Arian 16 Case 1b

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Maryhill College, Inc

College of Arts, Sciences and Education


Lucena City

KARANIWANG PAGKAKAMALI SA GRAMATIKA SA PAGSULAT NG


PANANALKSIK NG MGA ESTUDYANTE NG SENIOR HIGH SCHOOL

Ang pananaliksik ay karaniwang isinasagawa pagtungtong ng senior high school


at tertiarya. Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay kadalasang nagbibigay bagong
impormasyon at kaalaman sa mga estudyante na may patungkol sa kursong kinukuha.
Ang karaniwang pagkakamali na kadalasang namamataan sa isang pananaliksik ay
ang pagkakamali sa gramatika. Ang gramatika ay ang tamang pagsulat ng mga
pangungusap at tamang paggamit ng mga salita. Mahalaga ito sa pagsulat ng
pananaliksik upang malinaw ang gustong ipahiwatig sa mambabasa at upang hindi
magkaroon maling pangangalap ng impormasyon. Hindi lamang nakatuon ang
pananaliksik sa kung anong metodolohiya ang iyong gagawin, kundi pati na rin sa kung
paano mabubo ang isang pananaliksik nang may tamang gramatika. Sa paggawa ng
pananaliksik, mahalagang ipa- proof read ang mga naisagawa na upang malaman kung
may kailangan pang baguhin at ayusin na mga salita.

Ang pagsulat ay isang produktibong kaalaman na kinakailangan ng bawat isang


estudyante, lalo na at pagdating ng tertiarya ay maraming pananaliksik ang
kinakailangan na gawin. Ang gramatikang pagkakamali ay hindi lamang sa maling
paggamit ng salita, ang maling paggamit din ng bantas ay isang uri rin ng gramatikang
pagkakamali. Gayunpaman, dahil sa patuloy na pagbabago ng ating mga salita at ng
paggamit sa mga ito, maaaring ang ginagamit na mga tamang salita ngayon ay isang
maling salita sa gramatika noon. Ipinahayag ni Kramer (2023) na ang mga karaniwang
pagkakamali sa gramatika ay ang paggamit ng mga maling salita, pagpapaikli ng mga
salita at maling paggamit ng mga bantas. Ang mga naihayag na karaniwang
pagkakamali ay ang mga karaniwang kinakailangan sa pagsulat ng pananaliksik. Bilang
manananaliksik ay nararapat lang na mahusay sa paggamit ng tamang mga salita at
bantas upang maging malinaw at direkto ang gustong ipahayag ng isang mananaliksik.
Maryhill College, Inc
College of Arts, Sciences and Education
Lucena City

Ayon sa Rice University (2022) na karaniwan sa mga mananaliksik ay hindi


naguumpisa agad, na nagiging raon upang madaliin ang kanilang pananaliksik at
nagdudulot ng paggamit ng mga maling pangungusap, mga paulit-ulit at hindi
kinakailangan na mga parirala. Nararapat na umpisahan ang pananaliksik nang mas
maaga upang maisagawa ang mga tamang proseso, katulad na lamang ng
proofreading at pagbibigay isa ng iyong panananaliksik. Kahit ang pinakamagaling na
manunulat ay nagkakaroon din ng pagkakamali sa gramatika ngunit nararapat din na
malaman ng bawat mananaliksik na ang pananaliksik ay isang pormal na Gawain. Isa
rin ang mekaniks sa dapat tuonan ng pansin upang maging tama ang paggamit ng
gramatika. Ang mananaliksik ay dapat may kakayahang gumamit ng wastong
pagbabaybay, kapitalisasyon, pagbabantas, pagpapantig ng mga salita at iba pa, dapat
isa-isip na ang maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay isang kailanganin na dapat
isaalang-alang sa pagsulat. Kinakailangan na lagging tandaan ang wastonh paggamit
ng mga baybayin, hindi lamang sa pananaliksik, pati na rin sa ibang sulatin na sa
hinaharap ay gagawin. (Misa, 2021)

Sa panahon ngayon, hindi pa rin naiiwasan ang maling paggamit ng gramatika.


Sa larangan ng pananaliksik, importante na maingat tayo sa paggamit ng gramatika
dahil ang pananaliksik ay isang pormal na sulatin. Marami ang dahilan kung bakit
nagkakamali sa gramatika at isa na rito ang maling pagkakaintindi sa mga salita o
terminolohiya, hindi sapat na lawak ng bokabularyo, maling pagbaybay ng salita at
maling paggamit ng mga bantas. Ang kakulangan ng kaalaman sa tamang paggamit ng
gramatika ay mahalagang bigyan pansin lalo na sa pagsulat ng pananaliksik upang
maging makabuluhan at maayos ito. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin at unawain
ang mga karaniwang pagkakamali sa gramatika sa pagsulat ng pananaliksik sa mga
mag-aaral ng Senior High School. Sa pamamagitan ng detalyadong pagsusuri at
pagtukoy ng mga pagkakamali, nais malaman mg mananaliksik ang mga sanhi ng
pagkakamali sa gramatika at kung paano ito matutulungan sa hinaharap. Sa
Maryhill College, Inc
College of Arts, Sciences and Education
Lucena City

pamamagitan ng pag-unawa sa mga sitwasyong ito, hindi na mahirap na tukuyin ang


mga rekomendasyon at estratehiya upang matulungan ang mga mag-aaral na baguhin
ang kanilang paraan ng pagsulat ng mga akademikong teksto at pagsulat ng
pananaliksik.

Dahil sa datos ng mga nasabing pananaliksik, nais ng mga mananaliksik na


makabuo ng pag-aaral na tutukuyin ang mga salik sa karaniwang kamalian sa
gramatika sa pagsulat ng pananaliksik ng mga mag-aaral na nasa baitang ika-labing isa
at ika-labing dalawa ng Maryhill College. Mahalaga na ang suliraning ito ay mabigyan
kasagutan dahil ito ay nagiging hadlang sa kanilang pagsulat ng pananaliksik. Bukod pa
rito, ang pag-aaral ng karaniwang kamalian sa gramatika sa pagsulat ng pananaliksik
ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng malinaw na pagkaunawa sa mga mag-aaral
kung paano gumamit ng tamang gramatika sa kanilang pananaliksik. Sa pamamagitan
ng pananaliksik na ito, inaasahan na matutuklasan ang mga karaniwang kamalian sa
gramatika na ginagawa ng mga mag-aaral at mabibigyan ng solusyon ang mga ito
upang mapabuti ang kanilang pagsulat ng pananaliksik.

You might also like