Professional Documents
Culture Documents
Whenthe Earth Heats Up Frequently Asked Questionson Climate Change 2012 Ni Dymphna NJavier
Whenthe Earth Heats Up Frequently Asked Questionson Climate Change 2012 Ni Dymphna NJavier
Whenthe Earth Heats Up Frequently Asked Questionson Climate Change 2012 Ni Dymphna NJavier
net/publication/364657614
CITATION READS
1 406
1 author:
Joseph Basconcillo
Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration
13 PUBLICATIONS 114 CITATIONS
SEE PROFILE
All content following this page was uploaded by Joseph Basconcillo on 24 October 2022.
Rebyu
Javier, Dymphna N. 2012. When the Earth Heats Up: Frequently Asked Questions on
Climate Change. Manila: Communication Foundation for Asia.
Noong Oktubre 2012, inilathala ang akdang may pamagat na When the Earth Heats Up:
Frequently Asked Questions on Climate Change ni Dymphna Javier, isang Katuwang na
Propesor ng Unibersidad ng Pilipinas - Baguio (UPB). Sa dalawang bahagi nahahati ang
libro. Tugon ang unang bahagi sa mga karaniwang tanong tungkol sa panahon (weather),
klima (climate), at nagbabagong klima (climate change) [habang “nagbabagong klima”
ang kasalukuyang salin ng climate change sa wikang Filipino upang ipahiwatig ang
patuloy na naitatalang pagbabago ng klima, gagamitin sa mga susunod na bahagi ng
rebyung ito ang mas popular nang ginagamit na climate change]. Ginamit ng may-akda
ang pormang tanong-at-sagot na isang mahusay at simpleng paraan upang mabilis na
maipaunawa sa mga mambabasa ang mahahalagang konsepto ng klima at kung paanong
maaari itong magbago sa hinaharap. Napapaloob naman sa huling bahagi ng libro ang
isang sanaysay-larawan ni Noel de Leon tungkol sa mga sanhi at epekto ng climate change
at gayundin ang mga paraan upang mapigilan o mabawasan ang epekto nito.
ang mga usapin tungkol sa panahon, klima, karagatan, at lahat ng mga prosesong
bumubuo sa global climate system (GCS). Kinikilala ng WMO na mahirap maunawaan at
maging kapaki-pakinabang ang mga teknikal na impormasyon na may kinalaman sa
panahon at klima lalo’t higit kung malayo ang mga ito sa karanasan at kabuhayan ng mga
tao. Bunsod nito, itinatag ng WMO ang Global Framework on Climate Services (GFCS)
upang magsilbing balangkas ng malinaw, napapanahon, kapaki-pakinabang, at tamang
impormasyon (GFCS 2009).
LAYUNIN NG AKDA
Bagama’t hindi nagkakalayo ang dalawang layuning nabanggit, may malaking epekto ito
sa estilo at pamamaraan ng pagkakasulat nito. Kung ang unang layunin ang
pagbabatayan, maituturing na sapat lamang ang nilalalaman nito. Kapag itinuring itong
coffee table book, may kalabisan ang laman nito para sa mga ordinaryong mambabasa
kung kaya maaari nang laktawan ang climate system feeback mechanisms (pah. 4), mga
detalye ng global energy budget at effective temperature (pah. 2), at iba pang numero at
ilustrasyong maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mambabasa nito. Dahil sa mga
nabanggit na konsepto, lumilitaw na ang tindig ng akdang ito ay isang pinaikling teksbuk.
Samakatwid, may layunin ang akdang ito na makapanghiyakat o hindi kaya’y maging
pinaikling teksbuk para mga gustong mag-aaral ng agham at klimatolohiya.
Samantala, ginagamit ang climate variability upang ilarawan ang pabago-bagong klima.
Halimbawa na rito ang mga pagkakaiba ng panahon (tag-ulan, tag-tuyot, taglamig,
taglagas, at iba pa), pagpasok ng mga bagyo, pagbaha, tag-tuyot, El Niño Southern
Oscillation (ENSO), at iba pa. Ayon pa sa WMO:
Sa mga ganitong konteksto, maganda sana kung natalakay sa akda na maaaring ang mga
extreme event na ating nararanasan ay maaaring nangyari na sa nakaraan at bahagi
lamang ng climate variability gaya ng bagyo at baha. Sinusugan ito ng WMO kung saan
sinabi nilang:
Sapat ang pagtalakay ng akda sa mga natural na sanhi ng climate change at masusi rin ang
pagkakahimay nito sa bawat isa. Nailatag ang mga epekto ng global warming, kung saan
bunsod ito ng dumadaming greenhouses gases (GHGs) sa atmospera na nakakaapekto sa
pagpasok at paglabas ng init ng sikat ng araw sa mundo.
Mababasa sa akda na ang global warming [na maaari ring tawaging climate change (pah.
6, 13)] ay dahilan ng patuloy na paglakas at dumadalas na El Niño simula pa noong
gitnang dekada 1970 (pah. 8) na samakatwid, tumutukoy rin sa patuloy na pag-init ng
temperatura ng KP. Ang naganap namang malawakang coral bleaching noong 1997-1998
ay isa diumano sa mga epekto ng El Niño ng parehong taon (pah. 13). Ayon sa
isinagawang pag-aaral ng University of the Philippines (UP)-Marine Science Institute (MSI)
(Arceo et al. 2001), naitala ang isa sa pinakamalawak na coral bleaching sa Pilipinas noong
Hunyo hanggang Nobyembre 1998 (ang KP sa mga panahong ito ay nasa yugtong La
Niña). Sa katunayan, kapag may La Niña, mas mainit ang temperatura ng mga
karagatang nakapalibot sa Pilipinas kumpara kapag may El Niño. Samakatwid,
kinakailangan pa ng mas masusing pag-aaral upang tuwirang masabi na ang El Niño (at
ENSO sa pangkabuuan) ang sanhi ng coral bleacing at at maging climate change.
Sa parehong nabanggit, litaw ang pagkakabit ng ENSO sa climate change. Kung ang mga
bagong pag-aaral ang pagbabatayan tungkol sa relasyon ng ENSO sa climate change,
walang nakikitang matibay na ebidensyang nagpapatunay sa pagbabago ng lakas at dalas
nito (Solomon et al. 2007b). Bagama’t may mga senyales na umiinit ang KP, maaaring
parte lamang ito ng climate variability (Yeh et al. 2011). May nakikitang epekto ang
pagdami ng GHGs sa El Niño (Yeh et al. 2009) ngunit hindi rin ito sapat na batayan upang
ikabit ito sa lakas at dalas ng El Niño. Samakatwid, ang ENSO kasama na ang 1997-1998
El Niño ay parte lamang ng climate variability at hindi bunsod ng climate change.
Mababasa rin sa akda na ang global warming (pah. 8) [na maaari ring tawaging climate
change (pah. 6)] ay pinapatotohanan ng mas malalakas na hanging naitatala malapit sa
mata ng bagyo simula dekada 1970. Binanggit ding dahil sa patuloy na pag-init ng
temperatura ng karagatan, maaaring magkaroon ng mas madalas at mas malalakas na
bagyo (pah. 13). Noong 2007, iniulat ng IPCC sa kanilang Fourth Assessment Report
(AR4) (Solomon et al. 2007a) na bagama’t may mga ebidensya ng pagbabago sa lakas ng
hangin malapit sa mata ng bagyo at dami ng ulang kasama nito, wala namang nakikitang
pagbabago sa dalas nito. Ayon pa sa nasabing ulat, pinakamaraming naitalang bagyo
mula noong dekada 1970 sa North Atlantic Basin ngunit hindi ito katulad ng nangyayari sa
iba pang basin (Solomon et al. 2007a). Ang Pilipinas ay kabilang sa Northwestern Pacific
Basin at mababa ang katiyakan sa pagbabago ng dalas at lakas ng bagyo dito. Bilang
pagdaragdag, makikita ang dami ng mga bagyong pumasok sa Philippine Area of
Responsibility (PAR) mula 1948 (tingnan ang Pigura 1) na kung saan ang bilang nito’y
bahagyang dumadulosdos paibaba, senyales na walang malaking pagbabago sa dami ng
bagyong pumasok sa PAR (PAGASA 2014).
PIGURA
Annual Number of Tropical 1
Cyclones in the PAR
Dami ng Bagyong Pumapasok sa Philippine
Period: 1948-2013Area of Responsibility (1948-2013)
40
Number of Tropical Cyclones
35 y = -0.026x + 20.22
Five-year running mean
Number of Tropical Cyclones
25
20
15
10
0
1948 1953 1958 1963 1968 1973 1978 1983 1988 1993 1998 2003 2008 2013
Year
(PAGASA 2014)
Ayon pa sa pinakahuling ulat ng IPCC, ang Fifth Assessment Report (AR5) (Christensen et
al. 2013), dahil sa kakulangan ng kaalaman at datos sa mga nakalipas na bagyo, hindi
matiyak kung may kinalaman ba ang dalas at lakas nito sa pagdami ng GHGs.
Samakatwid, mababa ang lebel ng katiyakan, ayon sa IPCC, upang sabihing may
kinalaman ang global warming (at climate change) sa pagbabago ng dami at lakas ng
bagyo sa hinaharap.
Matatagpuan sa websayt ng PAGASA (2015) ang isa pang uri ng pagtataya ng klima
hanggang taong 2040. Tinatawag itong climate change projection kung saan ipinapakita
ditong maaaring maging mas basa ang tag-tuyo (March-April-May; MAM) ngunit tuyo pa
rin ito kumpara sa tinatayang mas basang tag-ulan (June-July-August; JJA). Mahalagang
maipakita at matalakay sa susunod na edisyon ng akda ang konsepto ng probability at
likelihood dahil dito umiikot ang pagtaya ng panahon at klima. Sa puntong ito, ang
nasabing websayt mula sa PAGASA ay nagpapakita ng mga karagdagang impormasyon
tungkol sa hinaharap na makakatulong sa mga mambabasa ng akdang ito.
Kailangan ding linawing ang klima sa Pilipinas ay nahahati lamang sa dalawang uri: tag-
tuyot at tag-ulan. Walang tag-araw o summer gaya ng mababasa sa akda (pah. 12).
Kakaunti lamang ang ulan tuwing MAM kaya mas mainit ang temperaturang naitatala sa
mga buwang ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ito kadalasang tinatawag na tag-
araw.
PANGWAKAS
Ang akdang ito ay mahusay na panimulang babasahin sa climate change. Ngunit dahil sa
pagpasok ng mga makabagong teknolohiya at pamamaraan, ang mga ganitong akda ay
dapat madalas na binabalikan at nirerebisa ayon sa mga pinakabagong pag-aaral sa
larangan ng meteorolohiya at klimatolohiya. Sa ganitong paraan, ang mga impormasyong
nababasa at tumatatak sa mga tagatangkilik ng ganitong babasahin ay tunay na
makakatugon sa mga hamon ng climate change.
Sanggunian
Arceo, Hazel, Miledel Quibilan, Porfirio Aliño, Goldee Lim, at Wilfredo Y. Licuanan. 2001.
Coral Bleaching in Philippine Reefs: Coincident Evidences with Mesoscale Thermal
Anomalies. Bulletin of Marine Science 69, blg. 2: 579–593.
Basconcillo, Joseph, Anthony Lucero, Analiza Solis, Robert Sandoval Jr., Eulito Bautista,
Tatsuji Koizumi, at Hideki Kanamaru. 2016. Statistically Downscaled Projected
Changes in Seasonal Mean Temperature and Rainfall in Cagayan Valley,
Philippines. Journal of Meteorological Society of Japan 94A: 151-164.
Christensen, Jens Hesselbjerg, Kanikicharla Krishna Kumar, Edvin Aldrian, Soon-Il An,
Iracema Fonseca Albuquerque Cavalcanti, Manuel de Castro, Wenjie Dong,
Prashant Goswami, Alex Hall, Joseph Katongo Kanyanga, Akio Kitoh, James
Kossin, Ngar-Cheung Lau, James Renwick, David B. Stephenson, Shang-Ping Xie,
at Tianjun Zhou. 2013. Climate Phenomena and their Relevance for Future
Regional Climate Change. Nasa Climate Change 2013: The Physical Science Basis;
Contribution of Working Group I to the Fifth Assessment Report of the
Intergovernmental Panel on Climate Change, mga pat. Thomas F. Stocker, Dahe
Qin, Gian-Kasper Plattner, Melinda M.B. Tignor, Simon K. Allen, Judith Boschung,
Alexander Nauels, Yu Xia, Vincent Bex, at Pauline M. Midgley, 1217-1308.
Cambridge at New York: Cambridge University Press.
Global Framework on Climate Services (GFCS). 2014. Climate Services for Decision-
Making: A Brief Introduction to Global Framework on Climate Services. Websayt
ng Global Framework on Climate Services, http://goo.gl/Foy2KA (nakuha noong
Nobyembre 26, 2015).
Solomon, Susan, Dahe Qin, Martin Manning, Richard B. Alley, Terje Berntsen, Nathaniel
L. Bindoff, Zhenlin Chen, Amnat Chidthaisong, Jonathan M. Gregory, Gabriele C.
Hegerl, Martin Heimann, Bruce Hewitson, Brian J. Hoskins, Fortunat Joos, Jean
Jouzel, Vladimir Kattsov, Ulrike Lohmann, Taroh Matsuno, Mario Molina, Neville
Solomon, Susan, Dahe Qin, Martin Manning, Richard B. Alley, Terje Berntsen, Nathaniel
L. Bindoff, Zhenlin Chen, Amnat Chidthaisong, Pierre Friedlingstein, Jonathan M.
Gregory, Gabriele C. Hegerl, Martin Heimann, Bruce Hewitson, Brian J. Hoskins,
Fortunat Joos, Jean Jouzel, Vladimir Kattsov, Ulrike Lohmann, Taroh Matsuno,
Mario Molina, Neville Nicholls, Jonathan Overpeck, Graciela Raga, Venkatachalam
Ramaswamy, Jiawen Ren, Matilde Rusticucci, Richard Somerville, Thomas F.
Stocker, Peter A. Stott, Ronald J. Stouffer, Penny Whetton, Richard A. Wood, at
David Wratt. 2007b. Summary for Policymakers. Nasa Climate Change 2007: The
Physical Science Basis; Contribution of Working Group I to the Fourth Assessment
Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change, mga pat. Susan
Solomon, Dahe Qin, Martin Mannning, Melinda Marquis, Kristen Averyt, Melinda
M.B. Tignor, Henry LeRoy Miller Jr., at Zhenlin Chen, 1-18. Cambridge at New
York: Cambridge University Press.
Stocker, Thomas F., Dahe Qin, Gian-Kasper Plattner, Lisa V. Alexander, Simon K. Allen,
Nathaniel L. Bindoff, Francois-Marie Bréon, John A. Church, Ulrich Cubasch, Seita
Emori, Piers Forster, Pierre Friedlingstein, Nathan Gillett, Jonathan M. Gregory,
Dennis L. Hartmann, Eystein Jansen, Ben Kirtman, Reto Knutti, Kanikicharla
Krishna Kumar, Peter Lemke, Jochem Marotzke, Valerie Masson-Delmotte, Gerald
A. Meehl, Igor I. Mokhov, Shilong Piao, Venkatachalam Ramaswamy, David
Randall, Monika Rhein, Maisa Rojas, Chistopher Sabine, Drew Shindell, Lynne D.
Talley, David G. Vaughan and Shang-Ping Xie. 2013. Technical Summary. Nasa
Climate Change 2013: The Physical Science Basis; Contribution of Working Group I
to the Fifth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change,
mga pat. Thomas F. Stocker, Dahe Qin, Gian-Kasper Plattner, Melinda M.B.
Tignor, Simon K. Allen, Judith Boschung, Alexander Nauels, Yu Xia, Vincent Bex,
at Pauline M. Midgley, 33-15. Cambridge at New York: Cambridge University Press.
Thornton, Philip K., Polly J. Ericksen, Mario Herrero, at Andrew J. Challinor. 2014.
Climate Variability and Vulnerability to Climate Change: A Review. Global Change
Biology 20, blg. 11: 3313-3328.
World Meteorological Organization (WMO). 2016. 2015 is the Hottest Year on Record.
Websayt ng World Meteorological Organization, https://goo.gl/mWxCrm (nakuha
noong Enero 25, 2016).
Yeh, Sang-Wook, Jong-Seong Kug, Boris Dewitte, Min-Ho Kwon, Ben P. Kirtman, at Fei-
Fei Jin. 2009. El Niño in a Changing Climate. Nature 461, blg. 7263: 511-514.
Yeh, Sang‐Wook, Ben P. Kirtman, Jong‐Seong Kug, Wonsun Park, at Mojib Latif. 2011.
Natural Variability of the Central Pacific El Niño Event on Multi‐Centennial
Timescales. Geophysical Research Letters 38, blg. 2: L02704 (1-5).