Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Gawain #1: BLUFF(Fake) or FACT

Panuto: Isulat ang salitang FAKE kung ang pahayag ay nagsasad ng hindi tamang impormasyon
at FACT kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan

. ___________ 1. Ang DSWD lamang ang tanging magrerekomenda ng mga benepisyaryo na


isasali sa programa base sa database ng listahan/NHTO. Matatanggal ang benepisyaryo sa
programa kung ito ay hindi sumusunod sa mga alituntunin ng programa o kung wala ng batang
minomonitor para sa education conditionality.

___________ 2. Maaaring ilagay o tanggalin ng sinumang pulitiko ang aking pangalan sa


listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya.

___________ 3. Ang mga cash grants na hindi naproseso ay nananatili lamang sa Landbank
of the Philippines at hindi nakukuha ng DSWD o ng kahit na sinong tao.

___________ 4. Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang


sa mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng ating bansa.

___________ 5. Ayon sa pagsusuri ng Transparency International, maituturing na dahilan


ng mababang marka sa mga bansa sa Asya-Pasipiko ay ang sumusunod: hindi pagiging
accountable ng mga pamahalaan, kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan, at
lumiliit na espasyo para sa civil society.

Larawan-SURI

Panuto: Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa mga ito.
Ipahayag ang iyong reaksyon sa mga larawang ito. Isulat sa iyong notebook.

Ano ang iyong nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

Vera Files. (2013, February 1). Democracy at Gunpoint: Election-Related Violence in the
Philippines. Retrieved March 26, 2014, from Vera Files: http://verafiles.org/taf-vera-files
Ano ang iyong nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

National Ctizen's Movement for Free Elections (NAMFREL). (n.d.). Anti-Political Dynasty
bill finally tackled in Congress, would cover all national and local elective positions.
Retrieved March 26, 2014, from http://www.namfrel.com.ph/v2/news/bulletin

Ano ang iyong nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

Sun Star. (n.d.). Retrieved March 26, 2014, from Vote Buying:
http://gallery.sunstar.com.ph/keyword/vote%20buying/

I.Tama o Mali

Panuto: Isulang ang T kung TAMA ang ipinapahayag ng pangungusap at M kung Mali.

___________ 1.Ang unang kwalipikasyon ng isang botanteng Pilipino ay 18 taong gulang


pataas.
___________2. Nakapaloob sa Artikulo V, Seksyon 1- 2 ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas
ang mga karapatang bumoto.
___________3. Ang pulitikal na pakikilahok ay isa sa mga tungkulin ng mamamayang Pilipno
na ginagarantiyahan ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.
___________4. Ang pulitikal na pakikilahok ay isa sa mga mahalagang paraan para
magkaroon ng isang mabuting pamahalaan.
___________5. Ang pagiging baliw ay isa sa mga batayan sa pagiging kwalipikadong botante
sa Plipinas.
II. Multiple choice
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan, Tukuyin ang mga salitang
inilalarawan sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong
notebook.
1. Ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-Batas, “Ang Pilipinas ay isang
Estadong republikano at demokratiko, na kanino ang kapangyarihan ng estado?

A. pamahalaaan B. estado
C. mamamayan D. hukuman

2. Ito ay isang obligasyon at karapatang pulitikal na ginagarantiyahan ng ating saligang


batas.

A. Pagboto B. Pagkandidato
C. Pagbayad ng buwis D. Lahat ng nabanggit

3. Ano ang tamang edad ng isang Pilipino upang makaboto sa Pilipinas batay sa Artikulo
V ng Saligang Batas 1987?

A. Labingwalong taong gulang B. Labingwalong taong gulang at rehistrado


C. labing-apat na taong gulang D. nagbabayad ng buwis

4. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang mamamayang Pilipino upang hindi


makaboto, MALIBAN sa

A. Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon at


anumang krimen laban sa seguridad ng bansa.
B. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
C. Mga taong nasentensyahan na makulong na hindi bababa sa isang taon.
D. Mga taong tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong
bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksyon.

5. Ano ang mahalagang dulot ng pagboto?

A. Sa pamamagitan ng ating pagboto nakakakuha tayo ng mga pulitikong susuporta sa


ating mga pangangailangan.
b.Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng
ating bayan.
c. Nakakapili ang mamamayan ng mga opisyal na tutugon sa pangangailangan ng
mamamayan.
d. Lahat ng nabanggit.
III. IDENTIFICATION
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan, Tukuyin ang mga salitang
inilalarawan sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong
notebook.
__________________1. Ito ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng
katiwalian sa isang bansa.
__________________2. Ito ay tumutukoy sa konseptong may malayang halalang nagaganap at
nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito, ngunit, may mga ibang aspekto ng
demokrasya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal na
pakikilahok ng mamamayan.
__________________3. Tumutukoy sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang
palaganapin ang pansariling interes.
__________________4. Sino ang nagpahayag na ang katiwalian ay ang pagpapalawig ng
interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan?
__________________5. Batay sa pag-aaral ng Economics Intelligence Unit, na nag-aaral sa
kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo, pang-ilan ang Pilipinas?

You might also like