Kinubli

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kinubli

Ngumiti,
sa bawat saglit at nagdaraang sandali,
ang ningas ng kasiyahan ay umaalab sa’king mga labi.
Nakaranas naman ako ng mga halakhak
Umindayog sa mga sumasambulat na palakpak
Ang halimuyak ng busilak na paggising sa umaga,
ay talaga namang kay ganda,
lalo na’t binubuksan ko palagi sa bawat araw ang maganda,
at regalo sa akin, ‘yon ang aking mga mata.
Sa paglipas ng pagsikat ng busilak na araw,
at paglubog nito hanggang sa ‘di na ‘to matanaw,
ay tila lumitaw ang katotohanang umaalingasaw,
sa kaibuturan ng damdamin kong umaapaw,
at tila tuluyan na ngang naligaw,
sa mistulang gubat na madilim at mapanglaw.
Naranasan mo na ba?
Nagulat na lamang ako at ganito na pala,
mula sa pag-indayog sa mga masasayang kanta,
naging malungkutin sa mga munting pag-aalala,
hanggang sa naging grabe na talaga.
Nalunod ako ‘di sa tubig kundi sa dilim
Kinalaunan naging maitim
Ginawa ko na lahat ngunit wala pa rin
Nakapapraning ang kadilimang sakim
Sinubukan kong saksakin
Gusto kong patayin
Ngunit ako’y nagimbal sa napansin
Ang may sala pala’y ako lang din
‘Di ako tinatantanan, sa pagligo man o sipilyo
Nakahawla ang tila mga bulongan sa aking sintido,
na tila masamang Demonyo!
Para lumubog daw ang pako, pukpukin ng martilyo
Para pumutok ang baril kalabitin ang gatilyo
Ngunit paano ko ba malalagpasan ito,
kung ang tingin nila’y nababaliw lang ako?
Kung ako man ay ‘di paniwalaan
Ako pa ba niyan ang may kasalanan?
Kung tingin ng karamihan
Ito’y gawa-gawa ko lamang
Nakatatawang ‘di ko pa man nakitil ang sarili ko,
dahil sa kawalang dinaranas ng pusong ‘to,
ngunit tila patay na ako,
dahil sa estigma pinaiiral niyo.
Kaya naman,
Itong nararamdaman,
Ikukubli, ko na lang.
Katapusan!

You might also like