Summative AP10 Week3-5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.

1. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. diskriminasyon C. karahasan
B. gender roles D. Magna Carta

2. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy?
A. breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. foot binding D. suttee

3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan?


A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o
pamayanan, na may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at sikolohikal na pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sexual o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan,
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan

4. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kaniyang naging karanasan?
A. Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.
B. Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media account.
C. Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang kaarawan.
D. Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang kaniyang kalagayan.

5. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence maliban sa isa.


A. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
B. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop.

6. Ayon sa istatistika ng karahasan sa mga kababaihan, ilang porsyento ng mga babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng
seksuwal na pananakit?
A. 2% B. 3% C. 4% D. 6%

7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon? A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan B. pagpigil na pumasok
sa paaralan o trabaho C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa
kapansanan

8. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasagawa ng breast ironing maliban sa isa.


A. pagkagahasa C. paghinto sa pag-aaral
B. maagang pag-aasawa D. maagang pagbubuntis

9. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa mga kababaihan.
A. GABRIELA B. LADLAD C. USAID D. UNDP
10. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang maaari niyang naranasan?
A. Pinagbantaan siya ng karahasan.
B. Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling).
D. Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago.
11. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki nang normal.
A. breast ironing B. foot binding
C. Female Genital Mutilation D. suttee

12. Ang sumusunod ay halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan maliban sa isa.


A. berbal B. biyolohikal
C. pisikal D. seksuwal

13. Sa bansang ito isinasagawa ng Breast Ironing or Flattening sa mga kababaihan?


a. Cameroon b. Egypt
c. Nigeria d. South Africa

14. Ilan sa bawat babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng pisikal, seksuwal, at emosyonal na pananakit mula sa kanilang
asawa o partner?
A. isa sa bawat tatlong babae
B. isa sa bawat apat na babae
C. dalawa sa bawat tatlong babae
D. dalawa sa bawat apat na babae

15. Sino ang Presidente ng China ang nagbawal sa pagsasagawa ng Foot binding noong 1911?
A. Den Xiao Ping B. Mao Zedong
C. Sun Yat Sen D. Xi Jing Ping

You might also like