Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

1

10
ma

Filipino
Kwarter 4, Linggo 3
Lingguhang Pilyego ng mga Gawaing

Pampagkatuto

BASILIO: Buhay, Pangarap, at


Mithiin, Paniniwala, at Saloobin

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
2

Filipino 10
Alternative Delivery Mode
Kwarter 4 – Linggo 3: BASILIO: Buhay, Pangarap, at Mithiin, Paniniwala
at Saloobin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin


o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumubuo ng WLAS

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Kasiguraduhan: Rosalyn Ann S. Bondoc
sa Kalidad Francis P. Mecompal
Jessine B. Gabisan
Fatima R. Matimatico

Tagasuri: Florence D. Comandante


Mga Tagaguhit: Junel M. Anino, Bernie R. Pamplona
Tagapamahala: Romeo O. Aprovechar, CESO V, SDS
Love Emma Sudario, ASDS
Rayfrocina T. Abao, Ph.D
Florence D. Comandante
Bernie R. Pamplona

Inilimbag sa Pilipinas sa pamamagitan ng


Department of Education – Division of Agusan del Norte
Address sa Opisina: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue, Syudad sa Butuan, Pilipinas 8600
Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
3

E-mail Address: cid.adn@deped.gov.ph.


LINGGUHANG PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Filipino 10 Kwarter 4, Linggo 3

BASILIO: Buhay, Pangarap, at Mithiin, Paniniwala, at Saloobin

Pangalan: _______________________________ Seksyon: _________________

Mga Mahahalagang Kasanayang Pagkatuto (MELC)

* Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa


pamamagitan ng pagtunton ng mga pangyayari, pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa wakas.
(F10PB-lVb-c-87)
* Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit
sa binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa. (F10PT-IVb-c-83)
* Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video
clip ang pangyayari sa panahon ng pagkasulat ng akda. (F10PD-
IVb-c-82)
* Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng
binasang akda batay sa makatotohanan ng mga pangyayari,
tunggalian sa bawat kabanata ng mga tauhan. (F10PS-IVb-c-86)

Mga Layunin:

1. Nailalarawan ang katangian ng mga piling tauhan na masasalamin sa


nobela gamit ang character mapping.
2. Nailalahad ang nakatagong kahulugan sa mga matatalinghagang
pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan
ng pagbibigay ng halimbawa gamit ang graphic organizer.
3. Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video
clip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda gamit ang
grapikong presentasyon.
4. Nasusuri ang napakinggang buod gamit ang venn diagram.

Oras: Apat na oras at sampung minuto

Batayang Konsepto:

Basilio, larawan ng nilalang na may marangal na budhi at pagkatao.


May pananalig sa kagandahan ng buhay kahit balot ng agam-agam. Laging
may pag-asang tinatanaw at umaasang darating ang magandang buhay sa
piling ni Huli. Sa kabila ng mga panlalait na kanyang naranasan ay
pinapahalagahan pa rin ang kanyang buhay at ipinagpatuloy ang pagkamit
ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
4

SI BASILIO (Kabanata 6)

Nang tumutunog ang mga batingaw para sa panghatinggabing misa,


si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit na ang buwan kaya’t
paaninaw siyang tumungo sa libingan ni Sisa, ang kanyang ina. Ipinagdasal
niya ang kaluluwa ng kanyang ina at nagbalik-tanaw sa mga pangyayari sa
nakalipas na labintatlong taon.
Namatay ang kanyang ina at may dumating na lalaking sugatan.
Pinahakot siya ng kahoy at ipinasunog ang bangkay ng kanyang ina at ng
sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa
pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat at lumuwas ng Maynila na maysakit at gulanit
na damit. Nais niyang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom.
Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo
si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Pinag-aral sa San Juan de
Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang
salitang “adsum” o “narito po”.
Minaliit si Basilio dahil sa luma at gulanit na suot ngunit lagi siyang
nagsasaulo ng mga leksyon. Nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan
sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang
loob niya.
Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at nakapagtamo
siya ng notang aprubado na hindi nakamit ng siyam na kasama sa kanyang
pangkat.
Sa ikatlong taon niya, naisipan ng professor na Dominiko ang
pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase.
Natugon ni Basilio ang tanong na parang loro sa pagsagot. Ang lahat ay
nabigo sa inaasam na katuwaan.
“Bakit pa tatanungin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase?”
Nawalan siya ng sigla sa pag-aaral ngunit isang profesor niya ang
nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at
nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete. Sable
laban sa baston.
Namayani siya sa labanan. Nakilala ng propesor, Nang matapos ay
sobresaliente na siya, may mga medalya pa.
Muhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si
Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan
ni Basilio at nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang
mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina.
Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio.
Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na
ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakakasal na sila ni Huli.

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
5

Gawain 1. Talasalitaan: Palawakin


Panuto: Hanapin sa kabilang hanay ang kahulugan ng mga
sinalungguhitang matatalinghagang pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
A B
_____1. Paaninaw na tinungo ni Basilio ang a. narito po
libingan ni Sisa.
_____2. Napagkamalan si Basilio na tanga b. palingon-lingon
upang magpatawa sa klase habang naglalakad
_____3. Ang lahat ay tumugon at sinabing c. mangmang o walang alam
adsum
_____4. Pinakamataas na karangalan d. Misa de Gallo
at may kasamang pang medalya
_____5. Misa sa hating-gabi o madaling araw e. sobresaliente
sa panahon ng kapaskuhan f. parehong naghahanap
_____6. Nagsimulang maghukay si Simoun ng hustisya
sa tulong ng isang asarol g.sinalubong ng pang-iinsulto
_____7. Tinuligsa ni Simoun ang mga h. bagay na gamit sa
nagpapanggap pagbubungkal ng lupa
_____8. Inulos niya ng tuya si Basilio i. pagbatikos o pagreklamo
_____9. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan j. sunod-sunuran sa mga
_____10.Magyuko ng ulo sa mga mapangamkam sakim at mandarambong

Basahin at unawaing mabuti ang isa pang kabanata na kakikitaan rin ng


mga saloobin, paniniwala at mithiin ni Basilio.

Si Simoun (Kabanata 7)
Pauwi na sana si Basilio nang may narinig siyang mga papalapit na
yabag at liwanag. Nagtago siya sa puno ng Balete. Sa kabila ng punong ito
tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio – Si Simoun nang mag-alis ito
ng salamin. Nagsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol.
Naalala ni Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang
ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio:
“Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na
nagbubuhay Simoun – ang si Ibarra?”
Nagpakita na kay Simoun si Basilio at naghandog ng pagtulong bilang
ganti sa tulong na ipanagkaloob nito may 13 taon na ang nakalilipas.
Tinutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Tanong ni Simoun.
“Sino ako sa palagay mo?”
Tugon ni Basilio:
“Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat,
matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas
kong ikinalulungkot.

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
6

“Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya


sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay
ikasisira ng aking mga balak.”
At sinabi niya na dapat niyang patayin si Basilio upang iligtas ang
kanyang layunin.
“Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya
ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa
katarungan. Dapat tayong magtulungan”
Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang
pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik siya
upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya
raw ay nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at
simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.
Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na
nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing
lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang
mga Kastila at Pilipino.
Ito raw ay magbibigay daan sa bansa sa pagiging bayang walang
sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa
pagpipilit manghiram ng wika. Nais ni Basilio na matulad ang Pilipinas sa
mga bansang magugulo sa Timog Amerika.
Ayon kay Basilio ang Kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa
mga pulo ng Pilipinas. Pinabulaan ito ni Simoun:
“Ang Kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa
bayang ito; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng
kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan.”
Iilan lang daw ang makapagsalita ng Kastila at ang mga ito’y
mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin.
Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang
Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika.
Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at
umunawa ng sariling wika.
Mabuti raw sabi ni Simoun at hangal ang pamahalaang Kastila na
ayaw magpaturo ng wikang ito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at
Alemanya. Aniya:
“Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika,
napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng
bayan”
Inihimutok ni Simoun na ang kilusang kabataan sa pagpapaturo ng
Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa
kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang
ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni’t baka di
siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.-
Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinusod ng kabataan. Bukod
sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa
sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam.
“Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin
ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes?
Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada
Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
7

Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang


nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang
matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang
sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang
katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga
layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang
panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan.
Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko
kayong mabuhay!”
Nakahinga si Basilio at sabi niya di siya pulitiko. Lumagda siya sa
kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa
panggagamot daw siya nakaukol.
Sa kasalukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang
mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit
nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na hindi
nauukol sa isang layuning dakila.
Sabi ni Basilio pinili raw niya ang siyensiya para makapaglingkod sa
bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang
karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng
ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang
lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at
napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao’y mamamayan na ng
daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang
salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o
kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito.
Napailing si Simoun. Upang makaabot sa kalagayang sinabi ni
Basilio, kailangan munang lumaya ang mga tao at ito’y nangangailangan
ang mga tao. Ang sinabi raw ni Basilio’y pangarap lamang. Ang kadakilaan
ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa
pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.
Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ng binata. Inulos
niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio
kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Tanong ng binata:
“Paano ako makapaghihiganti?”
“Ako’y dudurugin lamang nila.”
Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng
paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon ni Basilio.
“Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti?”
“Makatulong ka sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian”
Ang pagpapaumanhin ay hindi laging kabaitan kundi ito’y kasalanan
na nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang
paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring
danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang
inapi ay siya pa ang kamumuhian.
“Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi”
“Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at
mabuhay”

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
8

Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng:


“At magkaanak ng mababait na alipin ang mga damdaming mabuti o
masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang
munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na
bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa
inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na.”
Nagmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan
si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may
kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa
Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip:
“Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong
maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala
nang hangad maghiganti”
Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na
makapaghiganti.

Gawain 2. Punan Mo Ang Kulang Ko


Panuto: Punan ang mga kahon ng impormasyon upang mailarawan ang
katangian ng pangunahing tauhan at matukoy ang papel na kaniyang
ginagampanan sa binasang kabanata.

Ilarawan si Basilio
bilang mag-aaral.

Ano/ano-ano ang
Saan naganap ang
mga pangyayari na
mga pangyayari?
hinarap ng tauhan?
Basilio

Ano/ano-anong mga Paano nasolusyonan


suliranin ang hinarap ni Basilio ang mga
ni Basilio? suliraning ito?

Ano ang wakas ng


kabanata?

Gawain 3. Nakaraan at Kasalukuyan, Ano ang Kaugnayan?

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
9

Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon na nasa sunod na pahina,


iugnay ang mga nangyayari sa kasalukuyan sa mga pangyayari sa panahon
ng pagkakasulat ng akda. Isulat sa kabilang kahon ang iyong sagot.
Kasalukuyan Pangyayari sa
Si Basilio panahon ng
pagkakasulat ng akda
Bullying (Pambubulas)
Isa sa mga suliranin ngayon ng mga kabataan ay
ang pambubuly na madalas sumira sa buhay ng
mga naging biktima dahil sa sobrang depresyon

Kawalan ng Katarungan
Pang-aapi, diskriminasyon, panlalait ay ilan
lamang sa mga isyu ng lipunan ngayon na
minsan ay humantong pa sa pagkawala ng mga
mahal sa buhay

Si Simoun
Pagsisinungaling
Marami sa ngayon ang nagpapanggap upang
maisakatuparan ang mga balak. Mga gumagamit
at nagpapagamit lalo na sa larangan ng pulitika

Wikang Dayuhan
Malakas pa rin ang hatak ng mga wikang
dayuhan. Sa katunayan, isang elective subject
na ngayon ang wikang Korean sa mga piling
paaralan ng ating bansa

Repleksyon/Paglalahat
Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram, sagutin ang mga gabay na
tanong.

1. Anong makatotohanang pangyayari ang magkakatulad sa binasang buod


ng dalawang kabanata?

2. Ano/ano-ano ang pangunahing suliranin ng bawat tauhan sa kabanata?

Si Basilio Si Simoun

Suliranin Suliranin

Manunulat: Maria Rhodora H. Dela Calzada


Paaralan: Buenavista National High School
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph
10

Makatotohanang Pangyayari
Sanggunian

https://www.wattpad.com 687

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. b 6. h
2. c 7. i
3. a 8. g
4. e 9. f
5. d 10. j
Gawain 2
1. bilang mag-aaral- matiyaga, matibay ang loob at matalino
2. mga pangyayari- mga pinagdaanang pagsubok sa kanyang pag-aaral
3. saan naganap- Maynila, sa gubat ng mga Ibarra
4.mga suliranin- ang pangmamaliit sa kanya ng kanyang guro at mga kaklase
5. paano nasulosyonan- lalong nagsusumikap sa pag-aaral
6. wakas-naging tanyag na mag-aaral si Basilio at malapit na siyang
makapagtapos ng pag-aaral
Gawain 3
Kasalukuyang Pangyayari Panahon ng pagkakasulat ng Akda
BULLYING Naisipan ng propesor na dominiko ang pagtatanong kay
Basilio na akala niya ay tanga at gawing katatawanan sa
klase.
KAWALAN NG Minamaliit si Basilio dahil sa kanyang luma at gulanit
KATARUNGAN na damit at ang hindi makatarungang pagkamatay ng
kanyang kapatid.
PAGSISINUNGALING Nagbalatkayo si Ibarra bilang Simoun upang makapag
higanti sa pamahalaang kastila at mga prayle.
WIKANG DAYUHAN Nagbabalak magpatayo ng paaralan ng wikang Kastila
ang grupo nina Basilio at ito ay mahigpit na tinutulan
ni Simoun dahil may sariling wika ang mga Pilipino na
dapat tangkilikin.
Repleksyon/Paglalahat
Makatotohanang Pangyayari----- parehong may itinatagong lihim sina Basilio
at Simoun,parehong nakaranas ng kawalang
katarungan.
Suliranin ni Basilio-------------- ang hirap at gutom na dinanas niya sa
Maynila bago niya nakita si Kapitan Tiyago
Suliranin ni Simoun------------- ang Calzada
Manunulat: Maria Rhodora H. Dela matinding nasa niya na makapaghiganti
Paaralan: Buenavista National High School
sa mga kastila.
Sangay: Agusan del Norte
email address: agusan.norte@deped.gov.ph

You might also like