Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
5
Ikaapat
na Markahan
5
ICT/ ENTREPRENEUR
EPP ( ICT) – Ikalimang Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 7: Pamamahala at Pag-iingat sa mga
Natatanging Paninda Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Editha V. Mella
Editor: : Dolores O. Antolin, Pepito B. Cagunot, Bernadette B. Enriquez
Tagasuri: Dolores O. Antolin
Teknikal:
Tagaguhit: Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel LaguertaOIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ika-apat na Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
Pamamahala at Pag-iingat sa mga
Natatanging Paninda
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 ENTREPRENEUR/ICT ng Modyul 7 para sa araling
Pamamahala at Pag-iingat sa mga Natatanging Paninda

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5


Entrepreneur/ICT Modyul ukol sa Pamamahala at Pag-iingat sa mga
Natatanging Paninda

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


natutukoy ang wastong pamamahala at pag-iingat sa mga
natatanging paninda.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng


pangungusap at Mali kung di-wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap. Salungguhitan ang salitang nagpahayag ng mali at
isulat sa patlang ang tamang salita.

__________1.Maging maingat sa pagpili ng mga produktong ibebenta.


__________2.Isaayos ang mga paninda sa tamang lugar na nakikita ng mga
mamimili.
__________3.Itinda lamang ang mga produktong mamahalin at imported.
__________4.Ang isang entrepreneur ay kailangang maging masinop at
malikhain.
__________5.Gayahin kung ano ang mga produktong itinitinda sa kalapit na
tindahan.

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang P kung ang salitang tinutukoy sa ibaba ay


at S kung. Isulat sa patlang ang ta,ang sagot.

______1.Magsasaka
_______2.Guro
_______3.Pulis
_______4.Panadero
_______5.Kaminero
ARALIN

Mga wastong Pamamahala at Pag-iingat sa mga Natatanging


Paninda

Ang isang entrepreneur ay kailangang maging masinop at malikhain.


Ano kaya ang mga maaring gawin upang maging maganda at maayos ang
mga produktong paninda?

Pamamahala sa mga Produkto

Pangasiwaan nang wasto at maayos ang mga


paninda. Ang maayos na pangangasiwa ay ang
susi upang lumago ang isang negosyo.
Kailangang may alam sa kalakaran sa
pagbebenta ang taong nangangasiwa upang
hindi ito malugi.

Palagiang alamin ang kasalukuyang presyo sa


pamilihan upang maiwasan ang pagkalugi. Paiba-
iba ang presyo ng bawat produkto. Ito ay batay sa
dami ng supply ng bawat produkto. Ang
Department of Trade and Industry (DTI ) ang
nagpapatupad ng mgA itinakdang presyo ng mga
bilihin.

Panatilihin ang magandang kalidad ng mga


produkto. Upang mahikayat ang mga mamimili
kailangan ang magandang kalidad. Kailangan
ang kanilang bayad sa produktong kanilang
bibilihin.
Pumili ng produktong naiiba at patok sa mga
mamimili.Mahalagang maibenta ang mga
produkto sa takdang oras. Magiging patok ang
mga produkto kung hindi mo gagayahin ang
mga paninda ng iyong katabing tindahan.

Pag-iingat sa mga Ipinagbibiling Produkto

1. Gawing malinis ang mga produktong ibebenta.


2. Gumagamit ng malinis na kagamitanm at kasangkapan sa
pagbebenta ng produkto.
3. Sumusunod sa pamantayang pangkalusugan sa pagbebenta ng
produkto.
4. Siguraduhing nasuri ng inspector ang mga produktong ibebenta.
5. Suriin ang expiration date ng mga produkto.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto :Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap na nagpapahayag ng wastong
pamamahala at pag-iingat sa mga natatanging paninda at ekis (X)
naman kung mali.

_____1. Paggamit ng angkop na kagamitan at kasangkapan sa produktong


ibebenta.
_____2. Pagsasaayos ng mga paninda o produkto sa isang lugar.
_____3. Pumili ng produktong may mas mataas ang presyo.
_____4. Maaaring ibenta ang expired na produkto.
_____5. Mahalaga ang kalinisan sa paghahanda at pagtitinda ng mga
produkto.

Pagsasanay 2

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat pangungusap.

1. Anong uri ng paninda ang maaaring piliin ng mga mamimili?


A.masarap at gusto C. mahal ang presyo
B.maliliit at kaunti D. marami pero di masarap
2. Sino ang tagasuri upang matiyak ang kalinisan at pangkalusugan sa
mga produktong ibebenta?
A .mamimili C. pulis
B. inspector D. tindera
3.Ano ang magpapatunay na ang produkto ay hindi na maaaring
ibenta?
A. manufactured C.distribution date
B. expiration date D. date purchased
4. Anong katangian ang Hindi dapat isaalang sa pagpili ng mga
produktong ibebenta?
A. may kalidad C. malinis at maayos
B. mataas ang presyo D. patok sa mamimili
5. Ito ang itinatakda ng isang negosyante sa produktong nais ibenta sa
Pamilihan. Ano ito?
A. bilang C. dami
B. kulay D. presyo
PAGLALAHAT

Ang isang entrepreneur ay kailangang maging masinop at


malikhain. May mga wastong pamamahala at pag-iingat sa mga
natatanging paninda.

Anu-ano ang wastong pamamahala sa mga natatanging paninda?


1 _______________________________
2 _______________________________
3 _______________________________
4 _______________________________
5 _______________________________

PAGPAPAHALAGA

Sa panahon ng pandemyang Covid-19 na kinakaharap natin ngayon,


karamihan sa atin ay umaasa na lamang sa pagpapadeliver ng mga pagkain
at iba pang essential goods. Si Aling Susan ay isa sa nagtitinda ng mga
pakain tulad ng leche flan, puto, ube at iba pang kakanin.Maayos niya itong
naibebenta at marami ang kanyang nagiging costumer dahil maganda at
naiiba ang kanyang produkto.
Ano-anong mga magagandang katangian ang taglay niya?
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1 Paano tatangkilikin ng iyong mga suki an mga ibenebenta mong
paninda?
A. Gayahin ang paninda ng iba.
B. Siguraduhing maganda ang kalidad
C.Ibigay ang pinakamababang presyo kahit malugi.
D.Ipasara ang ibang tindahan malapit sa iyo.
2 Ano ang tawag sa petsa na nakatatak sa pakete o pinaglalagyan ng
produkto na nakatutulong kung hanggang kailan ito maaaring kainin
o magamit?
A.Kaarawan
B.Araw ng Paggawa
C.Expiration date
D.Pagtatapos
3 Sinong tao ang maaaring bumisita sa lugar na iyong pinagtitindahan
upang masiguro ang kalidad at tamang presyo ng mga produktong
ibenebenta?
A.nars
B.guro
C. inspector
D. mga mamimili
4 Ano ang dapat gawin upang hindi malugi sa pagbebenta ng produkto?
A.Alamin palagi ang presyo sa pamilihan.
B.Doblehin ang presyo ng produkto.
C.Bawasan ang dami ng ibinibigay sa mga mamimili.
D.Ipamigay sa mga tao ang mga produkto upang maubos ang mga
ito.
5. Nais ni Aling Gloria na magtayo ng isang sari-sari store. Saang
lugar maaaring niyang itayo ito?
A. sa lugar na may maraming tao
B. sa lugar na kakaunti ang tao
C. sa liblib na lugar
D.sa lugar na di nararating ng mga tao
Paunang Pagsubok B
1.Tama 1. T
2.Tama 2. T
3. Mali-abot kaya at lokal na produkto 3. M
4. Tama 4. M
5. Mali-huwag gayahin 5. T
Balik-Aral
1. P
2. S
3. S
4. P
5. S
Pagsasanay1 Panapos na Pagsusulit
1. ✓
2. ✓ 1. B
3. X 2. C
4. X 3. C
5. ✓ 4..A
Pagsasanay 2 5.A
1. A
2. B
3. B
4. B
5. D
Paglalahat
1. Pangasiwaan nang wasto at maayos ang mga paninda.
2. Palagiang alamin ang kasalukuyang presyo sa pamilihan upang maiwasan
ang pagkalugi.
3. Panatilihin ang magandang kalidad ng mga produkto.
4. Pumili ng produktong naiiba at patok sa mga mamimili.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Department of Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurikulum: Mayo 2016


K-to-12 Most Essential Learning Competencies Matrix TLE page 316
Gloria A. Peralta, Ruth, Ipolan, Catalina R.et.al Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran. Vibal Group, Inc. 2016
Qualitycheckimagehttps://www.logolynx.com/images/logolynx/f8/f8346a443cb7e
cca2bd74abf88d6a444.jpeg
sari-sari store image http://www.clker.com/cliparts/x/q/X/D/G/8/sari-sari-
store.svg

You might also like