Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Unit 3: Morpolohiya

Mga Susing-Salita:
 Morpolohiya - pag aaral ng morpema.
 Morpema - pinakamaliit na bahagi ng wika.
 Pantig -Ang Pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang
bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
 Pagpapantig - Ang pagpapantig ay paraan ng pahahati-hati ng salita sa mga pantig.
Ano ang Morpolohiya?
 Ang morpolohiya o Palabuuan ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika.
 Ito ay isang sistemang pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng salita ng isang wika.

A. Mga Anyo ng Morpema


Ano ang Morpema?
 Ang salitang MORPEMA ay galing sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego – morph
(anyoo yunit) + eme (kahulugan).
 Ang morpema ay ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan.
 Ang morpema ay hindi dapat ipagkamali sa pantig.
Halimbawa:
Mabunga
pantig: ma/bu/nga
Ma(marami,mayroon) bunga(epekto)
1. Morpemang ponema
Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang
ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng
salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng (-a) sa pusisyong pinal ng Ikalawang
salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang "kasariang pambabae." Samakatwid, ito
ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema: (propesor) at (-a), Iba pang halimbawa:
 Doktora (doktor) at (-a)
 Senyora (senyor) at (-a)
 Plantsadora (plantsador) at (-a)
 Kargadora (plantsador) at (-a)
 Senadora (senador) at (-a)
Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang (-a) na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang
maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-isang morpema, (maestro) at (maestra). Ang
mga ponemang (o) at (-a) na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang (maestr) at
sasabihing morpemang
(-a) at (-a) ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae Tulad din ng sumusunod
na mga salita na may isang morpema lamang
 bombero na hindi (bomber) at (0) o (-a)
 kusinero na hindi (kusiner) at (-o) o (-a)
 abugado na hindi (abugad) at (0) o (-a)

2. Morpemang Salitang Ugat


Ito ay tinatawag ding malayang morpema sapagkat ang salitang-ugat ay nagtataglay na ng kahulugan.
Haalimbawa ng mga salitang:
buhay, lakas, batas, bayan, at iba pa.
Note: Mga payak itong salita salita dahil walang panlapi.
3. Morpemang Panlapi
Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, Kaya't bawat isa ay
isang morpema.
Halimbawa:
 Ang panlaping (um-/-um-} ay may kahulugan "pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat.
 Sa pandiwang umaawit, ang (um-) ay nangangahulugang "gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit
Tulad ng mga sumusunod:
mag-ina (mag-) at (ina)
maganda (ma-) at (ganda)
magbasa (mag-) at (basa)
bumasa {-um-) at (basa)

B. Mga uri ng Morpema ayon sa Kahulugan

Morpemang may kahulugang pangnilalaman o leksikal


 Ang mga morpemang pangnilalaman ay binubuo ng pangngalan at panghalip bilang nominal, pandiwa at mga
panuring na pang-abay at pang-uri.
Halimbawa:
 Aso – pangngalan
 Maganda – pang-uri
 Kahapon pang-abay
 tumatakbo – pandiwa
 Siya – panghalip

Morpemang may kahulugang pangkayarian


 Ang mga morpemang ito ay walang kahulugang taglay hangga’t di naisasama sa iba pang morpema na
magpapalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pananda at mga pang-ugnay
Pananda (si, sina, ng mga, ang, ang mga, ay)
Pang-angkop (na, -ng)
Pang-ukol (ykol sa/kay, alinsunod sa/kay, sa, ayon sa/kay)
Pangatnig (at, subalit, datapwa’t, ngunit)

C. Pangkalahatang paraan ng pagbuo ng mga salita


Ang pagbuo ng salita ay isang mahalagang salik na makatutulong sa pagpapayaman ng bokabolaryo. Sapagkat mula sa
mga payak na pananalita ay nagagawa ng isang mag-aaral na mapaunlad ang salita, gamit ang mga kasanayan nito.

Paggamit ng salitang-ugat
Ang salita ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang salitang-ugat ay batayang salita ng iba pang pinahabang mga salita.
Samakatwid, ito ang salita sa basal o likas na anyo walang paglalapi, pag-uulit, o pagtatambal.
Mga Halimbawa:
 Awit
 Bayani
 Talino
 Yaman
 Pinto
 Sahig

Paglalapi
Paglalapi ito ay paraan ng pagkakabit ng panlapi sa salitang- ugat. Ang panlapi ay hindi salitang-ugat kundi morpemang
pandagdag.

Pag-uunlapi
Ang panlapi ay nilalagy sa unahan ng salitang ugat.

Pag-gigitlapi
Ang panlapi ay linalagay sa gitna ng salitang ugat.

Pag-huhulapi
Ang panlapi ay nilalagay sa hulihang bahagi ng salitang ugat.

Pag-uunlapi at Pag-Huhulapi
Ang panlapi ay nilalagay sa unahan at hulihan ng salitang ugat.

Pag-gigitlapi at Pag-huhulapi
Ang panlapi ay nilalagay sa gitna at hulihan ng salitang ugat.
Pag-gigitlpi, Pag-huhulpi, at Pag-uunlapi
Ang panlapi ay nilalagay sa unahan, gitna, at hulihan ng salitang ugat.

Pag-uulit
Ito ay ang paraan at batayan sa pag uulit buong salita o bahagi ng salita.. May dalawang anyo ng pag-uulit ng mga salita:
Buo/Ganap na pag-uulit
Inuulit lamang ang isa o higit pang pantig o silabol ng salitang-ugat.
Halimbawa:
 Ano ano ano-ano
 Mali+mali = mali-mali
 Gabi+gabi = gabi-gabi
 Agad+agad = agad-agad

Parsyal/Di ganap na pag-uulit


Inuulit lamang ang isa o higit pang pantig o silabol ng salitang ugat.
 Pag-uulit sa unang pantig ng salita
Halimbawa: Ikot = iikot
 Pag-uulit sa unang dalawang pantig ng salita
Halimbawa: baligtad = bali-baligtad
 Kuung ang salita ay may panlapi, ang unang pantig ng Salitang-ugat lamang ang inuulit.
Halimbawa: Magluto = magluluto

Pagtatambal
Sa paraang ito ang mga salita ay nabuo sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga morfema na naging bahagi ng wikang
Filipino.
Tambalang Ganap
Kapag ang dalawang salitang pinagtatambal na may magkaibang kahulugan ay nakabuo ng ikatlong kahulugan na malayo
sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Kadalasan ang salitang nabubuo ay hindi na nilalagyan ng gitling.
Halimbawa:
 Hampas + lupa = hampaslupa
 Bahag + hari = bahaghari

Tambalang Di-Ganap
Ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay nananatili ang kahulugan at wala nang ikatlong kahulugan.
Ito ay ginagamitan ng gitling.
 Ang ikalawang salita ay naglalarawan sa unang salita.
Halimbawa: Isip+bata = isip-bata
Kulay + dugo = kulay-dugo
 Ang ikalawang salita ay nagsisilbing layon ng unang salita
Halimbawa: ingat + yaman = ingat-yaman
Bantay + bahay = bantay- bahay

 Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng gamit ng unang salita


Halimbawa: Silid + kainan = silid-kainan
Bahay + bakasyunan = bahay-Bakasyunan

 Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng pinagmulan o tirahan ng tinutukoy ng unang salita.


Halimbawa: Bata + lansangan = batang-lansangan
Bahay + bata = bahay-bata

 Kung binubuo ng dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan.


Halimbawa: lakad + takbo = lakad-takbo
Taas+ baba = taas-baba

D. Mga Pagbabagong Morpoponemiko


 Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil
sa impluwensiya ng kaligiran. Ang mga katabing tunog ang dahilan ng pagbabagong- anyo ng isang morpema.
Assimilasyon
Ito’y tumutukoy sa pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog. Kabilang
dito ang mga panlaping nagtatapos sa ng tulad Ng sing- pang, at mang na nagkakaroon ng alomorp.
May dalawang uri ng assimilasyon:
Asimilasyong parsyal.
Tinatawag din itong asimilasyon di-ganap. Ito ang mga pagbabagong nagaganap sa pinal na morpemang -ng na nagiging
in /o /m dahil sa punto ng artikulasyon o dahil sa sumusunod na Tunog.
Asimilasyong ganap
May nagaganap pang pagbabago sa salita maliban sa alomorp nito. Kadalasan, naaalis ang unang titik ng salitang-ugat
upang lalong madulas ang pagbigkas ng mga salita.
Halimbawa:
 Pang+talo — pantalo = panalo
 Sing+bait — sim + bait = simbait
 Mang+salamin — mansalamin = manalamin
Pagpapalit ng ponema
Ito’y pagbabagong anyo ng isang ponema na napapalitan sa pagbuo ng isang salita. Maaaring mangyari ito sa mga
sumusunod na halimbawa:
/o/ at /u/ kapag inuulit ang pantig na may tunog na /o/ na maaaring gamitan ng pang-angkop ang unang bahagi ng
inuulit na salita, kapag nilalapian ang salitang may /o/ sa huling pantig
Halimbawa:
 Sino + sino = sinu-sino
 Bibo+ng+bibo = bibung-bibo
 Dugo + an = duguan bilog + an = bilugan

/e/ at /i/ - nangyayari ang pagpapalit ng/e/ at // kapag inuulit ang pantig na may / e / at kinakabitan ng pang-angkop ang
unang bahagi ng salitang inuulit.
Halimbawa:
 Lalake + ng = lalaking – lalaki
 Babae + ng = babaing – babae
/d/ at /r/ - nagiging /r/ang /d/ kapag ito ay nasa pagitan ng dalawang patinig.
Halimbawa:
 ma+dunong-madunong = marunong
 ma + dami - madami = marami
 Dagat + an - kadagatan = karagatan

/h/at/n/-nangyayari ito sa sumusunod na halimbawa ng salita.


Halimbawa:
 Tawahan = tawanan
 Taluhan = talunan

Metatesis
Ito ang paglilipat ng lugar o posisyon ng isang ponema sa isang morpema. Kadallasan, kapag ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa /l/ o /y/, at ginigitlapian ng -in, nagpapalit ang posisyon ng /i/ at In/ kaya nagiging ni.
Halimbawa:
 Yakap + -in—yinakap = niyakap
 Yaya + -in—yinaya + niyaya

Nangyayari rin ang paglilipat sa sumusunod na morpema, ngunit may kinakaltas ding ponema.
Halimbawa:
 Taniman – taniman = tamnan
 atip + an- atipan = aptan

Pagkakaltas ng ponema
Sa pagbabagong ito, may nawawalang isang ponema o morpema sa isang salita. Maaaring mangyari ito sa unahan o
gitna ng salita.
Halimbawa:
 takip + an- takipan = takpan
 bukas + an bukasan = buksan
 magpa + tahi - magpatahi= i = patahi
 kuha +in-kuhanin = kunin

Paglilipat-diin
Nangyayari ang pagbabagong ito kapag naililipat ang diin ng morpema at ito ay nilaplan.
Sa halimbawa, ang diin sa salitang-ugat na linis na nasa unang pantig // ay nailipat sa pangalawang pantig / nis/ nang ito
ay nilapian.

Reduplikasyon
Ang ibang tawag ditto ay pagsusudlong ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang
dating hulapi ang salitang-ugat. Nangyayari rin ito sap ag-uulit ng salitang ugat.
Halimbawa:
 Totoo + han-totohan + in = totohanin
 Alala + han – alalahan + in = alalahanin
 Pamalo = pamalo + ma = pamamalo

You might also like