagtalastasan dahil nakakatulong ito upang maiparating ang tamang damdamin sa
pagpapahayag sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon.
-
1. Tono/Intonasyon- tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng nagsasalita. Malalaman
din kung ang nagsasalita ay nagsasalaysay, nagdududa, nag-aalinlangan, o nagtatanong.

(Mataas)
3
(Normal)
2

(Mababa)

Karaniwang nagsisimula sa label 2 ang intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa lebel 3
kapag ang pahayag ay nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag lamang.

Halimbawa:
a. kahapon = 213, pag-aalinlangan

pon

ka

ha
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

ha

Ka

pon

b. talaga = 213, pag-alinlangan

ga

ta

la

Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

la

ta
ga

Iba pang halimbawa:


a. Papasok kaya siya? (nag-aalinlangan)
b. Kailan siya aalis? (nagtatanong)
c. Ang ganda ng tula. (nagsasalaysay)
d. Siya ba? (nagdududa)
2. Diin at Haba- Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig
(a, e, i, o, u) ng bawat pantig ng salita.
Halimbawa:
a. /PI.to/ - whistle
/piTO/ - seven
b. /TU.bo/ - pipe
/tuBO/ - sugar cane
c. /BU.kas/ - nangangahulugang sa susunod na araw
/buKAS/ - hindi sirado

Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas at bigat ng bigkas sa pantig ng salita. Ang diin ay
tinutumbasan ng tuldik.

Ang mga sumusunod ay apat na diin sa Filipino.


• Malumay - binibigkas ng banayad at may diin o bigat sa penultima o ikalawang pantig
ng salita. Hindi ito tinutuldikan at maaring magtapos sa pantig at katinig.

Halimbawa:
Nagtatapos sa patinig Nagtatapos sa katinig
dalaga nanay
lalaki kanluran
sarili matahimik
tao malumay

• Malumi - tulad ng malumay, ito ay binibigkas nang banayad subalit may impit o glottal
stop sa huling pantig ng salita. Nilalagyan ito ng tuldik na paiwa (`).
Halimbawa:
batì dalamhatì
batà talumpatì
labì dambuhala
sukà mutà
• Mabilis - binibigkas ito nang tuloy - tuloy at may diin sa huling pantig. Tinutuldikan ito
ng pahilis (′).
Halimbawa:
Nagtatapos sa patinig Nagtatapos sa katinig
takbó mapaypáy
bató bulaklák
sulú alagád
malakí alitaptáp

• Maragsa - tulad ng mabilis, binibigkas ito nang tuloy-tuloy subalit may impit sa huling
pantig at tinutuldikan ng pakupya (^).
Halimbawa:
dukhâ salitâ
butikî panibughô
apatnapû kaliwâ
sampû pô

Paalala: May mga salita sa Filipino na nagtataglay ng impit na tunog sa huling pantig.
Sinisimbolo ito ng tuldik na paiwa /`/. Makikita ito sa mga sumusunod na salita:

Salita Transkripsyon Kahulugan


banta /bantà/ threaten
kutya /kutyà/ insult
pinto /pinto/ door

3. Hinto o Antala - Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensahe. Maaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling
( - ) upang ipakita ang paghinto.

Halimbawa:

Hindi frontliner ang ate ko.


(sinasabing hindi frontliner ang ate niya.)
Hindi, frontliner ang ate ko
(pinagdidiinan niyang frontliner ang trabaho ng ate niya.)
Unang Sobre!

Ano kaya ang nais ipahiwatig? Sabihin sa akin!

a. Ang ganda ko?


b. Ang ganda ko.
c. Ang ganda ko!

Sagot

Ang ganda ko? – Nag-aalangan Sir

Ang ganda ko. – Nagsasalaysay Sir

Ang ganda ko – Masaya Sir

Pangalawang Sobre

Ako ay magkatulad na mga salita pero bakit magkaiba?

a. bala-/BA. La/
b. bala-/ba.LAH/

Sagot

bala - /BA. la/ - ang ibig sabihin po nito ay bullet na kasangkapan sa armas na baril.

bala - /ba.LAH/ - ang ibig sabihin po nito ay threat sa ingles.

Pangatlong Sobre

Ano ba talaga?

a. Hindi maganda.
b. Hindi, maganda!

Sagot

Hindi maganda. - Sinasabing hindi Maganda ang isang bagay.

Hindi, maganda! – pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing ito ay maganda.

Ang tinalakay po natin kahapon ay tungkol sa Aspekto ng Pandiwa. Ito ay may tatlong (3) aspekto.
Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pangnagdaan-ang kilos ay naganap na o tapos na


2. Pangkasalukuyan-ang kilos ay nagaganap na
3. Panghinaharap-ang kilos ay nagaganap pa lamang
Maglalaba
Naglalaba
Binabasa
Babasahin
Binasa

You might also like