Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

oong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki.

Ito ay
isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa
engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila
maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.

Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang
magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit
niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa
matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang babae. Dali-
dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.

Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang halaman
ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na dahon.
Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag na saging
ngayon.

You might also like