Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Bahay Na Bigla Na Lang Nawala Isang Gabi

Ni Van Garzon

Nag-iisang anak nina Mang Kanor at Aling Pacita si Jose kung kaya’t ginagawa nila ang lahat
para dito. Nakatira ang maliit na pamilya sa isang baryo sa probinsya ng Santo Tomas.
Simula noong ipinanganak si Jose ay doon na sila tumira.

Hindi masyadong malaki ang bahay nina Jose pero palaging malinis ang loob nito lalong-
lalo na ang silid ng nag-iisang anak ng mag-asawa.

Kahit hindi man marangya ang pamumuhay nila, masasabing komportable ang buhay na
ibinibigay nina Mang Kanor at Aling Pacita kay Jose. Kaya lang, habang lumalaki ay
tumitigas ang ulo ng kanilang anak.

“Wala pa si Jose? Anong oras na,” sabi ni Mang Kanor.

Dali-dali na bumihis ang mag-asawa at naglakat patungong baryo. Wala na kasing


masasakyan na dyip pag sumapit na ang alas diyes ng gabi. Sinundo nila si Jose sa isang
tyangge.

“Nagku-kwentuhan lang naman po kami ng mga barkada ko. Wala namang masama doon,
uuwi ako kung hindi man mamaya, e, bukas pag may dyip na,” sabi ni Jose.

Walang nagawa ang mag-asawa. Hinintay nila si Jose malapit sa tyangge na tinatambayan
ng grupo niya hanggang magpasya ang magbabarkada na umuwi.

Padabog pa si Jose noong dumating na sila sa bahay nila habang ang ama’t ina niya ay
pagod kakalakad.

Nagpatuloy ang ganung ugali ni Jose. Palagi siyang sinasabihan ng mga magulang niya na
umuwi agad pagkatapos ng klase pero wala ito sa kanya hanggang isang gabi ay dumating
ang hindi niya inaasahan.

Mag-aalas onse na ng gabi nang dumating si Jose sa kanila. Malayo pa lang ay tanaw na
niya ang mga ka-baryo nila na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang bahay na may bitbit na
balde.

“Jose ang bahay niyo nasusunog,” sigaw ni Mang Tonyo, ang karpentero na nakatira malapit
sa kanila.

Natulala si Jose. Naalala niya ang bilin ng mga magulang niya na umuwi ng maaga at nami-
miss na nilang maghapunan kasama siya. Pumatak ang luha niya ng hindi niya
namamalayan.

Madaling-araw na ng naapula ang apoy. Halos kusina na lang nina Jose ang natira. Hindi na
rin makilala ang katawan ng mga magulang niya. Natagpuan ang mga ito sa kanilang
hapag-kainan.

“Tay, Nay patawad,” ang nasabi ni Jose sa harap ng mga bangkay ng magulang niya bago
siya nagsimulang humagulgol.

You might also like