Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG PAGBABAGO SA BUHAY NI ELLA

ni Debbie Wacangan

Tauhan:
Ella: isang babae na inaayawan ng lahat dahil sa kanyang ugali.
Joy: isang tagapinta na nakapagpabago sa ugali ni Ella.
Pook:
-isang paaralan sa Poblacion Tadian na kung tawagin ay TSAT.
Panahon:
-Ngayon
Tagpo:
Si Ella ay isang babae na laging sinusuway ang utos ng kanyang mga magulang,
lagi ‘rin niyang inaaway ang kanyang mga kaibigan, at hindi sumusunod sa utos ng
kanyang mga guro. Sa pagbukas ng tabing, makikita si Ella na umiiyak sa labas ng
kanilang silid aralan.
Ella: Bakit ba ako inaayawan ng lahat? Ano ba ang problema nila sa akin? (Kinakausap
ang sarili habang umiiyak)
Joy: Iha, may problema ka ba? May masakit ba sayo? (Hawak niya ang mga litrato na
kanyang pininta)
Ella: Sino ka?
Joy: Ako nga pala si Joy! Bakit ka umiiyak, may masakit ba sayo? Iha, ano’ng pangalan
mo?
Ella: Ah! Wala ‘to. (Tumigil sa pag-iyak) Ako nga pala si Ella. Ano ba ‘yang hawak mo?
Joy: (Iniabot niya kay Ella ang litrato)Pininta ko nga pala ang mga ‘yan, nagustuhan mo
ba?
Ella: (Kinuha ang litrato at saka nagsalita) Maganda naman ito kaso walang materyal
na halaga. (Tinitignan ang litrato)
Joy: Alam mo iha, hindi kailangan ng isang bagay na malagyan ng ginto o ‘di kaya ay
magagarang palamuti para bigyan ito ng halaga. Mahalin mo lang ang isang bagay at
tiyak na napapahalagahan mo ‘din ito.
Ella: Ganon po ba? (Ibinalik ang litrato) Mauna na po ako!
(Kinabukasan, habang naglilinis si Joy ay nakita niya si Ella na inaaway ang kanyang
mga kaibigan pagkatapos ay umalis ito)
Joy: Ellaaaaaaaa! (Hinabol niya si Ella)
Ella: Ano po ‘yon?
Joy: Nakita kase kita na inaaway mo ang iyong mga kaibigan kaya sinundan kita. Ano
ba ang problema nila?
Ella: Ano kasi… naiinggit lang naman ako sa kanila kasi ang tataas ng mga grado nila.
(May tumawag sa telepono ni Ella)
Ella: Sino po sila?....Ano?!
Joy: Ano’ng sinabi?
Ella: Naaksidente ‘yung mga magulang ko sa sinakyan nilang kotse! Kailangan ko
silang puntahan! (Naluluha)
Joy: Ano?! Samahan na kita!
(Pagdating nila sa ospital ay humagulgul si Ella ng sinabi ng doktor na patay na ang
kanyang mga magulang)
Ella: Bakit ganon? Ang ikli ng buhay na ibinigay ng Diyos sa mga magulang ko. Kung
alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana humingi na ako ng tawad sa mga
nagawa kung kasalanan sa kanila. (Kinakausap ang sarili habang umiiyak)
Joy: Alam mo Ella, walang kasalanan ang Diyos sa pagkamatay ng iyong mga
magulang. Siguro may dahilan kung bakit nangyari ito. Siguro kailangan mo lang
talagang manalangin baka sakaling maintindihan mo kung ano ang ipinapahiwatig nito.
Ella: Sigurado ka ba diyan?
Joy: Oo, (Pinunasan ang luha ni Ella) halika na. (Hinila niya si Ella)
(Pagdating nila sa simbahan ay pina-upo ni Joy si Ella)
Joy: Sige na, magdasal kana.
(Habang nagdadasal si Ella ay pinakikinggan ni Joy kung ano ang kanyang
pinagdadasal. Sa ganoong paraan ay nalaman ni Joy kung gaano kamiserable ang
buhay ni Ella)
Joy: Tapos ka na ba?
Ella: Oo tapos na ako. Uwi na tayo.
Joy: Tara!
(Habang sila ay naglalakad pauwi, kumakain sila ng tinapay habang sila ‘din ay
nagkukuwentuhan)
Joy: Alam mo ba Ella? ‘Nung narinig kitang nagdasal sa simbahan, doon ko lang
nalaman kung ano ang pagkatao mo. Ano nga pala ang pakiramdam mo ‘nung
nagdasal ka?
Ella: Alam mo, nakakagaan ‘din pala sa pakiramdam ‘yung pagdadasal. (Ngumiti at
saka itinapon ang balat ng kanyang pinagkainan sa gilid ng kalsada)
Joy: Sabi ko sayo eh! (Ngumiti) Bakit mo ‘yon itinapon? Dapat itinatapon ‘yan sa
wastong lalagyan! (Sabay turo sa cellophane ng tinapay na itinapon ni Ella)
Ella: Hay nako! Hayaan mo na ‘yan. May naglilinis ‘din naman.
Joy: Alam mo, kahit may naglilinis diyan ay kailangan parin natin ito’ng ilagay sa
basurahan para naman kahit papaano ay natutulungan natin sila.
Ella: Sige na, pupulutin ko na. (Ngumiti)
Joy: Ella, dito na ‘yong bahay namin.
Ella: Sakto! Dito lang kasi ‘yong bahay namin. Magkapitbahay pala tayo. (Ngumiti)
Sige, paalam po Tita Joy!
Joy: Sige, paalam. Sunduin mo ako bukas para sabay na tayong pumunta sa paaralan.
Ella: Opo!
(Kinabukasan, napag-isipan ni Joy na isama si Ella sa pagpunta niya sa arts room)
Ella: Tita Joyyyyy…?!
Joy: Ay! Nandito ka na pala. Tara na!
Ella: Tara na po!
(habang sila ay naglalakad, sila ay nagkukuwentuhan)
Joy: Oo nga pala Ella, pupunta ako sa arts room ngayon. Gusto mo bang sumama?
Ella: Sige po Tita Joy! Sa katunayan po, ang ipinakita ninyo na litrato sa akin noong
nakaraan ay siya’ng nagbigay ng pag-asa sa akin na mabuhay kahit wala na ang aking
mga magulang. (ngumiti)
Joy: Aba’y mabuti ‘yan. Gusto mo ba na turuan kitang magpinta?
Ella: Siyempre po! Gustong-gusto ko po!
(Nang makarating na sila sa arts room ay pinapasok ni Joy si Ella at namangha si Ella
sa ganda ng mga art works)
Ella: Grabe! Ang ganda! (Namangha)
Joy: Nagustuhan mo ba? Halika, upo ka dito at tuturuan kita.
Ella: Sige po.
(Habang tinuturuan ni Joy si Ella, sila ay nagkukuwentuhan)
Ella: Tita Joy,matanong ‘nga po kita. Ano po ba ang kahalagahan ng pagpipinta sa
buhay ninyo?
Joy: Para sa akin, ang pagpipinta ang nagbibigay inspirasyon sa akin kung paano
harapin ang mga pagsubok sa buhay at ginagamit ko ‘din itong pagpipinta upang
tangkilikin ang kultura ng ating bansang Pilipinas.
Ella: Ganon po ba? Sana kapag natuto na ‘din po akong magpinta ay may maganda po
itong maidudulot sa lipunan.
(Habang nagkukuwentuhan sina Joy at Ella ay pumasok ang mga kaibigan ni Ella at
agad naman siyang humingi ng tawad sa kanyang mga nagawang kasalanan sa kanila.
Humingi ‘din siya ng tawad sa kanyang mga guro at agad naman nilang pinatawad si
Ella dahil sabi ‘nga nila, nagbabago ang tao pagdating ng panahon. Mula noon,ginamit
ni Ella ang pagpipinta bilang susi sa paggawa ng mabuti sa kapwa at para maging
makadiyos, makatao, makakalikasan at makabansa)

You might also like