Banghay Aralin TTL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

FILIPINO GRADE 7

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar.
b. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
c. Naisusulat ang mga patunay na ang kwentong bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.

II.PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Ang Munting Ibon (Maranao)
Kwentong Bayan
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7, pahina 6-20. May akda: Alma M. Dayag
C. Kagamitan: Libro, Laptop, Powerpoint presentation, Video Clip.

III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a.Panalangin
b.Pagbati
c.Pagtsek ng atendans
d.Pagbabalik-aral
B. Pagganyak
a. Ang bawat isang mag-aaral ay pwedeng makasagot. Dapat mabilis ang pagtaas ng
kamay upang maunang makasagot.
b. Sa pamamagitan ng laptop, magpapakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita
ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
c. Tutukuyin at ipaliliwanag ng mag aaral ang napiling larawan.
d. May karagdagang puntos ang sinomang makasasagot.

C. Paglalahad
Magpapanood ang guro ng video clip tungkol sa paksang tatalakayin na may
kaugnayan sa ginawang pagganyak sa kanilang aralin.

D. Panlinang na Gawain
a. Matapos na panuorin ang inihandang video clip. Gamit ang powerpoint presentation,
isusuma ng guro ang mga pangyayari ayon sa pinanuod.
b. Magtatanong ang guro kung may kakilala ba silang tao na katulad ng pag-uugali ng
tauhan sa kwento.
c. Bibigyan ng pagkakataon ng guro ang mga mag-aaral upang magbahagi ng mga
kaalaman tungkol sa napanood na kwentong bayan.

E. Pagtalakay
a. Ipaliliwanag ng guro kung ano ang kwentong bayan at mga halimbawa nito.
b.Pagtalakay sa isang halimbawa ng kwentong bayan na pinanood sa video clip.
Ang Munting Ibon (Maranao)
c. Magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang hinuha sa kaugalian at
kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kwentong bayan.
d. Magpapalitan ng kaalaman tungkol sa pangyayari sa pinanuod at kaugnayan ng
kaganapan sa iba pang lugar.

F. Paglalapat
a. Bubuo ng limang grupo ang mga mag aaral. Mag-iisip ang bawat grupo ng
simbolismo na nagpapakita ng wagas na pag-iibigan ng mag-asawa.
b. Sa isang bondpaper, gumawa ng isang poster o simbolismo ng mag-asawang wagas
ang pag-iibigan.
G. Paglalahat.
a. Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay hihikayating sagutin ang tanong
na patunay ba na ang kwentong bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na
pinagmulan nito?
b. Ibubuod ng guro ang mga naging sagot ng mag-aaral.

IV. Pagtataya
Online Quiz
a. Sa pamamagitan ng smart phone, may pasasagutan ang guro sa quizizz gamit ang
code na kanyang ibibigay.
b. Ilalagay ng mga mag aaral ang kanilang buong pangalan sa nickname upang mas
malinaw ang kanilang pagkakakilanlan.
c. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga tanong sa quizizz na inihanda ng guro na may
kinalaman sa paksang tinalakay.

V. Takdang Aralin:

You might also like