Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region V
Schools Division Office of Camarines Sur
CALABANGA NATIONAL HIGH SCHOOL
(formerly Calabanga National High School)
Sta. Cruz, Calabanga, Camarines Sur

ESP 7 – 4TH Qtr. (Activity Sheet: Week 3)

Lesson / Topic: KARUNUNGAN AT PAGTITIWALA SA SARILI

Layunin:
1. Nakikilala ang mga indikasyon ng karunungan at pagtitiwala sa sarili
2. Natataya kung taglay niya ang birtud ng karunungan at tiwala sa sarili
3. Nahihinuha ang Batayang Konsepto ng Aralin
4. Naipamamalas ang mga hakbang upang makapagpasiya at kumilos nang
naaayon sa birtud ng karunungan at pagtitiwala sa sarili

NILALAMAN: Birtud ng Karunungan: Kahulugan at mga Katangian nito

Sa salitang kalye, ang “pilosopo” ay nangangahulugan ng isang taong makulit at


mahirap kausap. Ngunit hindi ito ang tunay na ibig sabihin ng pilosopo. Ang pilosopo ay
taong gumagamit ng pilosopiya sa kanyang pag-iisip at pangangatwiran. Ang salitang
“philosophy” ay mula sa Griyegong salita, “philos” na ibig sabihin ay pagmamahal (love), at
“sophia” na ang ibig sabihin ay karunungan (wisdom). Kung magkagayon, ang pilosopo ay
taong nagmamahal sa karunungan.

Gayunpaman, dapat maging malinaw na ang taong may karunungan ay iba sa


taong may kaalaman (wisdom vs. Knowledge). Lahat ng marunong ay may
kaalaman ngunit hindi lahat ng maalam ay may karunungan.

Halimbawa:
1. Isang politiko na ginagamit lang ang kanyang puwesto sa pamahalaan
upang ibulsa ang kaban ng bayan at magpayaman. Tiyak na walang makapagsasabing ang
politikong iyon ay may taglay na karunungan sa kanyang ginagawa.
2. Ang isang mag-aaral ay may mataas na gradong nakukuha sa paaralan. Ngunit
nasasangkot naman sa mga pagsuway at kalokohan sa paaralan. Sa palagay mo,
nagpamalas ba siya ng karunungan?

Ang karunungan ayon sa isang manunulat at teologo na si Lockyer, ay isang


kakayahang humatol nang tama at sumunod sa pinakamabuting pagkilos na
nakabatay sa kaalaman at pagkaunawa.
Upang ang kaalaman ay maging karunungan, dapat ang tao ay magpasiyang gawin at
isabuhay ang mga nalaman at naunawan niya gamit ang kilos-loob. Ang kanyang
pagsasabuhay ay inaasahang magdulot ng kabutihan sa kaniyang kapuwa at sa kanyang
sarili.

Ayon sa pilosopong si Aristoteles ang lahat ng mga birtud ay hindi maisasakatuparan kung
walang karunungan. Ito ay dapat na nakikita at naisasabuhay sa pang-araw-araw na
pamumuhay at pakikipag-ugnayan. Ito ay praktikal din, ang taong may praktikal na
karunungan ay nalalaman ang tamang bagay na gagawin sa tamang paraan saa anumang
sitwasyon, sa sinumang tao at sa anumang panahon.

May tatlong hakbang ng praktikal na karunungan ayon kay Santo Tomas de Aquino na
dapat nating tandaan upang maisagawa natin ito:
1. Payo-Kailangan humingi ng payo mula sa mga taong may karunungan at karanasan
tungkol sa bagay na iyong pinag-aralan.
2. Hatol-matapos niyang tipunin ang mga impormasyon at payo, kailangang pag-aralang
mabuti at timbangin ang mga ebidensiya.
3. Pasiya-matapos makagawa ng pagpapasiya, dapat niya agad iyong isakatuparan.

Mga katangian ng taong may Karunungan


1. Nalalaman niya ang layunin ng kaniyang ginagawa.
2. Nababalanse niya ang magkatunggaling mga layunin.
3. Nararamdaman niya ang damdamin ng kanyang kaouwa.

Birtud ng Pagtitiwala sa Sarili: Kahulugan at Batayan nito


Ang kamalayan ng kanyang sarili ay isa ring kakayahan na nagpapabukodtangi sa ating
mga tao.

Ayon kay Carl Rogers, isang sikolohiko may tatlong dimensiyon ang konsepto sa sarili:

Self-image- Ito ay tumutukoy sa kung paano mo nakikita ang iyong sarili. Ang mga
pananaw natin sa ating sarili ay mula sa iba't ibang aspekto tulad ng pisikal na katangian,
katangian ng personalidad at mga ugnayang kinabibilangan.

Self-Esteem- Ito ay tumutukoy sa kung paano mo pinapahalagahan ang iyong sarili.

Ideal self- Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nais mong maging sa iyong sarili. Sa
maraming pagkakataon, ang nakikita mo sa iyong sarili (self-image) ay hindi tugma sa nais
mo sanang maging ikaw.

Upang maging makatotohanan ang ating konsepto sa sarili na akma sa realidad, dapat
ibatay natin ang ating pananaw sa mga katotohanang hindi nagbabago.

1. Ikaw ay nilalang na kawangis ng diyos


2. Ikaw ay minamahhal
3. Ikaw ay may kalakasan
Kahalagahan ng Karunungan at pagtitiwala sa Sarili

Mahalagang mapaunlad natin ang mga birtud ng karunungan at pagtitiwala sa sarili


sapagkat mayroong mga positibing bunga ang mga ito sa ating buhay at pamayanan.
1. Personal na kaligayahan
2. Makataong pakikipagkapwa
3. Mapanagutang pamumuhay sa lipunan

Gawain: A4 Size Bond Paper


Panuto: Ilarawan ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sarili sa pamamagitan ng PAGGUHIT,
AWIT at TULA. Pumili lamang ng isa.

Gabay na Tanong: Bakit kailangan nating isabuhay ang karunungan at pagtitiwala sa sarili?

Prepared by:

Marielle P. Naradulla
ESP Teacher

You might also like