Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
Pandibisyong Pagtatasa sa Ikaapat na Markahan
sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 5

Table of Specifications
COGNITIVE PROCESS
DIMENSIONS
No. of Days Taught

Item number
No. of Items
Percentage
Learning Competency

Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Nakapagpapakita nang tunay na 11 26% 13 1,2,3,4, 1,2 3,4 5,6 10, 13
pagmamahal sa kapwa tulad ng: 5,6,7,8, ,7, 11,
- pagsasaalang-alang sa 9,10,11 8,9 12
kapakanan ng kapwa at sa ,12,13
kinabibilangang pamayanan
- pakikiisa sa pagdarasal 11 26% 13 14,15,1 14, 16, 18, 22, 26
para sa kabutihan ng lahat 6,17,18 15 17 19, 23,
,19,20, 20, 24,
21,22,2 21 25
3,24,25
,26
- pagkalinga at pagtulong sa 9 24% 12 27,28,2 27, 29, 31, 35, 38
kapwa 9,30,31 28 30 32, 36,
,32,33, 33, 37
34,35,3 34
6,37,38
Nakapagpapakita ng iba’t ibang 9 24% 12 39,40,4 39 40, 42, 45, 49,
paraan ng pasasalamat sa Diyos 1,42,43 41 43, 46, 50
,44,45, 44 47,
46,47,4 48
8,49,50
- TOTAL 40 100% 50 50 7 8 15 15 5 0
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE

Pandibisyong Pagtatasa sa Ikaapat na Markahan


sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 5

Pangalan: __________________________________Iskor: ______________


Seksyon : ___________________________________Petsa: _____________
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Hindi pinapakialaman ni Manny ang telepono ng kaniyang kapatid. Anong tungkulin sa
kapuwa ang ipinapakita nito?
A. Pagtulong C. Pangangalaga
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
B. Paggalang D. Pagpapahalaga
2. Nagmamano si Bea sa tuwing dumadalaw ang lolo at lola niya. Anong tungkulin sa
kapuwa ang ipinapakita nito?
A. Pagtulong C. Pangangalaga
B. Paggalang D. Pagpapahalaga
3. Nakaugalian ni Cyril na magluto ng hapunan upang mabawasan ang gawain ng kaniyang
ina. Anong tungkulin sa kapuwa ang ipinapakita nito?
A. Pagtulong C. Pangangalaga
B. Paggalang D. Pagpapahalaga
4. Nakasanayan na ni Caren na regaluhan ang kanilang mga kasambahay tuwing pasko bilang
pasasalamat. Anong tungkulin sa kapuwa ang ipinapakita nito?
A. Pagtulong C. Pangangalaga
B. Paggalang D. Pagpapahalaga
5. Habang naglalaro si Gabriel kasama ng kaniyang mga kaibigan, hinarangan niya ang bola
na muntik tumama sa mukha ni Andrew. Sa iyong palagay, bakit niya ito ginawa?
A. para may maipagmalaki siya sa ibang tao
B. upang tumanaw ng utang na loob si Andrew sa kaniya
C. dahil gusto niyang hangaan siya ni Andrew sa kaniyang kabayanihan
D. sapagkat ayaw niyang masaktan si Andrew kung kaya’t prinotektahan niya ito ng
walang hinihintay na kapalit

6. Nakita mo na nahihirapang tumayo ang iyong kaklase mula sa pagkakadapa, ano ang iyong
pinakanararapat na gawin?
A. Tatawa at ipagkakalat ang nakita.
B. Titingnan at kaaawaan na lamang.
C. Hihintayin na may tutulong sa kaniya.
D. Tutulungan at sasabayan sa paglakad.

7. Nabalitaan mo ang nangyaring pagbaha na dulot ng bagyo sa karatig probinsiya, ano ang
pinakanararapat mong gawin?
A. Huwag silang pansinin.
B. Tawanan sila sa nangyari.
C. Bigyan sila ng mga sirang damit at laruan.
D. Bigyan sila ng mga gamit na nasa maayos pang kalagayan kagaya ng mga damit at
mga pagkaing maaaring maging pamatid gutom.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
8. Habang naglalakad ka ay may nakita kang bulag na tatawid sa kalsada. Anong tulong ang
iyong maibibigay?
A. Hahawakan ko ang kamay at aalalayan sa pagtawid.
B. Sasabihin ko sa pulis upang siya na lamang ang tutulong.
C. Babantayan ko siya kung siya ay makatatawid ng kalsada.
D. Hahayaan ko na lamang siya upang hindi ako maabala pa.
9. Habang nanananghalian kayo ng iyong mga kaibigan ay napansin mong walang kinakain
ang isa ninyong kaklase. Ano ang maaari mong gawin upang matulungan siya?
A. Iinggitin siya ng inyong masasarap na pagkain.
B. Aalukin siya ng pagkain kung susunod siya sa inyong mga utos.
C. Hindi na lamang siya papansinin upang hindi mabagabag ang damdamin.
D. Hihikayatin ang mga kaibigan na mag-ambag ng mga pagkain upang maibigay sa
kaniya.

10. Upang malagpasan ang isang pagsubok, nararapat bang sarili lamang ang isipin?
A. Oo, sapagkat walang tutulong sa iyo kundi ang iyong sarili.
B. Oo, dahil bawat isa ay may kaniya-kaniyang pinagdadaanan.
C. Hindi, dahil maaring iasa sa iba ang pagresolba sa ating problema.
D. Hindi, dahil tayo ay may pananagutan sa ating kapuwa at napapagaan ang
anumang pagsubok kung tayo ay nagkakaisa at nagdadamayan.
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapuwa?
A. Pagkikibit-balikat sa mga suliranin ng mundo.
B. Pagpapakopya sa kaklase na nahihirapan sa pagsusulit.
C. Pagtulong sa nakababatang kapatid na pagtakpan ang kasalanan.
D. Pagkakaroon ng community pantry noong kasagsagan ng pandemya.
12. Bakit mahalaga ang pagkalinga at pagtulong sa kapuwa?
A. nagpapakita ito ng malasakit sa kaaway
B. nagpapakita ito ng pagmamahal sa Diyos
C. nagpapakita ito ng kagandahang panlabas
D. nagpapakita ito ng pagbayad ng utang na loob
13. Paano mo maipapakita ang pagkalinga sa iyong kapuwa?
A. Pagbibigay ng pagkain sa kanila araw-araw.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
B. Hayaan sila sa mga oras ng pangangailangan.
C. Pagtulong sa kanila sa oras ng pangangailangan.
D. Pakikipagkaibigan sa kanila kapag may kailangan.
14. Ito ay itinuturing na pinakamabisang paraan ng pakikipag-usap sa Maylikha.
A. Hiling C. Bulong
B. Dasal D. Panaghoy
15. Kapag nakikipag-usap tayo sa ating Maylikha nararapat lamang na nanggagaling ito sa
ating ____________________?
A. Isip C. Bibig
B. Puso D. Pook sambahan

16. Kailan tayo dapat manalangin?


A. sa tuwing may pinagdadaanan tayong pagsubok
B. sa tuwing mayroong nangyayaring maganda sa ating buhay
C. araw-araw pagkagising, bago matulog at sa mga pagkakataong pwede nating
kausapin ang Maykapal
D. tuwing linggo, sa araw ng simba dahil ito lamang ang araw na maaari tayong
makipag-ugnayan sa ating Ama sa langit
17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakakilanlan sa isang taong maka-Diyos?
A. Hindi pumapalya sa pagdalo ng misa.
B. Madalas magsimba tuwing linggo upang ihingi ng tawad ang buong linggong
pakikipagtsismisan.
C. Naglilingkod ng buong puso para sa kapakanan ng kaniyang kapuwa batay sa
mabuting salita ng Diyos.
D. Madalas bigkasin ang pangalan ng Maylikha sa tuwing mayroong mga
pangyayaring nakagugulat o hindi kaya’y nakakalungkot.
18. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang taong nagpapakita ng pagmamahal sa
kapuwa?
A. Inuuna ang kapakanan ng sarili.
B. Ipinagsasawalang bahala ang kalagayan ng ibang tao.
C. Walang konsiderasyon sa pinagdadaanan at damdamin ng iba.
D. Sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng iba at hindi nakakalimot na
ipagdasal ang kaniyang kapuwa.
19. Nalaman mong may sakit ang iyong kapitbahay, ano ang iyong pinakanararapat na
gawin?
A. Matutuwa ako dahil siya ay kaaway ko.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
B. Dadalawin ko siya at ipagdarasal na gumaling.
C. Hindi ko siya papansinin upang hindi ako mahawa.
D. Sasabihin ko sa mga kapitbahay na pagtawanan siya.

20. Ang dalawa ninyong kapitbahay ay matinding magkaaway. Walang sinomang makapag-
ayos ng kanilang sigalot. Bilang kapitbahay, paano mo sila matutulungang magkasundo?
A. Tatakutin ko sila.
B. Isusumbong ko sila sa pulis.
C. Panonoorin kong lalo ang kanilang pag-aaway.
D. Ipagdarsal ko na maliwanagan ang kanilang pag-iisip na hindi na dapat nag-aaway
ang mga tao.
21. Bukas na ang pagdiriwang sa inyong lugar. Ang mga kawani ng barangay ay abalang-
abala sa pag-aayos ng kapilya. Sa dami ng gagawin ay hindi na sila magkaintindihan kung
ano ang uunahin. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan sila.
B. Makikipaglaro sa mga batang nasa kapilya.
C. Magkukunwaring abala ka sa inyong bahay.
D. Ipagdarasal na lamang na matapos na ang kanilang gawain.
22. Ang inyong samahan ay laging nagdarasal ng rosaryo sa inyong kapilya. Napansin mo na
naglalaro sa paligid ang iyong kaibigang Muslim. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mo siya kakausapin.
B. Hihikayatin mo siyang sumama sa gawain.
C. Aalamin mo kung bakit hindi siya nakikiisa sa gawain at pagagalitan mo siya.
D. Igagalang mo ang kaniyang relihiyon at magpapatuloy na lamang sa inyong banal
na gawain.
23. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa sa pamamagitan ng
taimtim na pagdarasal?
A. Nagdarasal lamang si Helen tuwing siya ay may personal na kahilingan.
B. Ipinagdarasal ni Angel na magkaroon siya ng mga bagay na mayroon si Hannah.
C. Hindi na nagdarasal si Gia dahil pakiramdam niya ay hindi naman naririnig ang
kaniyang mga dasal.
D. Kasali sa mga panalangin ni Elena ang kaligtasan at kalusugan ng lahat lalo na sa
panahon ng pandemya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
24. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa sa pamamagitan ng
panalangin?
A. Hindi na nananalangin si Anica dahil alam niyang marami na ang nagdarasal para
sa kaniya.
B. Pinaaalalahanan ni Carlo ang kaniyang mga kaibigan tungkol sa kahalagahan ng
panalangin.
C. Tuwing Linggo ng hapon, nakikiisa si Perla sa sabayang pag-aalay ng panalangin
para sa kaligtasan niya laban sa COVID-19.
D. Hinihikayat ni Monique ang kaniyang mga kaibigan at kaklase na
isali sa kanilang mga dasal ang mga kababayang nakararanas ng
kalungkutan at kahirapan.

25. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paraan ng pagdarasal upang matulungan ang
ibang tao?
A. Nakasanayan na ni Ejay na magdasal sa tuwing alas-tres ng hapon.
B. Madalas mag-share ng mga bible verses si Izy sa kaniyang facebook page.
C. Taimtim na ipinagdarasal ni Mico ang mga biktima ng iba’t-ibang mga suliranin
sa mundo.
D. Ipinamimigay ni Francis sa paaralan ang mga bukletong ipinamamahagi ng mga
misyonaryo.
26. Napansin ni Pedro na malungkot ang kaibigan niyang si Juan. Nasa ospital ang ama nito
at may malubhang sakit. Nawawalan na ito ng pag-asa. Ano ang pinaka-angkop niyang
gawin?
A. Dalawin sa ospital ang ama ni Juan at magbaon ng makakain.
B. Payuhan si Juan na magdasal nang buong puso para sa paggaling ng kaniyang
ama.
C. Magboluntaryong iproseso ang mga dokumento ng ama ni Juan upang mailapit sa
mga organisasyong maaaring tumulong.
D. Ayain si Juan na magdasal ng taimtim, pareho nilang ipagdasal ang ibang tao.
27. Ito ay tumutukoy sa mga nakapaligid sa atin na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.
A. Pamilya C. Kaibigan
B. Kakilala D. Lahat ng nabanggit
28. Tayong mga tao ay may pananagutan, tungkulin nating pahalagahan ang ating mga sarili,
ang ating mundo at ang ating __________.
A. mga kapuwa C. mga kapamilya
B. mga pangarap D. mga hayop sa kapaligiran
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
29. Ang bawat isa ay may koneksiyon. Tayo ay may pananagutang mahalin ang ating mga
kapuwa. Responsibilidad nating __________ sila lalo na sa oras ng suliranin.
A. Mahalin C. pabayaan
B. damayan D. pangalagaan
30. Ito ay isang mahalagang salik ng ating lipunan kung saan ang bawat isa ay may
paggalang at pagpapahalaga sa indibidwalidad ng isang tao.
A. respeto C. pagkakakilanlan
B. pagmamahal D. pagiging matapat
31. Matalik na kaibigan ni Cesar si Paul. Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain,
nais ni Cesar na desisyon lamang niya ang dapat masunod. Bilang kaibigan,paano papayuhan
ni Paul si Cesar?
A. Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
B. Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat.
C. Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng gawain.
D. Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinyon ng
lahat.
32. Nag-away ang iyong mga kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang
ibang mag-aaral sa kabilang pangkat. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag silang pansinin.
B. Hayaan na lamang silang mag–away.
C. Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila.
D. Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa
kapuwa.

33. Ikaw ang panganay sa inyong magkakapatid. Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na
gastusin dahil nawalan ng hanapbuhay ang iyong mga magulang. Dahil dito, nais na ng mga
kapatid mo na huminto na sa pag–aaral. Ano ang maari mong maging desisyon?
A. Ikaw na lamang ang titigil sa pag-aaral.
B. Uutusan ang iyong mga magulang na maghanap agad ng trabaho.
C. Sasang-ayunan ang plano ng iyong mga kapatid at maghahanap agad ng
hanapbuhay.
D. Bilang nakatatanda, kakausapin ng masinsinan ang mga nakababatang kapatid at
ipapaliwanag ang kahalagahan ng edukasyon.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
34. Nakita mong tumatakbo ang iyong kapitbahay habang pauwi dahil sa lakas ng ulan.
Nadapa siya at nagkaroon siya ng maliit na gasgas sa tuhod. Alin sa mga sumusunod ang
pinakanararapat mong gawin?
A. Itakbo agad siya sa ospital.
B. Ipagsasawalang bahala dahil malapit na ang kaniyang bahay.
C. Tulungan siyang makatayo at maghanap ng masisilungan upang magamot mo ang
kaniyang sugat.
D. Tumakbo at magmadaling tawagin ang kaniyang mga magulang upang
maisumbong ang kaniyang kalampahan.
35. Sa kalagitnaan ng iyong pagtulog ay bigla kang naalimpungatan sa malakas na sigawan.
Nang lumabas ka ay nakita mong nasusunog ang mga katapat niyong bahay, ano ang gagawin
mo?
A. Lumikas agad sa evacuation center.
B. Bantayan ang bahay dahil baka masunog din.
C. Tulungan sila sa pagbubuhat ng kanilang mga naisalbang gamit.
D. Makibalita kung paano nagsimula ang sunog para maibalita mo ito.

36. Nagkaroon ng pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal at estero sa
inyong kalye. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Wala akong gagawin.
B. Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
C. Sasabihan ko ang mga nakakatanda na linisan nila ang mga kanal.
D. Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na magkaroon ng proyektong
pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
37. Mayroon kayong maunlad na negosyo kung kaya’t naging sagana ang inyong
pamumuhay. Paano mo ito maibabalik sa Poong Maykapal na siyang nagkaloob nito?
A. Iipunin ito sa bangko.
B. Maglalaan ng para sa kawanggawa.
C. Tatakbo bilang opisyal ng barangay sa eleksiyon.
D. Magdadagdag ng panibagog sangay ng negosyo.
38. Tuwing sasapit ang Pasko ay nakaugalian na ng Pamilya Gomez na magbigay ng
pamasko sa mga pamilyang kapos-palad. Sa iyong palagay,tama ba ng kanilang ginagawa?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
A. Oo, dahil pasko naman.
B. Oo, dahil pera naman nila ang kanilang ginagamit.
C. Oo, ngunit hindi nangangahulgan na tuwing pasko lang dapat tumutulong.
D. Oo, ngunit mas maganda kung lahat ng kanilang mga kapitbahay ay nabibigyan
ng pamasko.
39. Ang ating buhay ay isang malaking biyayang ipinagkaloob ng ating Maykapal. Ano ang
iyong pinakanararapat gawin upang maipakita mo sa Kaniya na pinahahalagahan mo ang
ipinagkaloob Niyang buhay?
A. Kakain ng mga pagkaing hitik sa mga bitamina.
B. Gagamit ng mga produkto upang pumuti, kuminis at gumanda.
C. Aalagaan ang sarili sa aspetong mental, pisikal, emosyonal at ispiritwal.
D. Gagawing regular ang pag-eehersisyo upang maging malusog at matibay ang
pangangatawan.

40. Ang pagdarasal ba bago at pagkatapos kumain ay tama?


A. Oo, dahil ito na ang nakasanayan.
B. Hindi, magdasal lamang pagkagising at bago matulog.
C. Hindi, isang beses lang dapat tayong magdasal sa isang araw.
D. Oo, dahil ang pagkain ay biyaya ng Diyos na dapat ipagpasalamat.
41. Bilang paggalang sa inyong pook sambahan, ano ang dapat mong isuot tuwing araw ng
simba?
A. sombrero C. damit pambahay
B. short at sando D. kasuotang pormal
42. Pagkatapos magdasal ni Marie ay nakagawian na niya ang magbasa ng bibliya. Sa iyong
palagay, tama bang magbasa pa siya ng bibliya?
A. Oo, sapagkat pampalipas oras ito.
B. Oo, sapagkat higit niyang mauunawaan ang mga salita ng Diyos.
C. Hindi, sapagkat nakapagdasal na siya at wala itong kaugnayan sa kaniyang
pagdarasal.
D. Hindi, dapat ay may ibang oras ang pagbabasa ng bibliya at hindi ito dapat
isinasagawa pagkatapos ng pagdarasal.
43. Siya ang dapat nating pasalamatan sa lahat ng biyayang ating tinatamasa.
A. Guro C. Magulang
B. Kaibigan D. Poong Maykapal
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
44. Mapalad ka at pinagkalooban ka ng Poong Lumikha ng pagkakataong mabuhay. Ano ang
iyong gagawin sa naging estado ng iyong buhay?
A. maglilibang C. magpapakasaya
B. magpapabaya D. magpapasalamat at magpapaunlad
45. Maliban sa pagdarasal, paano maipapakita ng isang tao ang kaniyang pasasalamat sa
Diyos?.
A. pag-awit
B. pagsasayaw
C. paggawa ng kabutihan
D. pag-share ng pasasalamat sa facebook

46. Paano ka magiging biyaya para sa ibang tao?


A. Magyabang ng iyong mga narating sa buhay upang maging inspirasyon.
B. Maging mabuting halimbawa, sundin ang mga salita ng Diyos at ugaliing maging
mapagkumbaba.
C. Maging masayahin, tawanan lamang ang lahat ng problema at hayaan lamang na
dumaan ang mga pagsubok.
D. Ibahagi ang iyong kuwento ng tagumpay sa lahat ng tao kahit hindi totoo upang
mapalakas ang kanilang determinasyon.
47. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng
paggawa ng kabutihan sa kapuwa?
A. Mahusay umawit si Jena ngunit hindi siya nagtatanghal kung wala itong kalakip
na kabayaran.
B. Matapos makapagtapos bilang iskolar ng kanilang bayan si Fernan ay agad itong
nangibang bansa upang magtrabaho.
C. Mahusay na mag-aaral si Rob ngunit palagi niyang tinatakasan ang kaniyang mga
kagrupo tuwing mayroon silang gagawing proyekto.
D. Nakapagtapos na ng pag-aaral si Junie at nakahanap ng magandang trabaho.
Ngayon ay katuwang na siya ng kaniyang mga magulang sa pagpapaaral sa
kaniyang mga nakababatang kapatid.
48. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng
pangangalaga sa kalikasan?
A. Pinakawalan ni Bebang ang mga nahuli niyang isdang dagat sa ilog.
B. Pinapanatili ng mga mamamayan ang kalinisan ng kanilang mga bakuran
gayundin ang mga daluyan ng tubig.
C. Nagtatanim ng mga puno sa bakanteng lote sa tabi ng plaza ang mga mamamayan
sa tuwing kanilang maisipan lamang.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
D. Upang maging malinis ang bakuran ni Aleng Nena ay sinisigurado niyang sunugin
tuwing hapon ang mga basura.

49. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pasasalamat sa Maylikha?


A. sa pagdarasal
B. sa pagiging mabuting kapuwa
C. sa pangangalaga ng kalikasan
D. lahat ng nabanggit
50. Bakit dapat nating pahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo?
A. upang patuloy pa tayong biyayaan ng Diyos
B. dahil hindi lahat ng tao ay mayroon ng mga bagay na nasa atin.
C. sapagkat kung ano man ang inaasam natin sa iba ay inaasam naman ng iba sa atin.
D. dahil ang mga biyayang ito ay ipinagkaloob ng Maykapal na walang kahit ano
mang katumbas na kayamanan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE

Pandibisyong Pagtatasa sa Ikaapat na Markahan


sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 5

Susi sa Pagwawasto
1. B 11. D 21. A 31. D 41. B
2. B 12. B 22. D 32. D 42. D
3. A 13. C 23. D 33. D 43. D
4. D 14. B 24. D 34. C 44. C
5. D 15. B 25. C 35. C 45. B
6. D 16. C 26. B 36. D 46. D
7. D 17. C 27. D 37. B 47. B
8. A 18. D 28. A 38. C 48. B
9. D 19. B 29. B 39. C 49. D
10. D 20. D 30. A 40. D 50. D

You might also like