Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER In ARAL. PAN.

 REBOLUSYONG SIYENTIPIKO- ay tumutukoy sa panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at


paniniwala na nagsimula sa kalagitnaan ng ika 16- 17 siglo.

SINAUNANG PAGTINGIN SA KALAWAKAN


 Matagal nang ginagamit ang agham ng mga Greek bilang SCIENTIA- ibig sabihin ay KAALAMAN,
Ngunit wala pang Sistema o pamamaraan ng pag-aaral at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang
siyentista.
 Ang sinaunang pagtingin o medieval na pagtingin ay batay sa mga pananaw ng 2 Greek na sina;
1. Ptolemy – Ayon kay Ptolemy ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang mga planeta ay umiikot
dito sa pabilog na pagkilos o circular, tinawag itong GEOCENTRIC VIEW
2. 2. Aristotle- ang kanyang ambag ay ang komposisyon ng mga bagay sa kalawakan at sa daigdig,
ayon sa kanya ang ang mga bagay na matatagpuan sa kalawakan ay may malaking pagkakaiba.
a. Komposisyon ng kalawakan- ay binubuo ng puro at ispiritwa na elementong tinatawag na
ETHER
b. Komposisyon ng daigdig o kalupaan -ay binubuo ng 4 na elemento ang;
 Lupa
 Tubig
 Apoy
 Hangin
MAKABAGONG PAGTINGIN SA KALAWAKAN sa panahon ng SIYENTIPIKONG REBOLUSYON
 NICOLAUS COPERNICUS- isang astronomer mula sa Poland, ayon sa kanya ang sentro ng kalawakan ay
ang araw at ang daigdig at ibang planeta ay umiikot dito, ito ang HELIOCENTRIC VIEW.
 Ang kanyang mga ideya ay isinulat niya sa kanyang akdang On the Revolution of the Heavenly
Spheres.
 GALILEO GALILEI- ang nakaimbento ng Teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral ng kalawakan
Ilan sa mga resulta ng kanyang pag-aaral ay ang realisasyon na;
 Hindi patag ang ibabaw ng buwan kundi marami ring bundok at bulubundukin
 Nagpatunay ito na hindi magkaiba ang mga materyal na bumubuo sa kalawakan at sa mga
bagay na makikita sa daigdig.
 Sa pag o obserba niya sa Jupiter napatunayan niya na hindi mga bituin kundi buwan ang 4 na
liwanag na nakikita sa paligid nito
 Sa pag o obserba naman sa planetang Venus, napagtanto niyang gaya ng buwan, dumaraan din
ito sa pagbabago ng anyo at ang orbit sa paligid ng araw ay nakapaloob sa orbit ng daigdig sa
araw.
 Lahat ng bagay sa kalawakan ay napapasailalim sa parehong likas na mga batas.
 Dialogue Concerning the Two Chief World Systems ang sinulat niyang aklat na inilagay ito sa
listahan ng mga aklat na ipinagbabawal ng simbahan.
 Tycho Brahe- mula sa Denmark isa sa sumuporta sa at nagpatibay sa mga teorya ni Copernicus
 Nakapagkatalogo siya ng mahigit 1000 bituin
 Pinatunayan niyang ang KOMETA ay representasyon ng pagbabago sa kalawakan
 Pinag-aralan din niya ang pagkilos ng buwan at mga planeta. Nakita niya ang iregularidad sa
orbit ng mga ito.
 Johanes Kepler- mula sa Germany, nakatulong ang obserbasyon ni Brahe sa pagkakatuklas niya na
ELIPTIKAL ang orbit ng mga planeta.
 Nadiskubre niya ang bagong bituin sa CASSIOPEIA-isang konstelasyon o pangkat ng bituin sa
hilagang hemispero.
 Natuklasan din niya na ang paggalaw ng isang planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit ito
sa araw.
 Isaac Newton- isang English mathematician na nakatuklas ng Universal Law of Gravity, ito ang
paniniwala na ang anumang bagay na itinapon pataas ay babagsak sa lupa.
 Ayon dito kung mas malaki ang mass mas malakas ang gravitational pull.
 Law of inertia- ( Laws of Motion) ang paniniwala na ang anumang bagay ay mananatiling hindi
gumagalaw hanggang walang puwersang magpapagalaw dito
 Napag-aralan niya ito dahil sa pagbagsak ng mansanas sa lupa.
 Ang kanyang mga ideya ay makikita sa aklat na; Mathematical Principles of Natural Philosop

IBA PANG PAG- UNLAD SA AGHAM PANGKALIKASAN


Marami pang ambag sa Agham Pangkalikasan O NATURAL SCIENCES- ay tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na
daigdig at mga pangyayari rito.
 Andreas Vesalius- nanguna sa pag-aaral ng anatomiya. Pinag aralan niya ang ang mga bangkay at
kalansay
 William Harvey- isang doctor na English ang nakatuklas at nakapagpaliwanag sa sirkulasyon ng dugo at
mga bagay na may kinalaman sa puso sa pamamagitan ng pag-aaral ng puso ng mga hayop.
 Antoni Van Leeunhoek- ang Dutch na nakatuklas ng singled celled organism sa pamamagitan ng
paggamit ng MICROSCOPE.
 Carolus Linnaeus- isang botanistang Swedish na nanguna sap ag-aaral ng mga halaman at hayop.
- May aklat siyang sinulat na nakapagpaunlad ng Sistema ng pagpapangalan at pagkaklasipika ng
mga halaman at hayop.
Mga siyentipikong paraan ng pag-aaral

 Nakatulong din sa pagsulong ng Rebolusyong Siyentipikong ang suporta ng mga pilosopong tulad nina
1. Sir Francis Bacon
2. Rene Discartes
 Inductive Method- o Baconian method- nagsisimula sa mga obserbasyon sa kalikasan at pagsasagawa
ng eksperimentasyon na ang layunin ay makabuo ng mga pangkalahatang paliwanag. Huhugot ng
kaalaman mula sa kalikasan sa pamamagitan ng ;
 Eksperimentasyon
 Obserbasyon
 Pagpapatunay ng teorya
 Deductive method- kabaligtaran ng inductive method- ang pag-aaral ay mula sa sa isang
pangkalahatang paliwanag o makatotohanang pangungusap patutunayan ng ang isang hypothesis.

Prepared by
LEA G. AMANTE

You might also like