Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

EL FILIBUSTERISMO - KABANATA 6

Palihim - Patago Gula-gulanit - Sira-sira

Bunton - Tambak Alila - Alipin

Yumao - Pumanaw Kumbento - Simbahan

Lumisan - Namatay Kinamumuhian - Kinasusuklaman


Nang sumapit ang madaling-araw ay palihim na umalis si Basilio sa
bahay ni Kapitan Tiago saka nagtungo sa kagubatan na pagmamay-ari
ng mga Ibarra. Tumigil si Basilio sa bunton ng mga batong malapit sa
kinalalagyan ng punong balite, kung saan nakalibing ang kanyang Ina.
Sa tuwing umuuwi sa Basilio sa bayan na iyon ay una niyang
dinadalaw ang yumaong Ina ng palihim. Muli nitong naalala ang
pagkamatay ng Ina at ng lalaking sugatan na si Elias, labingtatlong
taon na ang nakaraan. Sa pamamagitan ng perang ibinigay ni Elias ay
lumisan si Basilio sa bayan na iyon at nagtungo sa Maynila.
Walang sinuman ang gustong tumanggap sa kanya dahil siya ay may
sakit, marumi, at gula-gulanit ang kasuotan. Sa sobrang hirap at gutom,
nagtangka siyang magpasagasa sa mga karwaheng dunadaam, ngunit
mabuti ay nakita siya ni Kapitan Tiago. Dito ay pumasok siya bilang
alila nang hindi binabayaran. Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na mag-
aral si Basilio sa San Juan de Letran. Mula ng pumasok si Maria Clara
sa kumbento ay kinamuhian na ni Kapitan Tiago ang mga pari.
Pinalipat naman ni Kapitan Tiago si Basilio sa Ateneo Municipal ng ito
ay makakuha ng Sobresaliente o pinakamataas na marka, kaya’t mas
lalo pang nagpakadalubhasa si Basilio sa kanyang pag-aaral.
Ngayon ay nasa huling taon na siya sa Medisina. Dalawang buwan pa
at magiging isang ganap na doktor na si Basilio. Pagkatapos ay muling
babalik sa bayan at papakasalan si Juli.
1. Ilang taon na ang lumipas matapos mamatay ang Ina ni Basilio?
2. Sino ang kumupkop kay Basilio sa Maynila?
3. Saan dumalaw si Basilio noong Nochebuena?
4. Dinadalaw ni Basilio ang libingan ng kanyang Ina sa tuwing siya ay
umuuwi sa _________ ?
5. Sa anong paaralan unang nag-aral si Basilio?
6. Anong marka ang nakuha ni Basilio sa una niyang paaralan?
7-10. Ano ang sinisimbolo o nais ipahiwatig ni Rizal sa pagpapaalila
ni Basilio upang makapag-aral ?

You might also like