Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
COLD WAR at NEO-KOLONYALISMO

Sundin ang FORMAT sa pagsulat ng sagot


sa susunod na pahina.
Sagutin:
Subukin – pages 1-2
Pagyamanin A,B – pages 4-5
Tayahin – page 7
Karagdagang Gawain – page 8

Ipasa: May 10, 2024 - 8:30 AM sa 8 –


Narra Corridor
Kung mayroong pasok May 6-10,
2024 ipapasa ang inyong gawa sa
unang araw na may pasok/face to
face classes.

i
Gumamit ng Intermediate Paper, sundin ang Format

PANGALAN: ____________________ SEKSYON: _____________

Subukin: Pagyamanin: Tayahin:


1. 6. 1. 6. 1. 6.
2. 7. 2. 7. 2. 7.
3. 8. 3. 8. 8. 9.
4. 9. 4. 9. 4. 9.
5. 10. 5. 10. 5. 10.

Karagdagang Gawain:

“Napiling Quotation”
Ang sanaysay o iyong paliwanag ay may
pito (7) hanggang sampung(10)
pangungusap lamang.

Kasyahin sa isang papel lamang at huwag


gamitin ang likod na bahagi nito.
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aralan habang wala ka sa paaralan.

Sa araling ito, matutunghayan mo ang paksa tungkol sa epekto ng mga ideolohiya ng


Cold War at ng Neo-kolonyalismo at ito’y nakabase sa MELC. Dito malalaman mo ang
kahulugan at katuturan ng mga salitang may kaugnayan sa Cold War at
Neokolonyalismo. Gagawa ka ng isang islogan tungkol sa epekto ng Cold War at
Neokolonyalismo. At dapat mong bigyang pagpapahalaga ang mabuti at di-mabuting
epekto ng Cold War at ng Neo-kolonyalismo.

Halika at simulang basahin ang aralin.

Subukin
Panuto: Jumbled Words. Ayusin ang mga titik na nasa bawat bilang upang malaman ang
tamang sagot. Isulat ang SAGOT LAMANG sa sagutang papel.

1. NAMOLISYOSAN- ang damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa


pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan.
________________________
2. OMSILAYNOLOKOEN- ay di tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang
makapangyarihang bansa.
________________________
3. DLOC ARW- hidwaan sa gitna ng kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang
Europa.Umiral ang labanang pandiplomatiko, pang-ekonomiya, pangmilitar,
ideolohiya at siyensya.
________________________
4. KMMNOUISO- ang isang ideolohiya na ekonomiko, pilosopikal, politikal at sosyal na
umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at kaantas-antas
batay sa kaki o height sa gamit ng produksiyon na tinatawag na kumunista, na
nagbabalangkas sa pagmamay ari ng buong lipunan.
________________________
5. TEDINU SSTTAE- ang isa sa makapangyarihang bansa pagkatapos ng ikalawang Digmaang
Pandaigdig na nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo
________________________
6. IETSOV UONNI- ang bansa na nagpapalaganap ng sosyalismo at komunismo
________________________
7. IIOODELHAY- ang isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.
________________________

1
8. SOSSAOI LYM-isang doktrina ito________________________
na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan
ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
________________________
9. LISMOTAKAPI-tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang
produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamag ang papel ng
pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
________________________
10. AASYRKOMED- ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
________________________

Balikan
Panuto: Punan ang Data Retrival Chart batay sa hiningi ng bawat kahon. Isulat sa
iyong sagot sa kwaderno.

Ang Iba’t –ibang Ideolohiya Bansang Nagtaguyod


1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

Tuklasin

2
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sa
kwaderno.
1. Ano ang mga nakikita mo sa larawan ? Matutukoy mo ba kung anong mga bansa ito?
2. Bakit naging tanyag at kilala ang mga bansang ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaan
Pandaigdig?

Suriin https://www.google.com/search?q=cold+war&source

(Wikipedia n.d.)

Ang United States at Soviet Union ay dating magkakampi at kasama sa mga bansang
nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa” Ngunit dumating nga ang pagkakataong sila ay
nagkakaroon ng Cold War o hindi tuwirang labanan. Ang Cold War ay hidwaan sa gitna ng
United States of Amerika at Union Soviet of Socialist Republics sa aspektong pangdiplomatiko,
pang-ekonomiko, pangmilitar, ideolohiya at siyensiya .Katulad ng sa magkaibigan, ang kanilang
hidwaan ay dulot ng kawalan ng tiwala,hindi pagpatupad sa pangako at hindi pakikinig sa bawat
isa at dahil dito ay may mabuti at masamang epekto ang Cold War.

MABUTING EPEKTO NG COLD WAR

• Pag-unlad ng Scentific Research at Invention


• Nagtulungan ang mga bansa sa kanilang ekonomiya sa pinsala ng digmaam

MASAMANG EPEKTO NG COLD WAR

• Paggasta ng Malaking Halaga


• Takot at pangamba ng bawat bansa
• Banta ng Nuclear weapons
• Umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa
• Palakasan sa magkabilang bansa
• Propaganda warfare

3
NEOKOLOYANISMO - ay bagong paraan ng pananakop ng malakas na bansa sa mahinang
bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng impluwensiya sa aspetong pangkabuhayan,
pampulitikal at pangkultura
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong uri ng
pananakop upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, ang neokolonyalismo at interbensiyon.
Itinuturing ang neololonyalismo nabago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na bansa.
EPEKTO NEO-KOLONYALISMO
• Over Dependence o labis na pagdepende sa iba- na ang ibig sabihin na umasa ng labis
ang mga tao sa mga mayayamang bansa
• Loss of Pride o kawalan ng karangalan-sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabuo
sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling
• Continuous Enslavement o patuloy na pang–aalipin- ang mga bansa ay malaya sa
prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ay nakatali pa rin sa malakolonyal na interes ng
kanluran.
Project Ease Araling panlipunan 3 Modyul 20-Neokolonyalism

Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa mga kahulugan sa Hanay B.
Isulat ang SAGOT LAMANG ANG TITIK nga tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
a. di tuwirang pagkontrol sa malayang bansa sa isang
___ 1.Cold War makapangyarihang bansa.
b. malamig na digmaan ay panahon ng tensiyong
___ 2.Neokolonyalismo politikal at tensiyong militar na naganap pagkatapos
ng ikalawang digmaan.
___ 3.United States c. mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos.

___ 4.Ideolohiya d. makapangyarihang bansa pagkatapos ng ikalawang

4
digmaang pandaigdig.

e. isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula


___ 5.Nuclear Weapons sa mga reaksyong nuclear ng fission at/ o fusion.
f. Isang uri ng pamamahala kung saan ang awtoridad ang
mga tao upang piliin ang kanilang namamahalang
lehislasyon.
(https://tl.m.wikipedia.Org.)

GAWAIN B.

Panuto: Suriin at tukuyin ang mga larawan nasa ibaba kung ito ba ay napabilang sa Ideolohiya,
Cold War, Neokolonyalismo. Isulat ang sagot lamang sa sagutang papel.

6 7
. .

(Garrett 2018) (Pagulayan 2015)

8 9
. .

(Araling Panlipunan 2013) Ciel 2017

10
.

Westad 2017
5
Isaisip
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO

• Ang neo-kolonyalismo ay isang anyo ng pananakop ng mga mayayaman at


makapangyarihang bansa. Ito ay hindi tuwirang pananakop.
• Nakaapekto ang neo-kolonyalismo sa kadahilanang nagiging labis na palaasa ang
mahirap ng bansa at kadalasan nawawala sila ng karangalan. Patuloy na inaaalipin ang
mga bansang maliit dulot ng Neo- kolonyalismo.
• Ang bansang Estados Unidos at Unyon Sobyet ay ang mga bansang tinatawag na super
power. Bawat isa ay may mga kaalyansang bansa`
• Marami ang naghirap at nagkimkim ng sama ng loob dahil sa hindi pagkakaisa ng
dalawang superpowers. Walang magawa ang mga bansang kaanib kundi sumunod sa
ideolohiya ng namumunong bansa. May naging mabuti at di mabuting epekto ang Cold
War sa mga bansa.
• Marami ang nag-alala sa Cold War dahill sa pag-iisip na magkakaroon uli ng digmaang
pandaigdig na gagamit ng higit na mapanganip at mapamuksang armas nuklear. Sa
pagwawakas ng Cold War, naituon ang pansin sa pagpapabuti ng ekonomiya at
pagkakaroon ng kasunduang pag-alis ng lahat ng uri ng Armas nukleyar.

Isagawa
Panuto: Pumili ng isa sa mga epekto ng cold war at neokolonyalismo at gumawa ng islogan
tungkol dito. Isulat ito sa isang short bond paper.

Narito ang krayterya sa pagmamarka:

Content___________________5 puntos
Creativity__________________4 puntos
Relevance_________________3 puntos
Neatnesss_________________3 puntos

kabuuan___________________15 puntos

6
Tayahin
I. Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan mo sa aralin. Sagutin ang mga sumusunod na
gawain. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Mapayapang pananakop sa likod ng kunwaring malasakit.


a.Cold War b.Neo-kolonyalismo c.Imperyalismo d.Kolonyalismo

2. Isinilang ang neo-kolonyalismo matapos ang:


a.Digmaang China c.Ikalawang Digmaang Pandaigdig
b.Digmaang Korea d. Digmaang Alemanya

3. Ang pananakop ng malalakas na bansa upang matamo ang kayamanan at kapangyarihan ng


isang bansa.
a.Neo-kolonyalismo b. Sosyalismo c.Kumunismo d. Imperyalismo

4. Ito ay hidwaan sa pagitan ng United States of America at Russia.


a. Cold War b. Conflict of countries c. Hundred Years d. South Korean War

5. Bahagi ng Neo-kolonyalistang kultural ay ang pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano


tulad ng:
a. bibingka at pinipig c. ginataan at latik
b. hamburger at hotdog d. kalamay at puto

II. Isulat ang M kung ito ay mabuting epekto ng Cold War at DM kung di-mabuting epekto ng Cold
War. Isulat ang sago lamang sa sagutang papel.

__________6. Nagkakaroon ng ibat ibang imbensyon


__________7. Walang tunay na kapayapaan
__________8. May banta ng digmaan
__________9. Pagtuon pansin sa ekonomiya
__________10. Banta ng nuclear weapons

7
Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng isang sipi (quotation) sa ibaba at gumawa ng isang sanaysay tungkol dito.
Ang sanaysay o iyong paliwanag ay may pito (7) hanggang sampung(10) pangungusap lamang.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. “Walang bansa ang magkakaisa”

2. “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa kulturang dayuhan”

Narito ang krayterya ng pagmamarka ng iyong sanaysay:

Nilalaman- 10
Kaugnayan - 5
Organisasyon- 5
KABUUAN 20 PUNTOS

Talasalitaan
GLOSARI

Makatutulong sa iyo ang mga sumusunod.

1. Ideolohiya - ay mga kaisipan nagsisilbing gabay sa pagkilos.

2. Cold War - walang tuwirang alitang pangmilitar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong
Sobyet).

3. Neokolonyalismo - di tuwirang pagkontrol sa malayang bansa sa isang

4. Nucler Weapon - isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksyong
nuclear ng fission at/ o fusion.

5. Imperyalismo - ay batas o paraan ng pamamhala kung saan ang malalaki o


makapangyariahng bansa ang naghangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkonttrol sa pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng
ibang bansa.

8
Gumamit ng Intermediate Paper, sundin ang Format

PANGALAN: ____________________ SEKSYON: _____________

Subukin: Pagyamanin: Tayahin:


1. 6. 1. 6. 1. 6.
2. 7. 2. 7. 2. 7.
3. 8. 3. 8. 8. 9.
4. 9. 4. 9. 4. 9.
5. 10. 5. 10. 5. 10.

Karagdagang Gawain:

“Napiling Quotation”
Ang sanaysay o iyong paliwanag ay may
pito (7) hanggang sampung(10)
pangungusap lamang.

Kasyahin sa isang papel lamang at huwag


gamitin ang likod na bahagi nito.

You might also like